Road of LOVE
It was mid-summer when Jam decided to take a vacation in an island. Gusto muna niyang takasan ang trabaho at ang mga makukulit na manliligaw sa lungsod. Nawawalan na sya ng ganang magtraho na ayon sa kagustuhan ng kanyang mga magulang. Gusto naman niyang pagbigyan ang mga bagay na makakapagbigay sa kanya ng ibayong kasiyahan.
Bitbit ang kanyang mga gamit ay nagmamadali na siyang pumunta sa pantalan na magdadala sa kanya sa lugar na nabasa niya sa isang artikulo sa internet. At ewan ba niya at parang napakasarap ng lugar na iyon. Pasakay na sana siya ng barko ng biglang may bumangga sa kanya mula sa likuran. " Ano ba hindi ka ba marunong tumingin sa harapan mo" pagtataray niya sa taong nasa likuran niya. "Im sorry miss ang bagal mo kasi eh nagmamadali ako" sagot naman ng estranghero sa likuran niya. "Ah ganun ba eh kung bagalin ko kaya yang mukha mo at ng makikita mo yang hinahanap mo" ganting sagot niya. Hindi nila pansin na nakakaagaw na sila ng pansin at nakakaabala sa iba pang mga pasahero. Tinalikuran na lang niya ang lalaki at nagmamadaling pumanhik sa itaas ng barko. Ayaw pa naman niyang masira ang araw niya pero mukhang minamalas talaga siya. "Buwisit talaga yong lalaking. Huwag na huwag ko lang Makita kita ulit ang pagmumukha niya at sasamain siya sa akin" bulong niya sa kanyang sarili. Pero ang totoo eh hindi talaga niya masyadong namukhaan ang lalaki dahil nakasuot ito ng cap at shades. Pero kung pagbabasihan ang pisikal na anyo ay mukhang may ipagmamalaki ang lalaki. " eh ano naman hambog at napaka yabang naman niya." Dagdag pa niya. Hinanap na lang niya ang cabin niya. Ayon kasi sa nabasa niya mahigit anim na oras ang tatakbuhin gamit ang barko. Yaw naman niyang mag eroplano dahil my phobia na siya sa pagsakay dito. Pagkakita sa kanyang kwarto ay agad niyang inilapat ang kanyang likod sa kama. Ngayon lang siya makakapagbakasyon ulit sa halos limang taon niya nakalimutan na niyang makapag aliw pulos tabaho lang ng trabaho ang inaatupag niya. At sa pagkakataong ito susulitin niya ang bawa oras para malibang at magawa ang mga bagay na gustong gusto niya.
Samantala asar na asar pa rin si Kiel dahil sa inabot na kahihiyan dahil sa babaeng napakakupad na iyon. Pero maganda siya sa isip isip niya pero agad din niyang binawi iyon dahil sa insedente kanina. Ang totoo kasi kaya siya nagmamadali ay dahil tinataguan niya sa Annika na obsessed sa kanya na ayaw naman niya. Kahit na may sinasabi din ang pamilyang pinanggalingan nito. Kababata niya ito but unlike the other girls na duamaan sa buhay niya ayaw niya dito dahil masyado itong confident sa kanyang kagandahan na hindi naman talaga. Mas maganda pa sa kanya yong babae kanina. Ano bay an bakit ba niya kinukumpara ang dalawa eh hindi naman niya kilala ang babaeng iyon at saka baka maganda lang ang panlabas na anyo nito at nasa loob ang kulo. But he admitted to himself that in his entire life ngayon lang siya pumuri ng babae. Kahit noong nagaaral pa siya ng kolehiyo sa isang unibersidad sa Maynila masasabi niyang maraming babae ang nagpapalipad hangin sa kanya. Hindi sa pagmamayabang pero may ipagyayabang naman kasi siya. May kaya rin ang pamilyang pinagmulan niya, pero hindi niya ginamit iyon para mag yabang sa katunayan nga ay nakapagtapos siya ng dahil sa sariling sikap at with flying colors pa. kung nasaan mang estado siya ngayon ay dahil iyon sa kanyang pagsisikap at pagpupunyagi. At kaya siya naroon ay upang lumayo sa kahapong paulit ulit na bumabalik sa kanyang mga alaala. He believes that he needs to loosen up with the company and the agony of the past that hunts him.
It was past nine when her phone rang, it was her bestfriend May. Si May ang itinuturing niyang kapatid na babae dahil dalawa lang sila ng kuya niya at medyo malayo ang pagitan ng edad nila. "Hello friend kamusta ka diyan" kaagad nitong tanong. Ito lang ang nakakaalam kung saan siya patungo. " Ok lang ako sis ito kasalukuyang umuusad ang barko" tugon naman niya. " O teka bakit parang iba ang tono natin ngayon? Umamin ka may nangyari na naman na hindi mo gusto ano?" pangungulit naman nito. Hay naku bestfreind talaga niya ito alam na alam kasi nito kung keailan siya may bad vibes at kung kelan siya hindi nagsasabi ng totoo. " eh anu pa nga ba may nakakabuwisit kasing lalaki na bumangga sa akin kanina at alam mu bang sinabihan niya ako ng napakabagal ko daw eh nagmamadali siya." Pagtatalak niya sa kaibigan. " Hahaha parang iba na yan friend ah, mukhang may nakatapat ka agad diyan. At mukhang interesado ako na makilala yan ah, gwapo ba ?" hirit naman nito sa kanya. " Hindi at hindi ako interesado kung gwapo po siya o pangit basta pangit ang pinakita sa akin pangit na sa aking paningin. At para sabihin ko sayo na ayoko ng Makita ang pagmumukha ng damuho na yon. Hay naku kainis talaga" gagad niya. "mukhang kakaiba talaga ang mood mo ngayon. Sige basta tawagan mo na lang ako kapag nakarating ka na sa pupuntahan mo. At siyanga pala ikamusta mo ako stranger na iyon kapag nagkita muli kayo.hahaha" pahabol pa nito na dinig pa rin ang malakas na tawa sa kabilang linya. Ganito talag ang kaibigan niya kapag siya ay naaasar eh lalo pa nitong ginagatungan. Wish lang niya na hindi na mag krus ang landas nila. Pagkatapos ng kanilang pag uusap ng kaibigan ay nag shower muna siya atnag ayos ng sarili. She decided to went out of her cabin to take her dinner at maglilibot libot din muna siya pagkatapos niyang maghapunan.