Seth's POV
Kanina pa ako sulyap ng sulyap sakanya. Ang ganda talaga niya. Para talaga siyang anghel, yong ngiti niya, yong mata niya, yong tawa niya. Nakaka inlove.
"Psst. Hala sige titigan mo pa, baka sakaling mahalin ka rin niyan." Tinignan ko ng masama si Les kaya nag peace sign lang siya at tinantanan nalang ako.
Tinignan ko ulit siya at napatalon ako nong nakita kong tumingin siya saakin. Ngumiti siya at nakipag usap ulit kay Ella.
Napatingin ako kay Kats at Kath na ngayon ay nag uusap at nag tatawanan. Nanliit ang mga mata ko. Ilang araw ko nang napapansin na close talaga tong dalawang to. Hindi naman sila ganyan ka close pero parang pinapalitan ni Kats ang pwesto ni DJ na pagiging bestfriend nila ni Kath. Napansin ko din na hindi na masyadong kinakausap ni Kath si DJ at parang iniiwasan niya ito. Ano kaya ang nangyari sa dalawa?
Naputol ang pag iisip dahil biglang pumasok si Sir Billy kaya nagsiupuan ang gma kaklase ko.
"Goodmorning class!" Sir Billy
"Goodmornig Sir Billy!"
"Ok you may now take your sits."
"So class I would like to remind the people who didn't perform yet for our practical exam in Music. So I would like to assign the days to people who didn't perform yet. So here are the people who will perform on monday. Gothico-Santos, Giri-Cruz, Padilla JC-Montes, Padilla-Vito, Kabe-Bernanrdo. So please proceed to the music room and practice for your practical. Kayo nalang kasi ang hindi nakakapagperform" Sir Billy.
Tumayo na kami at binitbit ang gamit namin.
"I will see the ten of you on Monday. Goodluck to all of you." Ngumiti nalang kami ng barkada at nag paalam na. Naglakad kaming magbabarkada papuntang music room.
Naramdaman ko na may tumabi saakin kaya nilingon ko ito. Napalunok ako nong ngumiti si Yen saakin, "Anong kakantahin natin?"
"Uhh... ano... uhh. Ano ba ang maganda?" Gusto kong sapakin ang sarili ko kasi nautal pa ako.
"Hmm, punta ka nalang ng bahay mamaya. Practice tayo?" Date? Uminit ang pisnge ko sa naisip.
"S...sige." Tumawa siya sa pag utal ko, "Ang cute mo." Ngumiti si at pumunta na kina Julia.
"Woshooo." Siniko ako ni Les. Tinignan ko siya ng masama ero tinawanan niya lang ako.
Kinamot ko ang batok ko dahil sa hiya.
Kath's POV
Magkatabi kaming umupo ni Kats sa piano. Tinignan ko lang siya habang pumipindot siya sa mga keys ng piano na nakalagay dito sa gitna ng room.
BINABASA MO ANG
Bestfriend Ko... (Published under Pop Fiction)
FanfictionIsa lang naman ang gusto ko eh. Ang mahalin ako ng bestfriend ko. Cliche right? Pero masisisi niyo ba ako? Nagmamahal lang naman ako eh. Nagpapakatanga lang ako. You know what? Life is unfair. Hindi ko naman ginusto 'to eh. Pero bakit binigay saakin...