"Patawarin mo na ako,Sofia. Hindi ko sinasadya!"
"Wala akong pake! I told you na hindi naman talaga kita gusto diba? Like duh,bakit naman ako magkakagusto sayo?"
"Maniwala ka naman sa akin,Sofia!" sabi ni Theo habang nagmamakaawang balikan ko na siya. Ew! Hindi ko naman talaga siya gusto eh! Ginamit ko lang naman siya bilang panghiganti. Inagaw ko lang naman siya sa no. 1 hater ko para malaman niya kung sino ang kinakalaban niya. Kasalanan ko bang mas maganda ako kaya ako ang pinili niya?
Hinila ni Theo ang braso ko para iharap ako sakanya. Agad ko namang binawi ang braso ko at dali-daling naghanap ng lalaking dadaan at pagkakita ko ng isang lalaki, hinila ko ito at hinalikan sa labi at hinarap ulit si Theo.
"Maniwala man ako o sa hindi,wala pa rin akong paki. Inuulit ko, HINDI KITA GUSTO. I just used you,Theo. Uulitin ko, HINDI. KITA. GUSTO." sabi ko kay Theo at iniwan na siyang nakatulala. Buti lang sa kaniya yan. Parusa na rin yan para sa kaniya dahil mas pinili niya ang taong mas bago at maganda kesa sa taong mahal siya. Stupid jerk.
BINABASA MO ANG
How to be SOFIA GRACE
Teen FictionA fighting and girly teenage girl that any girl wants to be. Rich,Sexy,Gorgeous,lahat na! Pero sa kabila ng pagiging isang SOFIA GRACE,maraming pagsubok at hirap din ang naranasan niya.