#Tulog (Hashtag Tulog)

26.9K 525 116
                                    

Hay naku, reporting na naman ni 'The Great Mr. President'. Tutulog na naman ako nito, napakaboring kasi nun magturo, napakawalang kwenta. Parang may board meeting yun pag nagdidiscuss, akala mo naman kung sinong magaling, yung utak naman mas maliit pa sa ibon. He would always talk and lecture about nonsense. Kaya nga lang hindi naman ako pwedeng umangal kasi favorite siya ng teachers namin pati na ng classmates ko. Gwapo kasi kaya everybody's buddy and boyfriend ang ugok na yun.

"Okay classmates, please turn your books to page 156." Nagstart na nga talaga ng kaboringan pero halos walang umaangal kasi nga po gwapo yung nagdidiscuss. Tss. Nahiya talaga ako sa kanila, akala ko mataas ang standards ng school na to. Sayang talaga yung binabayad ng parents ko sa eskwelahang to, lahat na lang nadadala sa itsura at kasikatan. Kasuka!

Minsan gusto ko na lang din talagang magwelga at magrally sa harap ng school para matigil na yung mediocre na sistemang gumagana dito sa school. Pero katulad nga ng sabi ko, hindi ako pwedeng umangal dahil papatayin ako ng fans' club ng lintek na lalaking to. Kaya naan gumaganti na lang ako sa pamamagitan ng pagtulog at kawalan ko ng interes sa twuing may paprogram siya o kapag nagreporting niya at naglelecture siya. Hindi ko na lang siya iintindi at wala na rin akong pakialam kung maglaway man yung mga bakla at babae kong kaklase over him. Iidlip na lang ako dahi tutal naman mas may mapapala ako kapag natulog ako kaysa sa makinig sa walang kwentang, pesteng discussion ng damuhong to.

"Ms. Mogu Chibi Borromeo!" Naalimpungatan ako sa narinig kong sigaw at napamulat ng mata.

"Huh?" Sabi ko habang nagkukusot ng aking mata.

"Please tell us kung saan ka na dinala ng panaginip mo?!" Ano bang ginawa ko at sobrang galit siya sa akin?! Nanahimik na nga lang ako dito at natutulog e.

"Huh?" Tanong ko ulit. Hindi ko naman kasi talaga alam kung bakit siya nagkakaganun e.

"Bakit ka natutulog habang nagdidiscuss ako?!" Bwiset naman! Sigaw talaga ng sigaw ang peg ng lola mo? Ayos ahh. Hindi naman ako bingi.

"Do you really want me to tell you the reason why I'm sleeping in your class?" sarkastikong tanong ko sa kanya.

"Tell me." Napakacomposed niyang tignan at napakaseryoso. Hindi ko talaga alam kung bakit big deal sa kanya yung hindi ako makinig at tulugan ko ang klase niya. Ano masakit sa ego niya na yung nakalaban niya sa pagkapresidente e binabasta-basta siya?! Iyon ba?! E kung sa wala naman talaga siyang kwenta di ba, anong magagawa ko dun?! Ano rin ba kasi ang pinagkaiba ko sa iba naming mga kaklase e hindi rin naman talaga sila nakikinig e, minamanyak lang din naman nila tong si unggoy.

"Sorry for the profanity ahh, pero shit, ang boring mo kasi e." angal ko sa kanya. Napa-'whoa' na lang yung mga kaklase ko sa akin. Bigla silang nagising lahat sa ginawa ko.

Napakasmirk ang tukmol, sabay tanong, "My class is too boring huh?" Tumango ako at ngumiti ulit siya ng nakakaloko. "Okay, siguro alam na alam mo na tong dinidiscuss ko kaya nabobore ka na. Since alam na alam mo na, please tell us how to get the possible negative and positive zeroes of a polynomial equation." Lahat ng mga kaklase namin ay napatingin sa akin.

Tumayo ako at sumagot. "To get the possible positive, imaginary, and negative zeroes of an equation, we should get the variations of P(x) and P(-x). For example....." lumapit ako sa board at nagsulat ng example at saka ako nagdidiscuss.

After ko magdiscuss, pinagpag ko na yung chalk sa kamay ko at naglakad pagpunta sa seat ko. Napansin ko na tahimik at nakanganga silang nakatingin sa akin. Nagulat siguro sa ginawa ko.

"Oh, may problema pa ba, Mr. President?" Tanong ko sa kanya. Iritado siyang nakatingin sa akin, paano ba nana kais napahiya ko siya. For the first time in forever, nakabawi din ako sa kanya.

#Tulog (Food Series II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon