Baby Don't Cry (One Shot)

36.7K 697 306
                                    

Baby, Don't Cry
One shot

_________________________________________________



"Yumi, matulog ka na nga. May pasok ka pa bukas e! Bukas ka na makipag-usap sa boyfriend mo! Jusko naman."



From: Soju

Ayumi, ba't ayaw mo pa matulog? May pasok ka pa bukas.



To: Soju

Matutulog na po. Pinapagalitan na ako ni Ate Aliyah eh. Goodmorning, hon. Goodluck sa atin bukas. I love you.



From: Soju

Sige, matulog ka na. Sleep well, okay? I know you love me, you never stop saying those words to me. See you.


Napangiti nalang ako nang pilit. Kahit wala man siyang 'I love you too' sakin, at least naman nagreply siya sakin, di ba?

Tinago ko na ang cellphone ko sa lamesa sa tabi ng kama namin ni ate at pumikit na.

Hay, sana umaga na para makita ko na ang honey ko. Ayaw ko na dito sa bahay, puro problema. Kapag kasama ko si Soju, ok na ako. Wala na akong problema.

Pero nasagi na din sa isip ko.. Paano kung mamatay na ako? Eh di wala na akong problema! Kaso... paano na si Soju?

xxx


"Ayumi, nasaan na ang bayad sa tuition ng kapatid mo?!" Pagkagising ko, yan agad ang narinig ko galing kay mama.


"Mama, sa katapusan pa po ako susweldo. May inabot na po ako sa inyo kahapon ah?" Sabi ko habang nakuha ng pagkain sa lamesa para mag-agahan na't makapasok na sa trabaho


"Ubos na kaya! Kulang ang binigay mong pera. Ano ka ba naman! Aasa ka sa sweldo mo, eh kaliit-liit lang ng sinusweldo mo!" Ang sakit marinig na para bang minamaliit ka ng nanay mo. Imbis na sumagot nang pabalang, nagbow nalang ako sa kanya bilang tanda ng respeto.


"Sorry po, mama. Ako nalang po ang bahala mamaya. Dadaan nalang po ako sa school nila Yen mamaya."


"Sorry-sorry ka jan! Tss. Wag kang tatanga-tanga, makalimutan mo pa yung pera para ipambayad natin ng kuryente at tsaka ng tubig! Wag kang magdadamot kundi, naku! Wala ka na talagang utang na loob sa amin! Kami na nga ang nagpalaki't nagpaaral sayo, hindi mo pa kami gagantihan ng kabutihan mo! Napaka-walang kwentang anak mo na kung ganun! May boyfriend ka ngang mayaman, wala ka namang mapala doon. Hindi mo nga mautangan para panggastos dito e! Hay nako Ayumi.. Hindi ka naman ata talaga mahal nun e!" Wag, Ayumi. Wag mo nalang isiping sinabi ni mama yang mga salita niyang iyan tungkol kay Soju... Wag. Mahal ka niya... Mahal niya nga ba ako?


Napabuntong-hininga nalang ako. Sanay na ako kay mama. Ilang beses na ba niya akong sinabihan ng mga masasakit na salita. Nagsimula kasi nila akong sabihan ng ganun simula nung nag-expect silang makakagraduate ako ng college dati as a nursing student kaso hindi ko kinaya. Hindi ko naman kasi gusto ang maging nurse, gusto kong maging teacher kaya nag-college ulit ako at ang kinuha kong course ay Education. Nakatapos naman ako at ito ako ngayon, isang teacher.


Tinatanggap ko nalang lahat ng sinasabi niya. Ay mali, sila pala. Hindi lang kasi si mama ang nagsasabi sa akin ng ganyan kundi mga kamag-anak namin, mga kaibigan ko at iba pa. Masyado silang na-disappoint sa akin. Dati kasi, palagi akong nasa rank at ang gusto na nilang course para sakin pagdating ko ng college ay nursing kaya nung nalaman nilang hindi pala ako makakapagtapos ng nursing, nadisappoint sila nang husto. Bakit ba kasi hindi nila matanggap 'yun? Pero kahit ganun sila, mahal ko padin sila. Ang tanging ginagawa ko nalang ay ang... umiyak.


Baby Don't Cry (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon