Zion's POV
"Talaga?! Sinasagot mo na ko?"
Grabe! Gusto kong magtata-tambling sa harap nya pero ehem. Cool ka lang."Uhuh. Tayo na" YES! wohooo! Ilang years ko rin syang inintay ilang years!
3 to be exact."I LOVE YOU KIM!" Sigaw ko
"Hahaha. Love you too... Zion"
Bulong nya.Grabe! Di ako makapaniwala! Angsaya saya pala ng ganito.
Matutuwa bestfriend ko neto! Ahaha. Number one supporter ko yun kay Kim, actually, sya lang ang boto kay Kim ayaw nila mom and dad.
Pero walang makakapigil samin! Hahaha.
"Kim, hatid na kita"
Ngumiti sya. "Salamat Zion"
Ganda nya talaga...
~~~~
Pagkahatid ko kay Kim, pumunta agad ako sa bahay ng bestfriend ko
Bukas yung pinto ng bahay nila?
I mean nya?
Sabi ko lagi nyang isasara eh. Wala pa kasi syang masyadong kapitbahay dito."Tao po? May alien ba dito?"
Walang sumasagot.
"Knock knock?" Dahan dahan ako pumasok...
Bigla kong narinig yung flush ng toilet sa cr.
"Ano ginagawa mo dito? Istorbo ka sa pagtae ko eh." -_-
Poker face lang sya. Hahaha! Moody nya talaga eh.
"Bes? PMS nanaman?"
Natatawa kong sabe"Tse!" Sinapok nya ko tas dun lang sya tumawa.
"Pre, may goodnews ako sayo!" Ngiting ngiti kong sabe
"Wut?" Naka-ngiti nya ring sabe.
"Kami na ni Kim pre!" Nawala yung ngiti nya, naging poker face. Kinakabahan tuloy ako.
Pero bigla syang ngumiti ng malapad na ngiti tapos nagtata-talon."WAAAAAAAAHHH! May gf na bespren kooooo! Akala ko bakla sya! Woooo! Salamat! Di pala HAHAHAHAHA" Sinigaw nya habang nagtatatalon
Loko talaga to.
Haha, pero ang saya ko kase support parin sya. Yan ang bestfriend ko.
"Salamat Krisha!" Nakitalon talon na rin ako tapos niyakap ko sya
"Wohooo! Party party!" Sigaw nya.
Di kame nag-iinom ng alak, pero pag sinabi nyang party party it means mag iinuman kame, pero hindi alak.
Gatas ang iniinom namen or chocolate, basta Cowhead. Favorite namin yun hahaha. How childish right? Haha"Bes? Sobrang saya ko alam mo?"
"Oo halata naman bes. Hahaha! Tagal mo kaya nag antay sakanya!"
Tuwang tuwa talaga ako.
"Pero secret lang naten to kila mom at dad ha?"
Nagbago bigla facial expression nya.Alam ko namang ayaw nyang sinusuway ko sila. Pero wala eh.
"Osige, sabi mo eh." Ngumiti lang sya ng slight "Sya, tulog na tayo maaga pa tayo papasok bukas." Napatingin sya sa orasan "Uh... 12 na pala, gusto mo dito ka nalang matulog? Nalabhan ko na naman yung mga naiwan mong damit dito nung nakaraan. Nakakahiya sayo eh" tumawa lang kaming parehas
"Uhm, sige. Dito nalang ako matutulog. Lambot ng kama mo eh."
Sabay kindat.Bigla nya akong binatukan.
"Tarantaduu. Doon ka sa kabilang kwarto! Loko to. May balak ka pa ata manyakin ako!" Sabay tawa. Kaya natawa rin ako ng malakas."Oy, wala akong sinabe na kung ano" natatawa parin ako
"HAHAHA! Sabi ko naman kase sayo na wag kang kikindat! Di ka gwapo! Mukha ka lang manyak!"
Hahaha. Sabe na eh, sya palang nagsasabe sakin nyan. Haha I mean, SYA PALANG NANGLALAIT SAKIN NG GANYAN.😂"Awts. Sinaktan mo feelings ko" joke ko.
"Feelings? Wala ka naman nun"
YOU ARE READING
Dear Bestfriend (Anshunga Mo)
Teen FictionMahal na mahal kita, kahit di moko mahal, Okay lang! Andito lang ako lagi na susuportahan ka. Pati sa mga katangahan mo? Oo susuportahan parin kita :) Kahit mas nasasaktan ako kesa sayo. Tanga mo kasi eh, bestfriend. Nandito na nga ako sa harapan mo...