Nine Mornings

143 5 1
                                    

eto ang una kong story na inupload ko dito, kaya maiksi palang, maya-maya yung may mga chapters. :)

"The greatest things happen when you least expect it..."

Simbang Gabi

"Eto na ang unang araw.. malapit na naman magpasko, ilang araw nalang. Sana ngayong pasko na to, mahanap na kita. Gusto kita makapiling sa paskong ito. Ang tagal na kitang hinihintay. Magpakita ka na sana..."

Ako pala si Gab.Ako nalang mag-isa sa buhay. Matagal na rin na panahon ng mawala ang mga magulang ko, kaya medyo sanay na ako sa ganitong pasko. Pero hindi ko pa rin maiwasan na malungkot tuwing pasko. Palagi nalang kasing mag-isa ako nagdiriwang ng pasko. Sana ngayon maiba naman.. Gumising ako ng maaga, gusto kong kumpletuhin ang simbang gabi. Sayang naman, baka sa pagsisimba ko pa mahanap si Ms. Right.

Pagdating ko sa simbahan, marami akong nakitang mag-asawa, pamilya at mga mag-boyfriend-at-girlfriend. Maswerte sila at may mga kapiling sila sa pasko.Sinubukan ko maghanap ng mauupuan. Pero wala ng pwesto. Biglang may kumalabit sa kamay ko, isang babae.. "Excuse me, eto pa pwesto oh." Hindi ko akalain na papaupuin niya pa ako. "Salamat miss ah." Ngumiti siya sa akin. Binalikan ko nalang din siya ng ngiti. Nag-umpisa na ang misa. Napatingin ako sa kanya, ang cute niya pala.

Natapos na rin yung misa.Lumabas ako ng simbahan para hanapin ung babae, pero wala na siya. Kaya umuwi nalang ako. "Sana magkita ulit tayo, Miss Upuan."

Araw ng Pagkakataon

"Isang araw nalang.. pasko na." Eto na, huling simbang gabi na toh, pero hindi ko na siya nakita.   Alam ko wala pa akong alam kahit ano sa kanya, pero sa tingin ko, mahal ko na siya. Siya lang ang palaging nasa isip ko. Hindi ko makalimutan ang cute niyang ngiti. Sana makilala na kita. 

Lalong dumami ang mga tao sa simbahan. Napakarelihiyoso talaga ng mga Pinoy. Pero ngayon may nag-iba. Mabilis akong nakahanap ng pwestong uupuan. Habang wala pang misa, tinignan ko ang paligid at bigla ko siyang natanaw. Lumapit ako sa kanya, "Miss, dito may pwesto pa oh." Sabay ngiti ako sa kanya. "Salamat po ah." Napatingin ako sa kanya... "Welcome. Binalik ko lang. Naaalala mo pa ba ako?" Bigla siyang nagtaka..

"Ako yung lalaking pinaupo mo noong unang araw ng simbang gabi."  

"Ah. Naaalala na kita. Oo, ikaw nga yun."

Tapos, biglang tumunog yung dambana. Simula na ng misa.

Natupad na Hiling

11:30 pm na rin ng matapos yung misa. Nagpakilala ako sa kanya.. 

"Ako nga pala si Gab. Ikaw?"  

"Ako si Chelsea. Nice to meet you Gab." Napangiti lang ako sa tuwa.

"Chelsea, may gagawin ka ba? Pwede ka bang maaya kumain diyan sa tabi-tabi, may alam akong gotohan. Masarap dun!" Natawa lang siya sa sinabi ko. Tapos sabi niya...

"Sige ba. Handa ako diyan. Basta may pagkain." Natawa ako sa sinabi niya. Tuluyan na ata akong nahuhulog sa kay Chelsea.

"May tanong pala ako sayo Chelsea." 

"Oh, ano yun?"

"Magkaibigan na ba tayo?"

"Oo naman!" Sabay ngiti sa akin.

Ilang minuto nalang. Malapit na ulit magpasko. "Chelsea.. Salamat ah." Tinitigan ko siya sa mga mata.

"Oh bakit naman?"

"Tinupad mo kasi ang wish ko sa pasko na to."

"Bakit naman? Anu ba wish mo?"

"Dalawa lang naman yun eh. Ang may makasama ako ngayong pasko at mahanap ko na yung taong mamahalin ko." Natahimik ang buong paligid. Hindi ko alam kung bakit ko nasabi ang mga salitang iyon, pero natutuwa ako dahil nasabi ko na sa kanya ang nararamdaman ko.

"Gab, alam ko ngayon palang tayo nagkakilala, pero sa tingin ko, tinupad mo rin ang wish ko, na dumating na yung lalaking magmamahal sa akin ng tunay. Salamat Gab at Merry Christmas."

Nagsimula nang magpaputok ang mga tao. Nagbatiaan na rin sila ng "Maligayang Pasko" o "Merry Christmas". Ang Pasko nga talaga ay panahon ng bigayan at kasiyahan. At totoo ngang natutupad ang mga hiling kung maniniwala ka lang.

Maligayang Pasko sa inyong lahat. Nawa'y maging maligaya ang pasko niyo tulad ng kay Gab at Chelsea.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 16, 2011 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nine MorningsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon