CHAPTER ONE
MALAPIT na malapit na ang labi nila sa isa’t isa. Kaunting maling kilos at alam niya, sa labi niya ang bagsak ng labi ni Zach.
“This must be a dream. This is not real.” Sabi niya sa kaharap. Nanghihina na siya dahil sa sari-saring emosyon. Napakapit na siya sa braso nito.
Hinigpitan pa ni Zach ang hawak sa baywang niya at pinagdikit ang mga noo nila. “No. This is as real as it can get.”
And with that, naglapat ang mga labi nila. It’s her first kiss. And she doesn’t know what to feel. She’s been waiting for this moment for so long. He ended the kiss abruptly.
“Zach?” Tinitigan niya ang mga mata ni Zach. Oh, how she loved those dark brown eyes, that pointed nose, and those luscious lips na sa wakas natikman na rin nya.
He was also staring at her. Hinaplos ni Zach ang pisngi niya, and planted a small kiss there. “Kelly.” He whispered.
“Hmmn? Can we just stay like this? Forever?” Sagot niya. Nanlalambot pa rin ang mga tuhod nya dahil sa surreality na kasama niya ngayon at kayakap ang kanyang first love—only love.
“Kelly.” He whispered again. This time medyo may edge na ang boses ni Zach na ipinagtaka ni Kelly.
Hinigpitan na lang niya ang yakap kay Zach. Ayaw na nyang umalis sa posisyon nila ngayon. “Hmmn?” Sagot niyang muli kay Zach.
“Kellogs.”
“Hmmn?” Parang nararamdaman nyang inaalog ni Zach ang katawan niya.
“KELLOGS!!”
Nagulantang siya sa boses na yun.
Shit. Panaginip lang pala. Badtrip!!! Ano na naman kayang kailangan ng unggoy na ‘to? Panira talaga kahit kailan!!
“Anong kailangan mo na namang lalaki ka? Ang ayos ayos ng buhay ko, ginugulo mo! Lumayas ka nga dito!” Pinagbababato niya ng unan si Zach.
“Saglit, aray!” Sabi ni Zach habang sinasalag naman ang hindi maubos na unan ni Kelly. “Saglit nga kasi! Di naman ako pupunta dito kung hindi impor...”
Nakita niyang natigilan si Zach. Nakatingin ito sa kanya na parang na-maligno. Tiningnan niya ang sarili. Napamulagat siya nang mapansing isang manipis na white shirt at panties lang ang suot nya. Halatang halata ang mga dapat ay hindi halata! “Argh! Rodrigo Zachariaaaas! Alis!!!” Malakas pa ang sigaw niya sa wang-wang ng pulis.
Dali-dali naman siyang sinunggaban ni Zach para takpan ang bibig niya. “Ano ba, Kellogs! Ang arte mo naman eh. Nakita ko naman nang lahat yan ah.” Sabay turo sa mga pinakaiingatan niya.
Sinipa niya ito sa kama. “Bastos!!!”
Nagmamadali naman ulit siyang niyakap nito at isinubsob sa dibdid, para siguro di na siya magsisisigaw. “Napakaeskandalosa mo. Tumigil ka nga! Mamaya marinig ka ni Ninang Vicky, sumugod pa dito yun.” Binitawan na rin siya ni Zach. “Sshhh, okay?” Nilapat pa nito ang hintuturo sa labi to emphasize na manahimik siya.
Napatingin siya sa side table niya at nakita niyang pasado alas nuwebe pa lang ng umaga. “Ano ba kasing ginagawa mo dito? It’s a Sunday and I should be resting, Zach!” Tanong niya habang naghahanap ng ipangtatakip sa kanyang puri na kanina pa pinagsasawaan ni Zach.
Labas-masok lang si Zach sa kwarto niya, paano kasi, may adjoining deck ang balcony ng rooms nila. Pinagawa ito ng parents niya noong mga bata pa sila. Mag-isa lang dati na nakatira sa malaking bahay ang mabait na si Lola Kikay kasama ng mga kasambahay nito. Eight years old pa lang si Zach noon nang mamatay sa isang plane crash ang parehong magulang niya, kaya napunta ito sa pangangalaga ni Lola Kikay. At dahil unica hija siya, sabik na sabik siya sa kalaro kaya agad niyang naging kaibigan ito. Natatandaan pa niya ang una nilang pagkikita.
BINABASA MO ANG
Baby Daddy
Romance“It’s either you're mine, or I’m yours. It’s your call.” Matagal nang may lihim na pagnanasa este pagtingin si Kelly kay Zach. Only, hindi na sya umaasa pa ng higit sa kayang i-offer ni Zach, pano kasi bukod sa pagiging ladies’ man nito, they’re als...