-Dasha-
Going back (Part one of Two)
"Pack your things your majesty. Aalis na po tayo ngayon." Hindi ako pinapasok tapos ganito ang maririnig ko? Pinapabalik na ako ni Dana? Ano bang problema nung babaeng yun?
"What? Ayoko, hindi pa tapos ang misyon ko dito kaya hindi pa ako puwedeng umalis." Napaisip ako, dahil ba ito kay Ruckus? Nagsumbong ba yung hayop na yun? Sabi ko na nga ba eh, hindi talaga makukuha sa pakiusap yun.
"Hindi niyo na po kailangang tapusin mahal na reyna. Si Lady Dana na po mismo ang nagsabi." Nahalata ko ang mga bakas ng luha niya sa mata. Right, if I go home it means saka nalang niya makikita si Xander tuwing may hunting party.
"Ano bang kasalanan ko? May nagawa ba akong mali? Ano ba ang dahilan kung bakit niya ako pinapabalik?" Hindi siya sumagot.
"So it means alam mo?" I asked her. Panigurado alam niya kung bakit ako pinapabalik, ayaw lang niyang sabihin.
"Mahal na reyna kahit naman po alam ko, nasa kapatid niyo parin po ang huling salita at sinabi niya po saakin na wag sasabihin sa inyo dahil wala po ako sa tamang katungkulan para magbanggit ng kahit isang salita." Naglakad siya papuntang closet ko at nilabas yung maletang gamit ko noong nagpunta ako dito, month ago at nilagay lahat ng gamit ko doon. Sinundan ko lang siya ng tingin at hindi nagsalita.
"Akin na po yung cellphone niyo mahal na reyna." Malungkot na sabi niya ng matapos niyang iempake ang lahat ng gamit ko.
"Bakit?" Nanatili lang ako sa pagkaka-upo ko dito sa may kama at hindi gumalaw, kahit konti.
"Hindi naman po tayo gumagamit niyan sa palasyo, isa pa po walang signal doon." Napansin ko naman ang pagiging magalang ni Terrah na saka lang niya pinapakita kapag galit siya o nagtatampo.
"Let me keep it." Nandoon kasi ang mga mahahalagang memories namin ni Darryll gaya ng text at notes.
"Mahal na reyna." Nanginginig ko namang nilabas yung phone at iniabot sa kanya. Bakit ba kasi pinapabalik ako?
I gasped when she threw it on the floor then stomped on it. As in sirang-sira yung cellphone na aabutin ka ng 100 years para buuin ito. Kahit galit ako sa ginawa niya ay hindi ko magawang ilabas dahil alam ko na ganun lang din yung nararamdaman niya ngayon.
Binuksan niya yung pintuan ng kuwarto at sinenyasan ako na lumabas na. For the last time, I threw a glance all over the place at napatanong sa sarili ko. Makakabalik pa kaya ako dito?
Tumayo ako dahan-dahan na naglakad palabas. Yung para bang may prosisyon? Kahit naman kasi halos isang buwan lang ako dito ay napamahal narin ako dito sa lugar. Lalo na sa kapitbahay (Darryll Dream).
Nang pagbuksan niya ako ng pintuan, yung last na pintuan, ay napatingin ako sa labas. High ranked Vampire Knights ang sumalubong saamin, which is pretty odd dahil hindi naman ganito karaming guards ang sumama saakin noong pupunta ako dito. Kami nga lang dalawa ni Terrah eh.
"What's wrong Deniarah?" Tanong ko sa leader ng VK. She didn't throw me a glance neither speak. Mukhang wala nga silang balak na sabihin saakin.
Mga lima siguro silang member.
Paalis na sana kami ng nagbukas ang pintuan ng pad ni Darryll. Inuluwa nito ang binata na naghahanda dahil mukhang may pupuntahan. Nagulat naman niyang tinignan ang mga kasama ni Dasha.
"San ka pupunta neighbor?" Conyo niyang tanong. Masama naman ang tingin nila sa kanya. I pressed my lips into thin line.
"Ahh, lilipat na ako ng bahay. The deal is over, salamat sa lahat." Thanks for being a good friend, not to mention I feel something deep in him, a good companion, at salamat sa pagigig concern saakin noong mga panahong nahihirapan ako. Gusto kong magpaalam sa kanya, gusto kong sabihin na baka ito na yung huling beses na magkikita kami.
"Ha?" Halatado ang gulat sa mga mata niya nang banggitin ko yung word na lilipat na ng bahay. He must be sad too, for I don't know reason.
"Tara na." Bago pa ako makapag-reply ay agad na akong hinila ni Terrah papuntang car park. As in yung para ba nila akong kinakaladkad?
---
Parang nawalan ng kulay ang Arrdission nang bumalik ako. Pagpasok ko kasi ng barrier, kita ko pa ang mga ngiti sa labi ng bawat isa, pero nung nakita na nila ako napalitan ito ng takot.
It made me realize how bad I was as a queen.
Agad kaming dumiretso sa session hall. Naabutan naman namin silang lahat na nag-uusap ng masinsinan.
Pagbukas ng pintuan, tumingin silang lahat saakin. I showed no sign of feeling, which where I was good at.
"Let's begin." I coldly said bago umupo sa usual seat ko at nagtameme. Wala ako sa focus ko ngayon.
"Why did you bring me back!!!" My voice echoed against the ancient brick wall nang palasyo. I can feel my eyes turning red as I raised my voice.
"Calm down Dasha." It was Dana's voice who bring me back to my senses. Minsan kasi, when I transformed I can't control myself at kadalasan may nasasaktan ako.
"How could I calm down?? You bring me back without me finishing what I have started!! And you know how I vowed to finish that Queen pero anong ginawa niyo!! I was close to finding her!" I felt my long nails dug into the mahogany table as I calm myself.
"Because Lance had showed up!! What if we lose you Dasha?? Kung hindi mo ako alam tratuhin bilang kapatid na nag-aalala, just see me as one of your man who is concern of you!" I frozed. Feeling the pain that buried itself inside me 47 years ago. Buhay si Lance, buhay siya.
"Bring her majesty back to her chamber. I think she needs to rest."
BINABASA MO ANG
Vampire And The Heartthrob ✔
VampiroA love story between two worlds. Sa umpisa I thought I was just simply playing with him. Pero ng tumagal ay nagugustuhan ko na siya at kasabay nun....... I'm slowly breaking our absolute rules. How can I save him, when the day of judgement comes? Da...