Bakit ngayon pa...
Nakatutok ang dalawang mata ko sa building ng mga Dela Roma. Ilang taon ko nang inasam na makapasok sa building na iyan. Iisa lang naman ang mission na gagawin ko, ang bawiin ang dapat ay sa amin. Ang ipagtanggol ang lolo ko nang yumao ito.
I sucked my breath and blow it slowly.
Iniisip ko ang dala-dala niyang sakit ng mga pinagdaanang hirap sa nakalipas na taon lalo na sa kamay ng mga Dela Roma. At kung kaya ay ako ang gagawa ng paraan upang mabawi ang minsa'y nasa kay Lolo na ngayon ay nasa kamay na ng mga taong trumaydor sa kanya, hindi ako papayag na hindi mabawi ang mga iyon.
Walang gabi at araw na hindi ko hiniling na mapapasaakin din ang lahat ng iyon. Mapapasaakin din ang lahat ng mga pinaghirapan minsan ni Lolo. At ako lang bukod tangi ang nag-iisang apo niya para gawin ang mission. Ako lang ang tutulong sa kanya para mabawi ang lahat ng iyon.
Napapikit ako ng mariin, this life, I still mourned for years. And it hurts me.
Yumao ang mga magulang ko noon dahil sa isang car accident at walang ibang nandiyan kundi ang lolo upang alalayan ako sa lahat.
Naiwan akong buhay at tanging si Lolo lang ang nag-alaga sa akin. Hanggang sa namulat ako na madami siyang mga kaaway. Mga taong mabibigat at madaming galamay. Bata pa lang ako ay mismo ang lolo ko na ang nagturo sa akin nito, ang gawin ang bagay na alam kong tama para sa akin.
Tinuruan niya akong kumilala at kumilatis ng tao, kung sino ang totoong kaaway o hindi.
Gusto kong mabawi iyong sa kanya para maipaghiganti ko na rin ang pagkawala niya. Hindi ko matiis ang pagkawala niya, hindi din puwedeng hindi ko mabigyan ng katarungan. Kung kaya't nangako ako sa libingan ni Lolo na gagawin ko ang lahat makuha lang ang pag-aari namin.
I'm doing this for my Lolo Alberto. No matter what happen, nasa kamay ko nakasalalay ang lahat.
"Laica, may ulat na ba tungkol sa dating pinapagawa ko sa'yo?" tanong ko sa kaibigan kong sobrang busy sa mga dokumentong kaharap.
Her lips pursed and brows arched at me. Hindi ko pinansin ang ganoong malimit na gawain niya.
"Ako ang natatakot sa'yo, Sia. Kung anu-ano na lang ang mga pinaggagawa mo sa sarili mo! Kaka-graduate lang natin ng college, bakit hindi mo na lang ituon ang pansin mo sa mga bagay na alam mong mas makakatulong sa'yo kaysa naman na ilagay mo sa panganib ang sarili mo gayong matagal ng patay ang lolo mo! Puwede bang patayin mo ang sigarilyo mo? Ugh!" walang prenong sabi niya.
My jaw drop a bit. Bumuntong-hininga ako at binuga ang usok ng sigarilyo saka pinatay iyon sa malinis na papel na nasa harapan niya, kinatikom naman iyon ng kanyang bibig. Kung hindi ko lang siya matalik na kaibigan ay kanina ko pa siya pinatumba rito.
"Don't tell me, you're upset?" she glanced at me once, at muling ibinalik sa ginagawa ang tingin. "You're still mourning?"
Tumikhim ako. "Nandito na ito at matagal ko ng gustong pasukin ang kompanyang iyon! Bata pa ako noon at namulat na akong ganito ang nangyayari sa ginagalawan nating mundo! At isa pa kahit ilang beses mong sabihin iyan ay tapos na. Nagpasya na ako at matagal na, Laica!"
Kumuyom ang mga kamao ko. Umiling naman siya, hindi na nagsalita. Hinarap niya ang isang maliit na cabinet at may kinuha siya doon, iniabot sa akin pagkatapos. Ngumisi ako sa kanya. Alam kong hindi niya ako tatanggihan at alam kong malakas ang kapit niya sa mga empleyado roon sa kompanya ng mga Dela Roma.
Knowing this girl, may malaking agency rin sa bansang ito ang ama.
"Thanks, Laica. I know... hindi mo ako tatanggihan."
BINABASA MO ANG
The Contract Lust (CarmellaSeries-1/COMPLETED-Editing) ®🔞+
General FictionR-18 read at your own risk ♥️ --- Pinagmamasdan ni Trissia 'Tisay' Acuelles ang kataasan ng Dela Roma Building Corp. Ilang buwan na niyang binabalak na pumunta at pumasok sa loob ng building na iyon. May mission siyang gustong ipatupad ayon sa kanya...