Chapter 27

87K 879 54
                                    

Kath's POV

Nakahiga lang kami ni Dan dalawa sa higaan ko matapos naming kumain ng cheesecake. 


Magkatabi lang kami at parehas naming hawak ang tiyan namin dahil sa kabusugan. Tahimik lang kaming dalawa at nakatingin sa kisame.


"Busog na busog na ako." Hinimas ko ang tiyan ko. Sinulyapan ko siya at naktia ko na tulala lang siya.


"Dan?" Bumuntong hininga siya.


"Miss ko na siya Kayce." TInikom ko ang bibig ko at pinilit na balewalain ang kirot sa dibdib ko, "Sino?" Tanong ko kahit na alam ko na ang sagot.


"Hindi pa nga lumipas ang araw na nag away kami ay miss ko na siya. HIndi ko pala kaya." Bumangon siya sa pagkahiga at hinilamos ag kamay sa mukha niya.


Bumangon din ako. Kinagat ko ang labi ko at hinimas ang likod niya.


"Anong gagawin ko? Hindi ko 'to kaya. Kahit na alam ko na siya ang may mali pero hindi ko kaya eh. Gusto ko nang makipagbati kaagad." Tinignan niya ako at may ngiting pait sa mga labi niya.


Ayoko na. Ayokong nakikita siyang ganito. "Tulungan kita." Mahinang sabi ko.


Kita ko ang pag kislap ng mga mata niya, "Talaga? Gagawin mo talaga yon?" Ngumiti siya ng malapad.


Tumango ako at ngumiti ng pait. "Oo naman, kahit na ayaw ko sa babaeng yon ay hindi ko kayang nakikita na nasasaktan ang bestfriend ko kaya tutulungan kita." 


Hinila niya ang braso ko ay niyakap ako ng mahigpit. Kinagat ko ang labi ko at kinurot ang braso ko para pigilan ang pag iyak.


"Salamat talaga Kaycee. The best ka talaga. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa buhay ko kung wala ka. You're the best." Mas lalong humigpit ang yakap niya.


Nakaksakal kaya pinilit kong humiwalay kahit na gusto ko pa.


Ngumiti ako sakanya. Tinignan ko ang oras at nakita na pa gabi na.


"Uwi ka na! Baka hinahanap ka na nina Tita. Gagawa pa ako ng plano para sa sorry mo kay Mich." Tumango siya at tumayo na. Tumayo na din ako at hinatid siya sa pinto ng kwarto ko.


"Alam mo naman siguro ang daan palabas ng bahay ko no? Hindi na kita ihahatid." Tumawa ako ng pilit.


Humarap siya sa akin at seryoso ang mukha niya kaya na wala ang ngiti ko, "Salamat Kayce ha? Salamat talaga." NIyakap niya ulit ako ng mahigipit, "I love you, thank you." Napapikit nalang ako at may tumakas na luha sa mata ko kaya pinunasan ko nalang yon.


Pagkalabas niya ng kwarto ay nakahinga ako ng maluwag, hindi ko alam na kanina pa pala ako nagpipigil ng hininga.

Bestfriend Ko... (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon