(((Kei's POV)))
"Keira, kung hindi mo kaya panindigan, sana hindi mo inaako!" Sermon ni Charms sakin.
"Charms I'm sorry, I really do, nawala lang kasi talaga sa isip ko, eh!" Paulit ulit akong humihingi ng sorry pero wala talaga yatang magagawa ang sorry ko.
Lecheng buhay naman kasi to, sa dinami rami ng makakalimutan ko, yung term paper pa ng grupo namin sa isang major subject namin at hindi lang sya major, terror pa yung professor, kaya lagot na talaga ako.
"Guys, wala nang magagawa yang pagtatalo nyo, so I suggest umpisahan na natin gumawa tutal may four hours pa naman tayo!" Sabat ng isa naming kagrupo.
"Ito nang laptop ko gamitin natin!" Sabi naman ni Ken.
Habang gumagawa kami, medyo tahimik ang room, vacant kasi namin. Lima kaming magkakagrupo at si Kian at Drew ang gumagawa nung term paper, si Ken ang gumagawa ng visuals at Charms ang magpepresent. Ako naman inassign sa games na naka-assign dapat kila Kian at Drew. Mag-dadalawang oras na kaming tahimik nang sunod sunod na tumunog ang phone ko.
"Kung hindi mo sasagutin isilent mo, kung sasagutin mo, sagutin mo na, ang inggay masyado, eh!" Sabi ni Charms habang busy sa paglalagay ng design sa cartolina.
Sinilent ko na lang yung phone ko, kahit na gustong gusto kong sagutin ang text at tawag ni Clark hindi ko magawa dahil nakokonsensya ako sa mga kagrupo ko.
"Girls, malapit na matapos, sino magpapaprint?" Tanong ni Kian.
"Ako na magpapaprint" sabi ko pero hindi pumayag si Charms.
"Ako na, baka maling file pa maprint, eh" sabi nito saka tumabi kila Kian at sya na ang nag copy nung files sa flash drive nya saka na lumabas para magpaprint.
"It's okay friend, tense lang yun kaya ganun!" pampalubag loob na sabi ni Ken. Magsasalita pa sana ko nang magvibrate ang phone ko.
"Sya ba ang dahilan kaya mo nakalimutan gawin yung term paper?" Tanong nito na tinanguan ko lang as an answer.
"Palalampasin namin to Kei, ah, pero pag naulit, I won't tolerate you anymore" she said saka ngumiti "Sagutin mo na yan!" Sabi nya saka na inayos yung mga gamit namin.
*****
"Shutangena, nasan na yung dalawa?" Ang aga aga napapamura ako. Tinignan ko yung mesa at wala namang kahit anong nakahaing pagkain. Wala na sa garahe yung kotse nung dalawa at wala man lang note o text na mauuna na silang pumasok. Ni hindi man lang nila ko ginising! Buti na lang nakaligo na ko. Sa cafeteria na lang ako kakain.
Pagdating na pagdating ko sa campus, Dumiretso ako sa cafeteria.
Bibili na sana ko ng sandwich nang bigla kong makita ang malaking orasan na nakasabit."Putragis! Super late na ko!" Sabi ko nang makitang nasa 8 na ang dalawang kamay nung orasan!
Kendra masasapuk kita! Bakit hindi mo ko ginising!!!
"Late comers are not allowed! Stay outside!" Biglang sabi ng prof namin nang pumasok ako sa pinto sa likod, dahil doon, nagtinginan ang mga ka-block ko sakin.
"Sorry po ma'am" sabi ko na lang saka na lumabas. Bumalik na lang ako sa cafeteria at kumain ng breakfast meal.
"Putik na buhay to, kung ganito palagi ang gagawin sakin nung dalawa, babagsak ako sa first subject ko! Kainis!" Reklamo ko sa pagkain ko. Buti na lang walang tao rito sa canteen kung hindi napagkamalan na akong baliw.
Nang matapos akong kumain dumiretso ako sa library. Lintik na buhay naman kasi to, sa dinami rami ng subject, sa three hour subject pa ko napalabas! Dahil wala akong magawa, nag advance reading na lang ako para sa next class namin, kahit bihira ko tong gawin, no choice, eh, bawal naman tambay lang dito sa library.
BINABASA MO ANG
Paasa Sya, Tanga Ka!
Fiksi UmumSya ay isang paasa, ikaw naman ay tanga! Pano nga ba magmahal ang isang tanga? At pano kaya masaktan ang isang paasa?