Catching Feelings

31 0 0
                                    

Catching Feelings

What is Love? 

Love is Ganito..

Love is Ganyan..

Paulit-ulit na lang. 

Pero para sa akin.

Love is a Cycle. 

To Love is to Fall, To Fall is to Love

When you Love, you often use your Heart ; Expect your Heart to be Broke when you Love

Chapter 1 

Sabihin mo nang desperada ako pero buo na ang loob ko. 

umakyat ako sa upuan at sinusubukan tignan ang kalupaan. 

Masyado ata itong mataas. Nakakatakot.

Nalululula na ako. Pumikit ako para hindi makita kung ano man meron sa baba. 

Ang layo. Hindi ko maabot. 

"HOY MISS ! WAG KANG PAPAKAMATAY. MAHALIN MO ANG NAG-IISA MONG BUHAY.KUNG MAY PROBLEMA KA DAANIN MO NA LANG SA TAWA. WAG KANG TATALON PARANG AWA MO NA ! "

ha ? Ano daw sabi ?

"MISS! BINGI KA BA ? BUMABA KA NGA DYAN . ETO KAMAY KO ABUTIN MO AT BUMABA KA NA DYAN PARANG AWA MO NA. 

Sino ba yung siraulong kanina pa nagsisisigaw. anong papakamatay sino? Saan? 

"MISS NAMAN EH. HINDI KA BA NATATAKOT SA GAGAWIN MO?"

sino kausap ba nung lalaki mukhang nasisiraan na ata  ng ulo. Wala naman kasing sumasagot. 

Teka teka bakit parang may humawak sa bewang ko. Ano ba yun este sino ba itong tao na toh ? 

"Miss pinipigilin kita. Wag kang tatalon ha ? "

Ako tatalon ? Kelan? tsaka sino ba itong mokong na toh. Kanina pa sigaw ng sigaw nakakabingi na. 

"Hoy excuse me. Sinong tatalon ? at bakit yakap-yakap mo ako ? "

"miss nagabago na ba isip mo ? "

"Anong nagbago isip ? Lumayas ka dyan---" 

Akma namang kukunin ko na yung Kwintas na nakasabit sa railings ng bigla na naman akong niyakap nang Pervert na yun. 

"hoy ! hindi pa ako magpapakamatay. Bitawan mo ako. Malalaglag ako ! "

"Miss teka ! "

ayun at tuluyan na nga kaming bumagsak sa semento. Magkadagan. Nasa ibabaw ko sya. ang bigat nya sobra. Teka sino ba toh ? 

"Hoy pervert na lalaki lumayas ka nga dyan" 

"sorry miss. ayos ka lang ba? "

"ano bang pumasok sa isip mo at pinipigilan mo ako ? "

"Hindi ka pasalamat sa akin kasi kung hindi dahil sken lasog-lasog na yang maganda mong katawan"

Ano daw? ! Magandang katawan ? Manyak talaga tong isang to eh. 

"Hoy Manyak ! Unang-una wala akong balak magpakamatay. Pangalawa hindi ko kelangan ng tulong mo. Tignan mo ginawa mo ngayon.  "

"ANO? ! anong hindi ka papakamatay eh tatalon ka nga dyan eh."

"at sino naman may sabing tatalon ako dyan. Hindi ako Tanga para magpakamatay noh " 

"Eh ano namang ginagawa mo dyan ?? at bakit nakasampa ka pa sa upuan. " 

"eh pakialam mo ba? "

Tumalikod na ako at inayos yung mga gamit ko. Bigla ko namang naalala yung kwintas na inaabot ko kanina. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 30, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Catching FeelingsWhere stories live. Discover now