Chapter 12
Naglakad lakad kami ngayon ni Adrian sa mall. Kahit labag sa loob ko, wala naman akong magagawa. Kahit masama ugali nito, alam kong tnutulungan lang niya ako ngayon na maging Masaya. Wala eh, disappointed padin ako sa sarili ko dahil kanina.
“ Eunice, paano kapag sinabing kong may gusto ako sayo. “ sabi niya.
“ Edi may gusto ka sakin. Tapos. Haha. “ sagot ko naman.
Hello? Ayoko talaga sa kaniya. After everything, hindi love ang nararamdaman ko kundi galit. Actually, siya naman may kasalanan kanina diba? Kung hindi niya sinabi na siya yung first kiss ko, edi sana hindi ako tumayo at hindi sana natapunan ng iced tea si Joshua. Ugh! Mas naiinis ako kapag iniisip ko yun eh.
“ Hindi mo ko papayagan na maging boyfriend mo? “ sabi naman niya.
“ Hahaha. Niloloko mo ba ako? Bakit naman ako papayag sa isang katulad mo? Okey na ko sa pagiging friends natin. “ sagot ko naman.
Hindi na siya nagsalita pagkatapos nun. Nagtuloy tuloy na lang ulit kami sa paglalakad.
Awkward silence yung pumapalibot samin dalawa. Did I offend him? Ugh! Bakit naman kasi tuloy tuloy na lang ako sa pagsasalita eh. Hindi ko na iniisip yung mararamdaman niya. ‘Ang bobo mo Eunice’ sabi ko sa sarili ko.
“ Sorry. “ sabi ko.
“ Ha? Bakit? “ sabay tingin niya sa akin.
“ Sa sinabi ko. Baka kasi na-offend ka. “
“ Wala ‘yun. Alam ko naman na hindi ako boyfriend material. Lagi lang naman ako nagpapaiyak ng babae diba? Katulad mo, hindi ka maniniwala na may gusto ako sayo kasi pinaiiyak lang kita. “
Naalala ko tuloy yung pinaiyak niya ako. Oo, tama siya. Kaya ayoko talaga siya maging boyfriend kung sakali man. Nakakainis kaya siya.
“ May gusto ka ba saken? “ tanong niya.
Umiling iling ako tsaka sumagot, “ Wa-wala ah. “
“ Syempre. Asa pang meron. “
**
Pagkatapos namin maggala sa mall. Hindi ko inaasahan na ihatid niya ako sa bahay namin. Sobrang unexpected. Medyo magdidilim na din kasi kaya pumayag na ako.
“ Gusto mo ba magdinner samin? “ yaya ko sa kaniya sabay taas nung cake na binili ko kanina. Oo, bumili ako kanina kasi mahilig ako sa matamis.
Afterall, tiniis niyang kasama ang isang katulad ko kaya ko siya niyaya.
“ Sure. “ sagot niya kaya naman pinapasok ko na din siya sa loob ng bahay.
Naupo siya sa may sofa habang ako naman ay tumaas sa kwarto ko at nagpalit ng pangbahay na damit. Nang matapos ako, bumaba ako at nakita ko siyang hawak hawak yung mga litrato ko.
“ Ikaw ‘toh? Hahaha. Ang cute cute mo pala dati. “
“ Oo, cute talaga ako. “ pagmamayabang ko.
“ Anong nangyari ngayon? Asan na yung cuteness mo? “ pang-iinis niya.
Hindi na ako sumagot bagkus ay dumila na lang ako sa kaniya.
“ Joke lang naman. Maganda ka na kasi ngayon. “
Di ko alam pero uminit bigla yung pisngi ko. Ano ba ’tong nararamdaman ko. Ugh!
“ Hahaha! “ tawa niya. “ Bakit ka namumula diyan? Akala mo totoo noh? Hahaha. Joke lang din yung ‘maganda-ka-part’. “
Napalitan ng init ng ulo ko yung init sa pingi. Kala mo kung sinong gwapo ‘tong lalaking ‘to e. Yabang talaga.
“ Yabang mo talaga! Tss. Geh dun muna ako sa may kusina. “ sabay hinablot ko yung mga pictures ko sa kamay niya.
“ Hep! Hep! Saan mo naman dadalin ‘yan? Di pa kaya ako tapos sa pagtingin sa mga pictures mo. “ pagrereklamo niya.
“ Wag mo na tignan. Baka magsawa ka sa maganda kong mukha. “ sagot ko naman.
“ Hahaha! Yuck! Ngayon pa nga lang, sawang sawa na ako. “ pangiinis na naman niya.
“ Bahala ka na nga diyan. “
“ Wait lang, akin na muna ‘yan. “ sabay tayo niya at kinuha yung mga litrato sa kamay ko.
Hinayaan ko na lang din siya kaysa naman magtalo na naman kami. Baka hindi na ako makapagluto nun at lalong wala ng dinner.
“ Bilisan mo magluto ha! “ sigaw niya nung makarating na ako sa kusina.
Wow ha. Pauwiin ko na lang kaya siya. Sinabihan pa talaga ako na bilisan ko, kung siya kaya nagluluto dito.
Nang medyo matagal tagal na din akong nagluluto ay nakita ko siyang pumasok sa kusina.
“ Sigurado ka ba na masarap ba ‘yan? “ sabay titig niya sa niluluto kong sinigang.
“ Oo naman. Syempre, ako ang nagluto. “ pagmamayabang ko.
Biglang kumuha siya ng kutsara na nakapatong sa table. Nagtaka tuloy ako kung ano ang gagawin niya. Tapos lumapit siya dun sa sinigang na niluluto ko.
" Titikman ko ha. Siguraduhin mong masarap 'toh. " sabi niya.
" Hoy! Masarap 'yan! " sigaw ko.
Biglang inilapit niya na yung kutsara sa sinigang ko. " Ilalapit kona. Oh malapit na. Malapit na malapit na. " sabi niya habang dahan dahan na ibinababa sa sinigang ko ang kutsara.
" Dami pang arte, tikman mo na lang! " pang iinis ko sa kaniya.
Nang makakuha na siya ng sabawa ng sinigang ay isinubo niya na ito.
"Pweeeee! "
Nagulat ako nung bigla niya 'tong ibuga kaya nalagyan yung buong sinigang ng pinaghalong sabaw at laway niya.
Grabe! Walang pakundangan dun sa pinakamamahal kong sinigang na niluto ko. Ugh!
--
vote and comment po kayo <3
A/N : medyo sinisipag magupdate. sembreak eh :D
BINABASA MO ANG
He's A Devil [Fin]
Adventure"My life changed when I let my self fall in love with the Devil." | mundongsaging (c) 2013 ALL RIGHTS RESERVED