Pauwi ako galing sa school nang harangin ako ng grupo ng mga lalaki na kakaiba ang mga itsura. Kinabahan ako kaya napatigil ako sa paglalakad.
Bakit ba kasi hinayaan ko pang mauna ang mga kasabay ko eh? Ano bang gusto ng mga to sakin?
"Rhian sumama ka sa amin." Sabi ng isang lalaking nakahoodie pa at mukang leader ng grupo dahil sya ang nasa pinakagitna at sya ren ang mukang mayabang.
"Ha? Bat naman ako sasama sa inyo? At tsaka pano nyo nalaman pangalan ko?" Nagtataka ko silang tiningnan at unti-unti nang naghahanap ng paraan para makatakas.
"Sorry ah? Di ko kasi talaga alam sinasabi nyo eh. Ahm mauna na ko." Sabi ko sabay takbo palagpas sa kanila.
Naalarma naman ang mga lalaki at agad din akong sinundan ng takbo.
"Ano bang gusto ng mga to sakin?! Ahh!! Bwiset kapag minamalas ka nga naman!" Sigaw ko habang kumakaripas ng takbo palayo.
Binilisan ko pa lalo ang pagtakbo at biglang lumiko sa unang eskinita na nakita ko.
Tumatakbo parin ako habang naghahanap ng susunod na pupuntahan. Lahat ng mga bahay na nakikita ko sarado, san kaya ako pupunta nito? Birthday na birthday ko ganto mangyayari saken. Ganto ba paraan nila ng pagbati saken? Napapagod na ko, ang sakit narin ng mga binti at hita ko paano na?
Narinig ko ang palakas na palakas na yabag ng mga sumusunod sa akin. Naririnig ko narin ang malakas nilang sigaw ng pangalan ko.
"Rhian Aspen! Wag ka nang magpagod dahil mahuhuli ka rin namin!" Sigaw pa ng isa sa kanila.
Tumakbo ako nang tumakbo ng marating ko ang pinakadulo ng eskinata. Nako dead end pa ata to. Wala na kong mapuntahan pano na to?
Matapos lang ng ilang saglit, natanaw ko na ang paparating na mga lalaki. Bumagal na sila sa pagtakbo at nakangiti na rin sa akin ang kanilang "leader" na mukha namang napabayaan naman ng magulang sa sobrang haggard ng itsura nya.
"Nahuli ka rin naman MAHAL na PRINSESA" sabi nya habang nakangiti na parang mangangain na at mayroon pang sarkastiko sa kanyang tono noong binanggit nya ang "mahal na prinsesa".
"Anong pinagsasasabi mo? Hindi ko alam ang mga sinasabi mo!" Pasigaw kong sabi habang mabigat ang paghinga.
Unti-unti silang lumapit sa akin habang ako nama'y halos kainin na ng kaba.
"Lumayo kayo! Parang awa nyo na, hindi pa ko handang mamatay! Wala rin akong perang maibibigay sa inyo. Kaya please tigilan nyo na ko. Kung isa man tong prank okay na sige na napagmuka nyo na kong tanga. Please naman oh birthday na birthday ko tas ganto pa." Paiyak ko nang sabi.
"Hindi ka namin agad papatayin prinsesa, kailangan ka muna naming dalhin sa aming pinuno upang sya ang pumatay sayo." Ngiting asong sambit ng isa pang lalaking napakalaki ng eyebags.
Mas lalo akong kinabahan sa sinabi nya, napalunok nalang ako.
Inambahan ako ng suntok ng isa sa kanila kaya napapikit nalang ako at inabangang lumapat sa akin ang kanyang kamao.
Ngunit walang kamao ang lumapat sa akin. Pagdilat ko ay nakita ko ang likod ng isang matangkad at matipunong lalaki habang sinasalag ang kamao ng lalaki. Sinapak nya ito at matapos lang ng ilang sandali ay nakahandusay na ang mga lalaki at bubog sarado na.
"Ahm thank you? Aahh sino ka nga pala?" Sabi ko sa lalaking hanggang ngayon ay nakatalikod parin.
"Tara na ihahatid na kita. Delikadong mag-isa ka sa mga gantong panahon." Sabi nya sabay lakad paalis.
"Ay teka sino ka muna?"
Sumakay sya sa isang motor at inabot sakin ang isa pang helmet. "Pwede ba? Tumahimik ka nalang at sumakay?"
"Okay po boss." Sumakay ako at pinaharurot na nya paalis ang motor.
*photo of RAM in the front*
YOU ARE READING
In The Blood
FantasyAnong gagawin mo kung ang mga bagay na alam mo ay puro kasinungalingan lamang pala? Kwento ito ni Rhian Aspen Manansala, isang simpleng senior high school ngunit nagbago iyon noong tumungtong siya sa edad na 18. Sabay sabay nating subay-bayan ang mg...