" Hoy! Oo ikaw. Ikaw nga. Tara dito dali. Sumabay ka na sa akin."
Hindi ko siya kilala. Basta tinatawag niya ko at sumabay na daw ako sa kanya, naka tricycle kasi siya e. Pero syempre hindi naman ako sumasama kung kanikanino, kahit na chixx pa siya no. Don't talk to Strangers, yan ang laging sabi sa akin ng nanay ko. Hindi ako nag salita at tinuro ko lang ang sarili ko. Syempre naninigurado, baka mamaya hindi pala ako yung sinasabihan niya. Mapahiya pa ako.
" Sige manong mauna na kayo. Mag lalakad na lang ako. "
Bumaba siya sa tricycle at palapit na siya sa akin. Hindi ko alam kung anung gagawin ko. Para kasing sira naman to e. Di ko naman to kilala. Kaya yung mukha ko tuloy ay taas kilay, yung mukhang nagtataka.
" Hoy! Bakit di ka lumalapit? Nakita mo ba ko kanina? Tinatawag kita, meaning nung sumbay ka. Alam mo, same school naman tayo e. Kaya pwede tayo mag sabay. "
Tiningnan ko lang siya ng mukhang nagtataka. Hindi ako kumikibo, as in tinitignan ko lang siya.
" Hoy! Anu ba? Monggoloid ka ba? Para kang tanga jan. "
Tinitigan ko lang siya. Tapos maya-maya nag sign language ako. Umacting ako na di ako nakakapag salita. Kaso bigla niya kong binatukan, sabay tawa.
" HAHAHA. Para kang shunga jan. Umayos ka nga! "
" Aray! Ang sakit ha. "
" HAHAHA. Umayos ka kasi, para kang baliw jan e. By the way, Alam mo lagi kitang nakikita sa school natin e. Sa kabilang classroom, sa canteen, sa quadrangle. Lagi nga rin kitang napapansin e, kumakain, nakikipagchismisan, basta dun. Ewan ko ba, lagi na lang kita nakikita. E ako? Nakikita mo rin ba ko dun? Napapansin mo rin ba ko? Ay, ako nga pala si Jailene. I am Jailene. "
Inabot niya sa akin yung kamay niya at syempre no choice, kaya inabot ko na lang din yung kamay ko at nakipag-shake hands sakanya. Umoo na lang ako. Kahit medyo naguguluhan na ko sa mga nangyayari. At habang nag lalakad kami nag salita nanaman siya. Ang daldal niya nga e.
" Alam mo, lagi na lang kita napapansin e. Feeling ko may koneksyon tayo. Alam mo kasi, feeling ko pwede tayo maging tayo in the future. Alam mo yun? As in, etoh ha. Kukwentuhan kita. Alam mo yung gusto ko sa relationship, yung wala masyadong iyakan, hindi masyadong sweet. Yung parang ganto lang, magkaibigan lang tayo. Saka parang gusto ko lagi kitang kasama. As in palagi, pero ayoko sa loob ng school gusto ko sa labas lang. "
Hindi ko alam, kung ano ang pinagsasabi nitong babaing to. Basta naguguluhan na talaga ko. Di ko na rin alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Kung anu-ano kasi pinagsasabi niya e. Napapakamot na lang ako.
" Hoy! Ano ka ba? Nakikinig ka ba sa mga sinasabi ko? Naiintindihan mo ba? Salita ako ng salita dito tas ikaw, Wala ka man lang reaksyon. Hindi ka ba marunong mag react? Mag salita ka naman jan. Nakikita nga kita sa school ang daldal-daldal mo. " sabi niya with matching batok pa yan ha.
Wala akong imik ng mga oras na yun. Talagang nagtataka talaga ako sakanya. Hindi ko naman kasi siya kilala e. Anu ba tong mga pinaggagagawa niya? Anu ba tong mga pinagsasabi niya?Gulong-gulo talaga ko, as in gulo. Basta tango na lang ako ng tango para matapos na. Ang ingay-ingay niya. Kung anu-ano pinagsasabi. E malay ko ba dun? E ngayon ko nga lang siya nakilala e. Saka ang hilig rin niyang mamatok at manakit. Ewan ko ba, hobby niya atah yun e.
" Oh ayan bag ko. Pakibitbit na lang ha. Tara na, baka ma-late pa tayo. " sabi niya sa akin.
Nakatunganga lang ako dun sa kinatatayuan ko at nag tataka kung bakit kasama ko tong babaing ito. Anyway, ako nga pala si Joseph, simpleng estupidyante lang din ako. Pero nag iba ang lahat ng iyon, nang makilala ko ang babaeng ito. Ang babaeng pinaka kakaiba sa lahat. At ito ang storya ng lovelife ko.
BINABASA MO ANG
My Unsweetened Love Story (One Shot)
Teen FictionAng storya po na ito ay tungkol sa isang ordinaryong estupidyante na nagustuhan ng isang kakaibang babae. Babae na siga kung mag salita, pumorma at gumalaw. Yun bang boyish ang dating pero chixx naman.