Part 1.

92 2 0
                                    

Ang kwentong ito ay karanasan ng papa ko. Noong nanliligaw palang siya sa mama ko. Nangyari ang kwentong ito sa Barangay sa Iloilo. Si papa ay resindente ng Jaro Iloilo City. At ang mama ko naman ay sa probinsya ng Iloilo nakatira.

Gabi na noon ng pumunta sya sa lugar ni mama at dahil probinsya nga. Wala na siyang masakyan na motor. Madilim ang lugar namin noon dahil wala masyadong kuryente ang mga bahay.Iilan lamang ang bahay na may mga ilaw at kabilang na ang bahay namin.

Ilang kilometrong layo din ang nilakad ni papa sa madilim na kalsada bago marating ang tulay na kanyang dadaanan tanda na malapit na ang bahay nila mama. Sa di kalayuan ay may natanaw siyang papalapit na naka bestidang puti at dahil bago siya sa lugar Tumigil si papa sa paglalakad at binati niya ito habang papalapit.

" Magandang Gabi po ale. San po ang punta nyo?" Sabi ni papa.

Di man lang ito sumagot sa halip sumenyas ang kamay nito sabay tinuro ang daan kun saan nanggaling si papa.

Umuulan ng mahina noon at kumikidlat. Sakto naman ang paglingon niya ng nakita nyang parang pantay ang leeg nito ito at para itong pari na nakasuot ng kanyang sotana.

Hindi nakuntento si papa sa kanyang nakita. Nilapitan niya ito ng konti at sinindihan ito ng lighter na mas umiiglap pag may hangin. Ng lumaki ang sindi ng apoy, dito nya naaninag ng malapitan na Pugot nga ang ulo at base sa posisyon ng katawan nito ay nakaharap din ito sa kanya.

Humakbang siya para makalayo dito pero hindi niya magalaw ang kanyang mga paa. Pinaghahampas niya ang mga tuhod niya hanggang sa mawala ang manhid nito.

Nang maramdaman niya ang sakit dulot ng makailang beses na paghampas sa tuhod niya don na siya kumaripas ng takbo. Halos madapa siya sa pagtakbo dulot ng matinding takot.

Pagkarating niya sa bahay nila mama tinanong siya ni lolo kung ano ang nangyari dahil namumutla siya at kinuwento niya ang ang nakita niya sa tulay.

Parang hindi naman sila naniniwala dahil wala pa namang naka experience ng ganon na karanasan sa lugar na iyon.
Hanggang ngayon hindi pa rin makalimutan ng papa ko ang nangyari sa kanya sa tulay. Palagi siyang nakakaranas ng mga kababalaghan dahil bukas daw ang kanyang 'Third eye'.

Mga Totoong Kwento Ng KababalaghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon