Chapter Two

6.7K 99 2
                                    

Makakalimutan din kita...

"Anong plano mo ngayon, Sia?"

Tanong pa lang ng kaibigan ko ay nababagabag na ang aking kalooban dahil sa ginawa ko. Hanggang ngayon ay hindi maalis ang gulat sa aking mukha. I am so scared right now. Pakiramdam ko kahit hindi ko nabawi ang lahat ng anong meron si Lolo ay nawala naman ang taong mahal ko sa akin.

Pero kahit ganoon ay gusto ko pa ring makasigurado kung talagang nawala na ang tiwala nito sa akin. He called me twice... four times. Hindi ko na alam kung ilang beses at sa bandang huli ni isa ay hindi ko naman sinasagot dahil naduduwag ako.

Nag-iwan rin siya ng mensahe sa akin na pupuntahan niya ako. He didn't say other words, iyon lang. At hindi ko talaga alam kung kaya ko bang makita siya gayong ang laki ng pinasok kong gulo at hanggang ngayon ay inaayos niya pa rin ito ng mag-isa.

Walang emosyon na pinatay ko ang tv sa aking harapan dahil sa mga balitang nagsusulputan ngayon. Bumuntong-hininga na lang ako at nagdasal upang huminahon nang kaunti sa mga nangyari.

"Hindi magagawa ni Ruzzel sa'yong ipakulong ka, Sia. He's in love with you. And I bet, hindi talaga niya gagawin iyon—"

"Paano kung gagawin niya?"

"So, kung ganoon ay wala na akong magagawa diyan. Ask our other friends to help you out in jail."

Oh, damn it! How could she say that to me?

"So you mean, hindi mo ako tutulungan? You're my bestfriend, Laica! Huwag kang umakto na hindi ka kasali dito!" Galit na ako dahil sa sinabi niya.

"Inutusan mo lang ako, Sia! My god calm down, please!" Napasabunot siya sa sariling buhok. She's mad and frustrated at the same time.

Bumuga ako ng marahas na hangin dahil sa inis. May nalalaman pa talaga siyang calm down, huh? Matapos ng nangyari!

"Mas mabuti pang kausapin mo si Ruzzel tungkol dito..." Mahinahon na niyang sabi ngayon. "Please talk to him, Sia. Matutulungan ka niya."

"Sa tingin mo ay kaya ko pa? Sa tingin mo ba mababago ko ang mga iniisip niya ngayon? Huli na." Mapait kong sabi.

"That's why I told you right? Mag-iingat ka. Pero huli na." Aniya at nanggigigil na naman.

Wala na akong makukuha sa kanya. Tila sinusuko na rin ako ng aking kaibigan.

Tinalikuran ko na siya bago pa may masabi akong hindi maganda sa kanya.

Dismayado ako habang nakatingin sa malayong lugar at binabagtas ang kahabaan ng biyahe. Tanaw ko na ang lugar na muli kong masisilayan.

Pumikit ako ng mariin.

Sa kaduwagan ay gusto ko na lang na magtago. Isang taon din ang naging relasyon namin ni Ruzzel at nakilala ko lang siya sa Manila. Kaibigan ng mga kaibigan ko ang kaibigan niya kaya nagkakilala kami. He's hot and handsome so I admire him. Una siyang lumapit sa akin noon at hindi naman siya mahirap mahalin.

Mahal ko siya pero ngayon ay hindi ko na alam kung mapapatawad pa ba niya ako. Alam kong galit na siya ngayon at sobra pa sa galit na nararamdaman ko.

Mali ako, oo. Mali ako sa nagawa at inaamin ko iyon pero mas malaki ang kasalanan ng pamilya niya kay Lolo.

I missed him but I want to do this. Lalayo na lang ako sa kanya at kakalimutan na lang siya. Sana mapatawad niya pa ako pagkatapos ng lahat kahit imposible namang mangyari iyon.

I know him but it's like I don't know him either. Kung paano siya magalit o kung paano niya kalabanin ang isang tao. Walang pinapatawad lalo na sobrang laki ng kasalanan. Tulad ng ama nitong si Heneral Akael Rione ay ganoon din si Ruzzel. Half Fil-Am si Ruzzel kaya kinagulat kong apo siya ng kaaway ni Lolo. Marahil ay hindi ganoon kahaba ang pagkakilala ko sa kanya bilang siya na nobyo ko. Pero kahit ganoon ay minahal ko ang isang tulad niya.

The Contract Lust (CarmellaSeries-1/COMPLETED-Editing) ®🔞+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon