FAB1: C9

40 1 0
                                    

Copyright © AMYUZMAN
(Amy de Guzman)

All rights reserved
2016

Stacy's POV

Walang tigil ang aking pagluha. Nagsisisi ako sa katangahang ginawa 'ko. Hindi ko man lang pinahalagahan ang mararamdaman ng ibang tao sa naging desisyon ko. Hindi ko man lang naisip si George.

George. Sa tuwing naaalala ko siya, parang unti-unting dinudurog ang puso ko. Bakit kailangang mangyari sa kaniya yun?

Kasalanan ko ang lahat.

Ako ang may kasalanan kung bakit siya namatay.

At ngayong wala na siya, wala na ring halaga ang buhay ko.

Bakit ba kailangang mangyari sa'kin ang lahat ng 'to? Masyado bang malaki ang kasalanan ko, kaya't pinahihirapan ako nang ganito? Kung ganon man, talagang naging matagumpay ang kung sino mang gusto akong parusahan.

"Kawawa naman 'yong babae o."

"Huwag mo na ngang pansinin yan! Ilang buwan na rin naman 'yang nagpapalabuy-laboy dito."

"Talaga? Palibhasa, hindi ako naglalalabas e."

"Halika na nga!"

Tumulo na naman ang luha ko, sabay halakhak. Nasisiraan na nga siguro ako ng bait.

"Mama, huwag na po tayo dito lakad."

"Huwag mo na lang siyang tingnan, baby."

"Mama... baka habulin niya tayo."

"Nandito lang ang mama, anak. Ako ang bahala sayo."

"Takot ako mama, kasi baka kainin niya tayo. Kasi mama, tignan mo. Malaki tiyan niya."

"Buntis siya, baby."

Agad akong napatingala sa langit at maiging pinagmasdan ang papalubog na araw. Hinaplos haplos ko ang aking nakaumbok na tiyan habang walang tigil ang pagdaloy ng aking mga luha.

Oo. Buntis ako.

At alam niyo ba kung sino ang ama?

Wala namang iba kundi ang demonyo kong ama.

Nakakatawang isipin na tila nakaguhit na sa palad ko ang magdusa.

Alam kong walang kasalanan ang batang ito sa ginawang kahayupan ng ama niya, pero hindi ko maiwasang ito'y kamuhian.

"Hala! Pigilan niyo yung babae!"

"Ikaw na! Baka ako pa ang ihulog niyan!"

"Mga wala talaga kayong kwenta!"

"Halika na nga rito! Ayokong makakita ng ganitong eksena. Nangangatog ang tuhod ko."

"Pero--HALA! TUMALON NA SIYA!"

Ramdam na ramdam ko ang pagsalubong sa akin ng hangin. Pikit mata ko itong sinasamyo at pikit mata ko ring hinaharap ang aking--

kamatayan.

Patawad ma, kung sinayang ko lang ang buhay na inialay mo sa'kin.

Patawad George, kung hindi ko na naman pinahalagahan ang buhay na isinakripisyo mo. Hindi ko na kasi talaga kaya.

Patawad.

Patawad.

Patawad din sayo, anak ko. Pati ang inosenteng tulad mo, nadamay sa pagiging makasarili ko. Di bale, anak... mabuti na rin ito, para di mo masaksihan...

ang malupit na mundo.

Wakas.

Started: 2013
Revised and Edited : January 17, 2016
Finished : July 18, 2016

Fixed and BrokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon