Chapter 9 -- Pabili ng "Tornado", ha?

482 10 13
                                    

Christine's Pov

Kahit sino pa yang Kate o Kathy na yan, hindi ko isusuko si Zyren sa kanya. Hinding-hindi! Kung sa R sisters nga nakasurvive kami, sa kanya pa kaya?

"Babe? Tulungan mo naman ako oh. Paliguan natin sila Sachi at Ayeshi."

"Sige sige, tara." tumayo na ako galing sa pagkakaupo ko sa sofa at pumunta na sa kwarto para kunin sila at paliguan na.

Weekend ngayon kaya walang pasok at pwede kaming magbonding :))) Sinabi nga sa akin ni Zyren na wag ko na daw isipin pa si Kathy kaya sinunod ko nalang siya at nagfocuse nalang ako sa mga mag-aama ko.

"Ayeshi, Sachi, bath time~!" sabi ko habang papalapit sa kanila. Binuhat ko si Ayeshi at kay Zyren naman si Sachi.

Pinaliguan namin sila sa baby bathtub na binili namin para sa kanila. Hindi lang namin sila nalinisan, nakapag-bonding pa kami :D

At nung natapos na namin silang paliguan at bihisan, pinatulog na namin sila. Hapon na din kasi at katatapos lang namin silang painumin ng gatas kaya kailangan na namin silang patulugin.

6 months and a half na sila baby kaya medyo lumalaki na sila. Haha. Sa sobrang cute nila, ang sarap nilang tignan buong araw! Nakakagulat nga na dumadapa na sila at ang hilig nilang dalawa na manggigil sa mga bagay na nahahawakan nila. Yun bang kapag nahawakan nila at naramdaman nila na malambot, kakagatin nila tas panggigigilan? Ha~ sobrang cute!

At nung nakatulog na sila, nakapagpahinga kami ni Zyren kahit sandali. Naupo muna kami sa sulok at niyakap ang isa't isa.

"Haayyy ... Buti nalang weekend ngayon. Nakakasama kita nang ganito. Sarap! Haha!" sabi niya pagkayakap niya sakin. Kinilig na naman ako shet.

"Kaya nga eh. Buti nalang wala akong sched ngayong weekend. Kaso midterms na namin after next week. Whoo. Hassle."

"Oh? Edi kailangan ko pa pala ng extra time para magtutor sayo?"

"Ha-ha. Oo, kailangan mo akong tulungan. Teka, kailangan na din pala natin makabili ng gatas nila baby. Mauubusan na sila. Peram susi ng baby mo, dali. Ako na bibili."

"Ha? Ako na. May kailangan din pala kasi akong bilhin eh."

"Hindi na, ako nalang. Ako nalang din bibili ng kailangan mo. Sabihin mo nalang sakin kung ano. Jamkkan (wait), magbibihis lang ako." tumayo na ako at kumuha ng damit sa closet room ko.

We Are Married ("Forcedly" Married book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon