Saturdate part 2

14 0 0
                                    

Zion's POV

"Grabe. Parang di ka kumain ng sandamakmak na kanin sa Inasal kanina ah?"

Grabe! May halimaw talaga sa loob ng tyan nya! Hahahaha. Lakas ba naman kumain😁😂

"Gutom nga sabe ako" di nya ko tinitignan. Naka focus talaga sya sa pagkain

Grabe 'tong bestfriend ko. Dyosa sa labas halimaw sa loob😁😂

Si Kim? Hahaha. Parehas lang. Dyosa sa labas, dyosa rin sa panloob.

"Kamusta kayo ni Kim?" Bigla akong natauhan sa sinabi nya. Di parin sya nakatingin sakin.

"Uhm, ayos. Ganon parin. Walang nagbago"

"Oo. Satin lang meron." This time nakatitig na sya sakin.
Huh? Anong may nag bago? Parang ang lungkot ng mata nya pagkakasabi nya non.
"WAHAHAHAHA! SYEMPRE JOKE LANG! HAHAHAHA!"

Tss. Di talaga mawawala sakanya pagka matrip 😁😂

"Alam mo Lion na mukhang unggoy? Medyo tumahimik ka na nowadays. Di ka na baliw, I mean. Nagiging silent type ka na? Ano nakain mo?" Tumingin sa ng matagal sakin habang ako nakatitig lang sakanya di ko kase makuha ano ibig nya sabihin " Amin na kakainin ko rin baka sakaling tumalab sakin at manahimik rin bunganga ko! HAHAHAHAHAHA"

Loko talaga to. Hahaha, kahit kelan hindi nagiging seryoso topic namin dahil sakanya. Ngayon magiging seryoso. Maya maya, loka loka ulit.

"Oo nga. Di ko rin alam eh? Change is coming. Hahaha magbago ka na rin bibeh! Hahaha"
Tinaasan nya lang ako ng isang kilay.

"I hate changes. Changes is just for weirdos"

Sinapian nanaman ng pagka englishera😂

"Di naman lahat bakla!" Haha. Yan sinasapian na din ako ulit ng pagka bakla😂😂😂

"Tse! Whatever! I hate changing. I hate changes. Bakit ka mag babago? Para saan? Para kanino?"

"Oo na bibeh! Let's go na! Aawra na tayis!" Bigla naman sya tumawa ng sobrang lakas! As is in. Nakahawak pa sya sa tyan nya.

"Oy ne! Ganire pag aawra tayis..."
Tinuruan nya ko mag lakad na parang nagfa-fashion show. Which is ginawa ko naman. Kaya lalong lumakas tawa nya. "Perfect bibeh! Galing mo! HAHAHAHAHA. Kembot pa" kumembot naman ako.

"Ganito ba mamang?" With gay tone
Kaya mas lalo pa syang tumawa. Haha, oo alam kong maraming nakakakita samin ngayon pero wala akong pake. Makita ko lang na ganyan yung bestfriend ko tuwang tuwa na rin ako😁

"Bibeh! Galing mo! Mag boy haunt na tayiz!" Boy hunting? Hahaha. Abnormal talaga to. Pano sya makakapag boy haunt kung mas mukha pa syang lalaki sa mga lalaki dito.😂

"Bibeh. Tara dun oh?" Tinuro ko yung isang boutique na bilihan ng mga damit ng pambabae. Natawa sya pero may nag-process na rin ata sa utak nya.

"Ayoko! I hate dresses."
Sabe na eh. Hahahaha

"Shunga bebe! Para sa pageant. Gaga ka! Wala ka pang isusuot." With gay tone parin kaya di nya talaga mapigilan tumawa.

"Sabagay. Sa friday na pala yun. Leggo"
Hinila nya ko papunta don
"Ikaw mamili bibeh. Wala akong alam sa ganyan. Wala rin akong taste sa ganyan hahaha"

"Osige bibeh." Hmm, si Kim maraming alam dito eh kase girly yun eh.
Ano bang dress ang pwede kay Krish?

May nakita akong pink na dress na glittering. Nakinang kinang sya dahil sa glitters.

"Eto bebe?" Umasim yung mukha nya. Halatang di nya nagustuhan -_-

"Yuk! I hate pink! Pang bata! Ew!"

Natawa sakanya yung sales lady

"Eh eto?" Pinakita ko yung skyblue na dress

"Ayaw."

"Bagay naman sayo ah? Tsaka maganda?" Sinamaan nya ko ng tingin.
Okay ayaw talaga. Hys! Ang hirap nya hanapan ng dress! Pero pag T-shirt pinakita mo dyan mag-lululundag lundag pa yan :3

"Miss pwede po bang patulong?"
Tanong ko sa sales lady

"Anything sir." Nagpapa-cute pa sya. Ew.

"Uhm, ano po ba ang babagay na dress sa babaeng yon?" Hinanap nya.
"Yun ate, yung may hawak na iPad"
Tapos nakita nya.

"Ah. GF nyo po sir?"

"No. Best Friend ko po."

"Ah, sir para saan?"

Dami nyang tanong -_-

"Pageant po. Evening gown tsaka cocktail dress basta kahit anong dress po ang kelangan nya"

Napaisip yung sales lady at pumunta sa ewan ko kung ano tawag dun. Basta pag balik nya may hawak syang brochures.

"Here sir. Dito nalang po kayo pumili. Kelan po ba?"

"Friday pa naman po."

Nag nod lang sya. Tapos pumunta na ko kay Krish na busy sa pag c-COC

"Oh," tinignan nya lang

"Ano yan?"

"Brochure. Pili ka na dyan ng dress at gown"

"Ayoko. Ikaw na pumili."

Loko to. Halatang di interesado 😂
"Pag ako pumili wag kang aangal ha? Susuotin mo yun.

Nag-nod lang sya naka focus parin sya sa laro. Loko talaga 'tong babaeng to.

"Miss, eto po." Natapos nako pumili.

"Sige sir, sukatan na po namin sya."

"Sige. Oy abno susukatan ka na"

Sinamaan nya ko ng tingin tapos nagpa-sukat.

Hahaha halatang irritable sya eh😂

Bagay naman siguro sakanya yung napili ko eh.

Maganda naman sya at fit. Kahit ano bagay sakanya.

Dear Bestfriend (Anshunga Mo)Where stories live. Discover now