I'm Scared...

518 20 28
                                    

Hindi po ito story! Gusto ko lang ilabas yung nasa utak ko! Kasi ayokong mastock sya dito, kaya eto sineshare ko na lang! hahaha :)

-Hazelnot

_____________________________________________________________________________


Lahat ng tao merong kinatatakutan. Merong takot sa multo. Merong takot sa hayop. Merong takot sa dilim. Merong takot sa kidlat. Merong takot sa strangers. Merong takot sa tubig. Merong takot sa heights. 

Pero ako?

Takot akong magmahal...

Ilang beses na kong nasaktan. Ilang beses na kong naloko. Ilang beses kong umiyak. At ilang beses na din akong iniwan...

Masisisi niyo ba ko? Kung bakit ako takot? Ayoko ng masaktan ulit. Mahirap at masakit. Hinid ko alam kung kakayanin ko pang bumangon ulit kapag nangyari yun.

Hindi ko ba kasi alam kung bakit lagi na lang akong bigo sa pag-ibig na yan. May mali ba sa kin? Hindi naman ako pangit ah, pero aminado din akong hindi ako maganda. :( Pero mabait naman ako, yun nga lang sa sobrang bait ko, mabilis akong mauto at maloko. Kapag nagmahal naman ako, binibigay ko lahat para sa taong yun, kaya nga laging wala na lang natitira sa sarili ko.

Malas ba ako? Ewan ko... Hindi ko alam... Pero sabi naman nila, wala naman daw taong malas. Kasi ang kapalaran ng isang tao ay nasa kamay niya mismo. Hindi kaya mali ako? Ano bang dapat kong gawin?

Gusto kong maranasang sumaya. Gusto kong maranasang lumigaya. Gusto kong maranasang may magmahal sa kin. Yung hindi ako iiwan at sasaktan.


Bakit kaya mas nakaka-attract yung taong masungit? Taong walang pakialam sa mundo? Taong kahit anong oras pwede akong iwan?

Isa siguro yan sa dahilan kung bakit ako nananatiling sawi sa larangan ng pag-ibig. Dahil yan parati ang nagugustuhan ko sa isang tao. Bakit? Nakakatuwa kasi yung mga taong ganun, lalo na kung mahipan sila ng hangin at biglang bigla ay babait sayo. Waaaaah, nakakatuwa yun! :) Oo weird ako. Tama kayo ng naiisip. Dahil yan din ang parating sinasabi ng mga kaibigan ko sa kin.

I want to experience love in a different way. I want to love and be loved, but I'm scared.


Ano nga bang dapat kong gawin? Hintayin na lang na may isang taong sumulpot sa harap ko? O hanapin siya sa saan mang sulok ng mundo? Ewan ko, hindi ko alam.

Minsan naiisip ko, sana kaya kong baguhin at i-edit yung mga panahong lugmok na lugmok ako...yung mga panahong, halos hindi na ako makabangon...at yung panahong akala ko katapusan na ng mundo. Para hindi ako natatakot ng ganito.

Paano kung may dumating? Paano kung may taong handa akong mahalin ng totoo? Paano kung bigla siyang sumulpot sa mapait kong mundo? Paano kung... itigil ko na kaya ang pagpapantasyang ito? Haha. Masyado na kong nangangarap. Masyado na akong nabubuhay sa mga istoryang binabasa ko. Na yung mga bidang sobrang malas, ayun nakakahanap pa din ng happy ever after nila.

Parang malabo naman kasing mangyari sa kin yun. Baka mamuti lang yung mata ko kakahintay sa taong nakalaan sa akin.

Takot nga ba akong magmahal ulit? o takot lang akong hindi niya ko mahalin pabalik?

Sa totoo lang may gusto ako. Actually hindi ko alam kung yun ba ang tamang term na pwedeng idescribe dto sa nararamdaman ko. Pero kasi natutuwa ako sa kanya. Kinikilig ako pag nakikita ko siya. At nasasaktan ako kapag may kasama siya iba.

Pero sa ngayon wala naman akong balak sabihin sa kanya to ngayon. Ay mali. Wala akong balak sabihin sa kanya to, kahit kelan.

Kung ikaw ang nasa kalagayan ko, anong gagawin mo? 

_____________________________________________________________________________

Epekto yan ng ulan! hahaha... 

Sa magbabasa... thank you! :)

-Hazelnot

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 03, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm Scared...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon