Kookie in a Cupcake [One Shot]

384 11 4
                                    

Okaaaay! So hindi ko alam kung bakit ba dito ako magde-deliver sa MOA. Seriously? Hindi ba alam ng nag-order sa akin na napakadaming puwedeng order-an ng cupcake dito?

Aish! Bakit pa ba ako nagre-reklamo, eh kikita naman ako dito? Psh. Sabi nung pagdadalhan ko neto, sa tapat daw ako ng The French Baker mag-hintay. Tss. Irony nga naman ng buhay.

Gumastos pa siya sa shipping fee, eh me The French Baker naman na puwede niyang puntahan. English pa ng english. 

Mya narinig akong nagsisigawan. Eto pa yung isang rason kung bakit ayaw kong pumunta dito, eh. >__>

MAY CONCERT ANG BTS! TEAM BAHAY NA LANG SANA AKO KUNG HINDI SA LECHENG DELIVERY NA'TO.

Mas masakit kaya na marinig mo yung ingay ng mga mayayaman na fangirls tapos ni anino nila hindi mo makita. Bwiset lang. Pang-asar.

"Hoy naman, Kaz! Hanep ka talaga! Ikaw tong nagpapasama tas ikaw tong nang-iiwan!" Ai. Oo nga pala. Kasama kong bestfriend ko. Si Cy. Hindi masyadong mahilig to sa KPop, pero adik sa mga sayaw na KPop ang dating. Baliw to, eh.

"Ang tagal mo kase sa Dairy Queen. Hindi ka ba napupurga sa Blizzard?" tanong ko habang palingon-lingon. Ang tagal naman nung kausap ko. Hindi ko pa alam kung anong itsura nun. 

Tss. Naka-formal daw siya, eh. Bakit kaya? May SONA ba sa MOA? Manunuod siya ng concert? kung ganun.. eh adik siya. Palagay niya sa concert ng BTS, parang meeting sa kongreso ang set-up? Hindi naman suspect sa pork barrel si Baby Kookie ko, eh. -_________-

May lumitaw na kutsara na puno ng Blizzard sa harap ko, isinubo ko ng hindi nililingon si Cy. Ganyan lang pag bestfriend.. walang paki-alam kahit magmukhang patay-gutom.

"Wala pa ba?" tanong saken ni Cy. Sabay tapon ng pinagkainan sa trash can na malapit samin. Bilis maubos, nakaisang subo lang ako. >.< Patay-gutom talaga to.

"Wala pa. Chill ka lang diyan." 

"Tss. Ilibre mo ako mamaya, ha? Sigurado naman akong hindi scam yan, eh. Sure money ka na."

Sure money na nga. Yung bayad dito sa cupcakes na to, naka-deposit na sa account ko. Actually, kalahati pa lang yung naka-deposit, yung kalahati kase, kapag inaabot ko na sa delivery ko kinukuha. With matching pamasahe pa and shipping fee yung dineposit niya. Kaya kahit hindi ko alam itsura nung kukuha saken nito, go lang. Galante, eh.

May nag-request lang daw sa kanya ng cupcakes kaya siya um-order. Natikman daw ng nag-request yung cupcake na gawa ko galing sa isang fangirl. Nagtaka nga ako, eh. Inisip ko na lang, baka fangirl din yung um-order at nag-request sa kanya, tapos magkakaibigan sila. Ah, ewan. ang mahalaga, maibigay ko na to.

Tapos uuwi na ako at iiyak sa isang tabi. Bakit ba naman kase kung kelan nakabenta ako, tsaka naman nag-sold out yung tickets? Bwiset. 

Actually, kahapon lang to, in-order kaya medyo puyat ako. Halos three a.m na ako natapos mag-bake at mag-packaging.

Yep, I bake. Hobby lang dati, hanggang naging maliit na negosyo ng seventeen years old na si ako. Sa online lang naman ako kumukuha ng orders, eh. Tsaka kapag walang pasok lang ako nagbe-bake. Tsaka pag hindi ako busy mag-Spazz.

Umingay na naman.

Aish. BTS! Kookie kooooo! TT_TT

Maya-maya, may naka-suit na lumapit sa amin. Hala. Siya na ba to? Bakit mukhang Koreano? Dire-diretso siya ng lapit sa amin. Nakatitig nga siya, eh. Ang guwapo niya naman.

Pero mas guwapo si Kookie ko, siyempre. 

Siniko naman ako ni Cy.

"Siya na ba yan? Wow, ha? Pati costumers mo, mukhang KPop na din."

Kookie in a Cupcake [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon