april 01, 2011
Sa aking pagmulat ng mata
ako'y napaisip kung ano ang aking gagawin
kay ganda ng aking gising
di ko alam pangyayari pero planado
gusto kong maglakbay kahit mag-isa
gusto kong pumunta sa lugar kung saan
ako masaya, sa mundo ng libro
medyo may inis sa aking mukha
ng aking makita ang mga kaibigan
kay tamis ng aking ngiti
ang saya ng aking pakiramdam
nagkita kita kami ulit
kwentuhan, tawanan, asaran
hindi mawala-wala, ganyan ang magkakaibigan
samahang walang iwanan
samahang kasing tibay ng kahoy
basta ang alam namin kami'y masaya
masayang kasama ang isa't -isa
magkakaiba man ng ugali lahat kami'y
nagkakasundo at nagsasaya.
YOU ARE READING
Let Others View Emotions (LOVE)
PoetryCompilation of Filipino poems Written by Ina Corral