Inevitable

56 2 1
                                    

"Kuya!" sigaw ni Mandy sa isang lalaki nung nagkita sila sa isang Mall. 

"Oh bunso, ikaw pala! ano ginagawa mo dito?" si William pala yung nakita niya, ang tinuturing niyang kuya.

"Wala naman kuya, kasama ko lang mga kaibigan ko. see you around kuya!" pangiting sinabi nito, habang naglalakad papalayo kay William.

"O sige Mandy, mag ingat kayo ha?" Kaway naman ng binata habang papasok sa isang clothing store.

Magkaibigan lang sila Mandy at William, pero magkapatid ang turingan nilang dalawa. sa isang premier University nag aaral si William, habang sa manila naman si Mandy. malimit magkita ang dalawa kahit hectic ang schedule nila. Isang student leader si Mandy habang Captain Ball naman si wiliam ng kanilang university basketball team. 

"Kamusta na kaya si kuya?" habang kaharap ang cellphone niya, nagiisip kung ano ang itetext niya kay William, para makapag usap na naman sila ng matagal.

"Kamusta na kaya si bunso?" parehas pala silang nagiisip, paano nila kakausapin ang isa't isa at mag uusap na ng napakatagal.

"Kuya, kamusta ka na? alam mo ba, sana sumama na lang ako sayo kanina, kasi ang boring kasama nung mga kaibigan ko eh."

"Ayos ako bunso, bumili lang ako ng damit sandali, pero umuwi na din ako, wala naman kasi ako kasama. Sayang naman, dapat tinext mo ako agad, para sinamahan kita, ang boring kasi sa bahay pag uwi ko eh."

"Kuya, alam mo naman na hindi ka pwedeng gabihin pag uwi, dahil panigurado, papagalitan ka na naman ni tita."

"Haha! ayos lang yun kay mama! agpapaalam naman ako, sa condo namin ako sa manila matutulog kung sakali na gabihin tayo, at dala ko naman sasakyan ko kanina eh, kaya walang problema"

"Ganun ba kuya? oh kamusta ka naman? balita ko, na iisue ka daw ah? may lalaki daw na nanliligaw sayo?"

Napatigil sandali si WIlliam. Alam kasi ni Mandy na Bisexual siya, at simula noon, inaasar na niya ito ng inaasar pero paano niya nalaman na may lalaking nanliligaw sa kanya? bukod sa sarili niya, iisa lang ang nakakaalam nun, si Jonas, yung kaibigan nilang bakla, dahil pinagkakatiwalaan ni William si Jonas.

"Ha? kanino mo naman nalaman yan chismis na yan? ikaw talaga mandy ha! simula nung sinabi ko sayo na Bi ako, inaasar mo na ako ng inaasar! if I know, ikaw siguro diyan yung may lalaking nanliligaw, di mo lang sinasabi :)"

"Wala no! ang kapal mo talaga kuya! haha! si Mommy Jonas nagsabi sakin"

"Loko talaga 'tong si Jonas, sinabi ko nang wag munang sasabihin eh"

"So meron nga! yieeeeee! ano ba yan kuya, daya mo, nauna pa si mommy makaalam, kesa sakin"

Tinawagan agad ni William si Jonas at tinanong kung sinabi niya kay Mandy na may nangliligaw sa kanya.

"Jonas, sira ka talaga! wag mo sabihin kay Mandy na may nanliligaw sakin! magseselos yun, haha!"

"Opkors golpkors! waley problem. Ano sasabihin mo sa kapatid mo niyan?"

"Sasabihin ko hindi totoo, at inaasar mo lang ako, ikaw ha, wag mo sabihin, hindi kita tutulungan maghanap ng otoko mo."

"Ay! bet ko yan! o sige, sabihin mo na. pero sinasabi ko sayo, wag mo lokohin anak ko, jombag abot mo sakin!"

"Siyempre naman, ako pa ba?"  nagpasalamat si william, at binaba yung tawag sabay hinga ng malalim.

"Kuya! ang tagal mo naman mag reply! ano ba ginagawa mo?" 

Nakalimutan niya na kausap pala niya si mandy sa tagal nilang mag usap ni Jonas

"Sorry Mandy, nalowbat kasi ako, kaya nag charge muna sandali. Pasensya na kung hindi kita nasabihan agad"

"Ok lang kuya. pwede na ba tayo mag usap? kwento mo na yung sa nanliligaw sayo :)"

"Ahh, yun ba? wala yun Mandy, hindi yun totoo, ine-echos ka lang nun ni Jonas, alam mo naman yun, mahilig akong asarin nun" Palusot nitong sinabi sa kapatid para hindi niya na siya kulitin

"Sure ka kuya ha? oh sige po, I love you kuya, sobra!"

"Oo Mandy, I love you too!" 

Nagpaalam na si Mandy pagkatapos mag I love you too ni William sa kanya, dahil maaga pa ang pasok niya kinabukasan, pero ayaw niya pa sanang tapusin ang gabi, dahil nag eenjoy siya parati kausap ang kuya niya.

First time ko lang po ito, so pasensya na po, madami pa pong mga mangyayare, your comments and  suggestions will be highly appreciated :)

InevitableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon