#Fear 37: Masquerade Ball

2.9K 97 7
                                    


#Fear 37: Masquerade Ball


Xenzel's POV

"Ayan, friend! Perfect!" Pumalakpak si Nemsey habang tinitigan ako mula ulo hanggang paa. "Ang ganda-ganda mo! As in!"


Tapos na'ko sa paghahanda para sa Masquerade Ball na pupuntahan ko. Isang oras pa bago magsisimula yung ball. Nandito ako sa bahay nina Nemsey. Hindi siya nagdo-dorm dahil may bahay sila sa Zefirelli na malapit lang sa Serlande. May pinuntahan ang parents niya kaya malaya kaming nakakagalaw dito.

Hindi sila mayaman. Katamtaman lang. Isang palapag lang ang bahay nila at hindi ito gaanong malaki. Malinis naman tsaka maganda.


"Ang galing mo palang magmakeup!" Sabi ko sabay tingin ulit sa salamin.


Haaay, napaganda niya talaga ako!


"Maganda ka lang talaga."

"Nambobola pa oh." Tumawa ako at sinapak ko siya.

"Haysh! Tama ba 'yang nakagown ka tapos nananapak ka? Be a lady!" Saway niya sabay ayos ng buhok ko. "Oh, baka ma-late ka na!"

"Ay! Oo nga pala!" Dali-dali kong dinampot yung pouch na dadalhin ko pati na yung kulay gold na mask.


Gaya ng sabi ni dad, pulang gown yung suot ko ngayon. Hindi nga lang siya long gown. Tube yung cut ng ibabaw nito at ruffled naman ang buong skirt. Ball gown yung binili ko kasi Masquerade BALL naman yung pupuntahan ko. Tsaka hindi ako kumportable sa long gown.


"Bilis na, bilis na! Naghihintay na yung bodyguard mo!" Natatawa akong hinila ni Nemsey papunta kay Ivan.


Gagang 'to!


"Done?" Seryoso akong nilingon ni Ivan at kitang-kita ko ang paglaki ng mga mata niya.


OMG! Hahahaha! Ganun na ba ako kaganda? Echos!


"Yeah, done." Nginitian ko siya.

"Ah—sige—t-tara." Utal-utal niyang sagot sabay bukas ng pinto.


Natataranta ang loko! Hahahaha!


Tumawag siya ng taxi at sumakay na kami doon. Nasa passenger seat siya at nasa backseat naman ako.


"Uhh, Ivan?" I called him.

"Bakit?" Hindi niya'ko nilingon.

"Si Zypher?" Baka kasi bigla ko na lang malamang nandun rin pala siya sa ball!

"Umuwi siya sa bahay nila." Bumuntong-hininga siya. "Sa tunay nilang bahay."


Tunay nilang bahay?


"Ahh..." Tumango na lang ako.


Matapos ang higit-kumulang 45 minuto ay nakarating na kami sa main gate ng Mansion of Crowns. Pagkababa ko ay agad akong sinalubong ni Hawk at ng mga alipores nila ni Ivan. Nakaporma din silang lahat.

Ghosts and GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon