Pulitiko
Ni PLMT, isang miyembro ng proudbaluga
"Tukso layuan mo ako" ang sabi ng pulitiko
Hindi raw siya isang corrupt, tama ba ang narinig ko?
Kayo ay mga artista, di bagay sa pulitika
Pati ba sa Malacañang magtataping at shooting ka?
Mukhang ‘di magtatagal ang nakatinging kamao
Wala na ‘kong magagawa isusuntok ko ‘to sa’yo
Sa lahat nang ginawa nyo, hindi na uso ang tawad
‘Di na kayo iboboto kahit na pagka-kagawad.
Nasa kanya ang korona, sya’y tuwang-tuwa talaga
Binigay ang lahat-lahat sa anak niyang dalaga
Habang tayong mga tao mas mahirap pa sa daga
Kung hindi na ‘ko mapigil, akin silang itataga.
Sa mga press tumatawag para headline sa balita
Sila raw ay tumutulong, sa TV dapat makita
Pinagmamay-arian nyo mansyong malawak ang sala
Matamaan sana kayo maraming ligaw na bala
Mga taong nagigipit, kina corrupt kumakapit
‘Sang modernong kasabihan, huwag ka sanang magalit
Kung ikaw ay natamaan, sorry di kita nakita.
Itatanong ko lang sa inyo, magkano ba ‘yong kinita?