"Angela , meron akong surprise para sayo."
"Ano yun?"
"Surprise nga eh' "
"BAHALA KA DYAN ! Surprise ka mag-isa mo ! "
" AYiiiieeee ! si Mommy nagtatampo kay Dadd***asjdhal** "
*****Peeeeeeeeppppp!!**** boooogsh !
-------------------------------------------------------
Hindi ko inaasahan ...
na sa isang IGLAP lang....
Nawala ang mga taong dapat na makasama ko pa sa mahabang panahon,
Taong magpapalaki sa akin ng maayos,
Tagapagtanggol kung ako ay inaapi,
Ang magtataguyod ng aming pamilya,
Inspirasyon ko sa pag-aaral,
at pinakamasakit sa lahat,
Ang BUHAY ko...
CHAPTER 1: BUHAY
"OHY FELIX ! NAGHIHINTAY YUNG PAGKAIN OH !!!!! " sigaw ng mala-microphone na boses ng kapatid ko.
"Denise kalma lang, magkadikit lang tayo oh , kailangan talagang sumigaw?"
Hahayyy, Kailan pa kaya tatahimik ang halimaw na ito .
OO, Halimaw, yan talaga ang tawag ko sa kanya.
" Kasi naman kuya araw-araw kang tulala . May gir*eating*... "
Ayan ! Sinong hindi tatahimik kung susubuan ka ng isang buong Apple ? nyahahaha!
-Naligo na ako at nagbihis, Ready for school.
"HOY ! bilisan mo nang kumain at baka ma-late pa tayo, tsss. Unang araw pa naman ng pasok." Sigaw ko kay Denise
"Oo na po ! , 6:30 pa naman tapos 7:30 pa yung pasok natin .. Masyadong excited" reklamo niya.
At ang dami pa talagang satsat , excited na nga ako oh , minsan lang to' may KJ pa ..
--- *Way to school*---
"Kuya , sa tingin mo meron tayong makakaibigan sa bagong school natin ?"
"........" Mas minabuti ko na makinig ng music kesaaa makipag-usap sa madaldal kong kapatid. Kinuha ko yung cellphone at nakinig ng music ALONE , oo naka earphone lang ako tsss..
"Meron kaya mga pogi dun kuya? "
" O kaya naman playground? " dagdag niya
"Masarap kaya ang pagkain doon ?"
" Uy kuya ! magsalita ka naman dyan para na akong baliw na nagsasalita mag-isa dito "
".........." nag-eenjoy ako sa pakikinig at nakalimutan na kasama ko pala ang kapatid ko.
What time is it where you are?
(I miss you more than anything)
I'm back at home you feel so far
(Waitin' for the phone to ring)
It's gettin' lonely livin' upside down
I don't even wanna be in this town
Tryin' to figure out the time zone's makin' me crazy
(A/N: nasa right side ang link ng kanta , enjoy! :))
"HUY ! "
"Ano nanaman ba ? ! " Aray namannnn , sakit ng hampas ni Halimaw ah .
"MAKINIG KA KASI SAKIN !" Kantyaw niya.
" OO NA, ano ba kasi yun ?" irita ko na pagtatanong
"Wala , wala. wag na nga lang" ....
Ayhh ? Tampo agad si kapatid? ... Bahala na nga, at least tumahimik naman.