( 2 days After )
Maaga akong nagising ako ng maaga . Nakarating agad ako sa school . Nagreview kami ng mga kaibigan ko sa canteen . Lahat kami ay seryoso sa pagkakabisado dahil ang ieexam namin ay Science . Naalala ko si Lynne .
Kamusta na kaya siya ? Dalawang araw ko din siyang di nakausap dahil na rin busy sa pag rereview . Teka bat ko ba siya inaalala ? Bahala na basta friends lang kami . Maganda siya oo inaamin ko pero masyado pa siyang bata para ligawan ko .
"Wahhhhhhh ! Buwisit " sigaw ni Josh "bakit pre ?" Tugon ni Ervin "sakit ng ulo ko di ko pa rin kabisado lahat sampung minuto na lang aakyat na tayo" sagot ni Josh .
"Hahaha ako rin eh " sabi ko . Habang si Nico ay
Tahimik na nagbabasa . Di na namin siya kinausap dahil magagalit lang ito samin dahil ayaw niyang kinakausap siya habang nag rereview .Nagulat ako bigla ng tumunog ang bell . Binabagalan lang namin ang lakad namin dahil nagkakabisa pa kami dahil pag dating sa room ay di na kami pwedeng mag buklat ng libro.
Habang naglalakad kami ay may nasagi ako at agad na nag sorry at nag salita ito " Okay lang " babae ang boses na iyon at tinignan ko kung sino yoon . Si Lynne pala iyon at agad akong nag sorry
Tumungo ito bilang pag tugon at nilagpasan na ako ng lakad at hinabol ko ito at sinabi ng pabulong "Goodluck sa exam niyo" na agad naman niyang ikinangiti . Napaka ganda ng ngiting iyon . Parang may ipinapahiwatig ang ngiti na yon .
...
Nasa room na kami . Tahimik ang lahat at sinusubukang alalahanin ang mga nireview nila . Habang ako ay di mapakali dahil sa init . Nasira kasi ang electric fan sa puwesto namin .
Biglang nagsalita si Sir David " Okay ! Your first subject to test is science . Goodluck sa inyo kaya niyo yan . Remember NO CHEATING ang mahuli ay may minus points " tumungo naman ang lahat bilang pag sagot . Pinamigay na ang mga test papers namin at napunta sa akin ang Set B .
Seryoso ang lahat . Tahimik . Tanging ingay lang na nang gagaling sa electric fan ang naririnig . Makalipas ang ilang minuto umiingay na ng kaunti dahil ang iba ay tapos na . Pero ang iba ay palihim na nangongopya .
Ako naman ay malapit ng matapos at dalawang sagot na lang ay tapos nako . Matatapos na ang isang oras at di ko parin ito maalala
Kaya naman di ko na napigilang magtanong sa katabi . Maya maya pa ay marami na akong nakuhang sagot at kumpleto na ko at sakto rin dahil pagkapasa ko ay tumunog na ang bell .
Bumaba na kami ng kaibigan ko . At agad hinanap ng mata ko si Lynne . Humiwalay muna ako sa tropa ko at naglibot sa campus at di ko siya mahagilap . Nagtataka ako at bumalik sa tropa ko para magtanong
Ng makarinig ako ng dalawang babaeng 1st year na nag uusap " uy alam mo ba si Lynne nahimatay kanina?" .. sabi nung isa "weh? Bakit daw?" Tugon nito . "Di ko alam eh kanina pa masakit ulo noon pero nakasagot pa siya sa exam bago mahimatay buti na lang " .
Nagulat ako sa aking narinig . Nagtungo agad ako sa Clinic para kamustahin siya . Pumasok ako sa clinic at nagkunwaring masakit din ang ulo . At binigyan ako ng nurse mg ointment at nilagay sa aking noo . Habang nilalagay ang ointment ay
Pasimple kong nilibot ang mata ko at hinanap si Lynne . At naaninag ko siya sa isang Hospital Bed na napapalibutan ng kurtina .
Tinanong ko ang nurse kung ano ang nangyari ang sabi nito ay Nilalagnat ito at nag exam parin kaya naman ito siguro nahimatay
Nagpaalam ako sa nurse na mag ccr ako saglit sa loob . Habang papunta ako sa Comfort Room ay tinignan ko ang nurse kung nakatingin at agad akong pumunta sa pinaroroonan ni Lynne
Umupo ako sa tabi niya . Ang Ganda niya tignan kahit na may sakit . Para siyang si Cinderella na natutulog . Napangiti ako . At umalis na dahil ayokong makita niya ko na nasa tabi niya
Lalo na at di pa kami ganon ka close at magkakilala . Nalilito parin ako sa tunay na nararandaman ko . Dali-dali akong lumabas sa clinic at nag pasalamat sa nurse .
Pagka labas ko ay nakita ako ng mga kaibigan ko . Tumakbo sila papunta sakin at nag aalala " oh kael ano nangyari sayo bat nasa clinic ka ?" Tanong nila "Ahh masakit kasi ulo ko nanghingi ako ng ointment" pagsisinungaling ko .
At agad na kaming umalis don at nag abang sa hagdan para sa pagtunog ng bell .
....
Lumipas ang 5 oras . Natapos na namin lahat ng test at kumpiyansa akong makaka kuha ako ng mataas na marka . Ilang minuto na lang ay uwian na namin . Maayos na rin ang pakirandam ni Lynne at humabol sa mga namiss niyang Test .
Pringhhhh !
Time na . Agad kaming bumaba at Si Lynne naman ay sinundo kaagad ng kanyang Service .
BINABASA MO ANG
A Love To Wait (Completed!!!)
RomanceItong story ko ay dedicated sa mga naghihintay ng TAMANG PANAHON Sana magustuhan niyo ang story ko Enjoy reading. This is my first story by the way :) All the character names are made up only but the story is based on real life. Word Of Wisdom (Par...