Chapter 6

165 7 2
                                    

Chapter 6

“Calling all the attentions of the auditionees! Please go to the respective areas of the club you wanna be in!”, pag’announce ng announcer sa buong campus namin.

Nasa CR kami ni Gail ngayon at nagpalit na ako ng leggings at shorts sa pang’ibaba at sando’t jacket naman sa pang’itaas.

“Nako, hali ka na at pumunta na tayo ‘dun sa AVR room!”, sabi ni Gail.

“Hali ka na nga!”, sabi ko naman.

Habang naglalakad, hindi ko maiwasan ang kaba na nararamdaman ko. Sobra talagang kinabahan ako lalung-lalo na isa sa mga judge si Aia.

At ‘nung makarating na kami ni Mia sa venue, agad naman akong kumuha ng priority number matapos akong mag’sign-up.

Nagsimula na ang audition at napakaraming magagaling, pero confident pa rin ako na magaling ako kaya there’s no need to worry. Kung may ibang successful na natapos ang audition nila, ang iba naman natapilok, mukhang epic fail talaga ang paggalaw nila ng kanilang mga paa. At isa ‘yan sa dapat kong ingatan. ‘Yan kasi ang isa sa mga tinuro sa akin ni Gail.

“15 auditionee na Star, ikaw na susunod! I’m wishing you all the luck!”, sabi ni Gail.

“Thank you Gail! Whoo! Kaya ko ‘to!”, sabi ko.

“Ipakita mo sa kanila kung ano ang magagawa ng isang Star!”, sabi ni Gail.

Tama siya, kailangan ko nang lumabas sa shell ko at ipakita sa buong campus na kaya kong makipagsabayan sa mga tinuturing nilang Campus Queen, Campus Beautiful, Campus Famous, Campus Dancer, Campus Cheerleader o kung anu-ano pa ‘yan.

“Number 16, Ms. De la Cruz!”, sabi ng announcer.

Agad naman akong tumayo at naglakad patungo sa dance floor. Habang naglalakad naman, pansin ko ang mga taong nagbubulongan.

Tumayo na ako sa gitna at hinintay ang music. Kaya ko ‘to at di ako magpapadaig sa mga pinagsasabi nila. I’ll prove them wrong kung ano man ‘yang iniisip nila!

‘Nung nagsimula na ang sayaw, humataw naman ako sa pagsayaw. Ginawa ko lahat ng tinuro sa akin ni Gail, at ‘nung malapit nang matapos, ginawa ko ang signature dance noon ni Gail na ikinagulat ng mga tao sa paligid.

“Wow!”, sigaw nila sabay palakpak.

Nag’bow naman ako pagkatapos at muling umupo sa upuan katabi ni Gail.

“Napa’wow mo ang madla Star! Ang galing mo talaga!”, sabi ni Gail.

“Oo nga eh. I can’t believe it! Nagawa ko Gail! Nagawa ko!”, sigaw ko.

“Congratulations!”, sigaw naman ni Gail.

Habang hinhintay namin na matapos ang lahat ng auditionee, hinintay naman namin ang results. Kaya kumain muna kami ni Gail ng merienda sa canteen.

Maya-maya, inannounce na sa buong campus na naka’post na raw sa bulletin board ang lahat ng results sa lahat ng audition areas.

“Gail, punta na tayo!”, sabi kong na’eexcite.

“Bilis, baka maunahan pa tayo ng maraming tao.”, sagot niya naman.

Kaya iniwan na namin ang bote ng softrdrinks at plato sa canteen at agad  na tumakbo patungo sa bulletin board.

‘Nung nakarating naman kaming dalawa, napakarami ng tao. Nakikita kong malungkot ‘yung iba habang ‘yung iba naman halos makalipad sa kakatalon dahil sa saya. ANg iba naman umiiyak, hindiko alam kung sa lungkot ba or tears of joy.

At dahil sa excited akong makita ang results ng cheerdance, nakipagsapalaran ako sa madla para makalapit sa bondpaper kung saan ang lista.

“Nako, Gail, hindi ko kayang tumingin.”, sabi ko habang tinitakpan ang mga mata sa mukha ko.

“Sige, ako na lang ang titingin para sa iyo Star. Wish you all the best!”, sabi ni Gail.

Medyo matagal-tagal pa yatang nabasa ni Gail, wala talaga akong marinig na hiyaw galing sa kanya eh. Baka siguro hindi ako natanggap.

“Nako, Star, hali ka na! Balik na tayo sa classroom.”, sabi niya sa akin na mukhang may malungkot na tono.

“Sabi ko na nga eh, hindi ako matatanggap. Sige, hali ka na.”, sabi kong malungkot.

Siyempre nalungkot ako at may mga luha na muntik na sanag tutulo, pero biglang sumigaw si Gail.

“Whooo! Gail, nakapasa ka! Congratulations! Waaah!”, sigaw ni Gail at kinuha ang bondpaper sa Bulletin Board.

“Talaga?”, sabi ko at tinignan ang papel, “Star Sophia de la Cruz! Waaaah! Nakapasa ako Gail! Whooo! Nakapasa ako!”

“Hahah, naloko yata kita kanina Star! Yareka!”, sigaw niya.

“Buti na ‘yun, para may halong drama ‘tong buhay ko. Masyado na kasing seryoso!”, sabi ko sabay tawa.

Kaya naglakad na kami ni Gail palayo sa mga taong gustong tumingin at tumitingin ng results.

“Teka kailan kaya magsisimula ang practice?”, tanong ko.

“Hindi mo ba nakita sa baba? Every Thursday-Friday pagkatapos ng klase.”, sabi niya.

“Paano ko makikita eh, na’eexcite ako ‘nung nakita ko ‘yung pangalan ko. Halos ‘dun na kaya ako naka’focus!”, sabi ko sabay tawa.

“Haha, hali ka na nga! Uwi na tayo, 5 na rin eh.”, pag-aalokniya sa akin.

Kaya kinuha namin ang bag namin sa classroom at pumunta na kami at naghiwalay na rin paglabas sa gate.

Pagdating ko naman sa bahay, parang napansin ko yatang madilim. Kaya kinuha ko na lang ang susi ko at pumasok, baka kasi may lakad sina mama at papa.

Ilalapag ko n asana ang bag ko nang bigla nalang bumukas ang ilaw at may confetti pa. Nakita ko naman ang mga cousin kong naka’pyramid ang porma. Tatlo sa baba, tapos dalawa naman sa itaas nila tapos blanko sa taas.

Agad naman akong tumakbo at umakyat sa kanila.

“Iyan ang Cheerleader ng pamilya!”, sabi ni papa.

“So ano anak? Natanggap ka ba?”, tanong ni mama.

“Ehh-- An—Ahh—“, hindi pa ako nakasagot pero bigla naman akong kinomfort nina mama at papa. Pati na rin ng mga cousin ko.

“Okay lang ‘yan anak! Minsan talaga, natatanggap ka, minsan naman may mas maganda pang plano ang Diyos para sa buhay mo.”, sabi ni papa.

“Oo nga, baka pang’choir ‘yang talent mo anak?”, dagdag naman ni mama.

“Mama at Papa naman eh, hindi pa nga ako natapos, tanggap po ako!”, sigaw ko happily.

“Talaga anak? Wow naman!”, sabi ni mama.

“Kung ganun, ilabas ang lechon! Fruit salad! Spaghetti at cake!”, sabi ni papa.

Tapos nakita ko naman ang mga tito at mga tita ko. Ang saya naman, parang nag’birthday lang ako. Naramdaman ko talaga ang pagiging proud nila sa akin.

Operation: Make the Ice Prince Fall™Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon