CHAPTER 14

813 20 0
                                    

-JEA-

"Good morning po, ma'am." Bati ko sa mother ko. Parang nakaka-ilang kung tatawagin ko siyang mother. :3

Uhm, ano ba pwede kong itawag? -_-

"Hi, good morning." Nakangiting bati niya sakin.

"Aalis po kayo?" Tanong ko.

"Uh, yes. Pupunta kami sa school. Papasok na din kasi si Jea, e. So, ikaw na muna bahala sa bahay ha?"

"Sige po.." Nakangiti kong sagot.

Bigla naman bumaba si Daine. Kamukhang kamukha ko talaga siya.

"Good morning po, ma'am Jea." Bati ko.

Pero tinignan niya lang ako at umalis na sila. Nag paalam naman sila sakin.

So, anong gagawin kooooo? Maglilinis syempre. -_-

Nag ikot-ikot muna ako. Na-miss ko talaga 'tong bahay na 'to.

Napapangiti na lang ako kapag naaalala ko ang mga nangyari noon.

Sana pwede pa 'yong ibalik. Ang sarap siguro non. Kaso, iba na ngayon. Ang laki na ng pagbabago.

Hindi na ako si Jea Fay Won na kilala nila bilang isang magaling na Black Belter.

Ako na si Jea Fay Won na hindi na nila kilala ang pagkatao. Isang 18 years old. Isang Queen of Assasin na pumapatay ng wala naman kasalanan sakin. Isang babaeng minsan nang tinapon ang buhay. Malamang sa malamang, marami nang gustong pumatay sakin.

Marami nang gustong mawala ako sa mundong 'to. Ang dami ko nang nagawan ng kasalanan. Pakiramdam ko, napaka dumi kong tao. Napaka sama kong tao. Hays..

Umakyat pa ako sa itaas at pumasok sa kwarto ko.

Napapaluha ako ng makitang walang kahit anong pagbabago sa kwarto ko. Iyon at iyon pa din ang itsura.

Lumapit ako sa study table ko kung saan nandoon ang family picture namin.

Ang saya pa namin dito. Sobra. Tuluyan nang tumulo ang luha ko.

"Desisyon ko naman na lumayo sa inyo, e. Desisyon ko naman na kalimutan kayo. Pero.. masakit.. miss na miss ko na kayo.. sobra.." Habang hinihimas ko ang picture at niyakap ito.

Pagkatapos non, naglinis linis na ako. Baka mamaya, sabihin nila nagpapasarap lang ako. Tss.

Hanggang sa natapos na kong maglinis, itinapon ko na ang mga kalat.

Pero natigil ako nung tumunog ang door bell. Bumaba ako at lumabas. Pagkakita ko, si Xyrix pala.

Lumapit ako at binuksan ang gate.

"Xyrix? Wala na sila dito, e. Pumasok na si Ma'am Jea kasama ang parents niya." Sabi ko.

Ngumiti naman siya sakin.

Hindi siya nagsasalita. Anong problema nito?

"Uh? Xyrix?"

Natauhan siya nung binanggit ko ulit ang pangalan niya.

"Ay. Pasensya na, may naalala lang ako. Umalis na sila?"

Paulit ulit? -_-

"Yeah.." Iyon na lang ang nasagot ko.

"Uhm, pwedeng pumasok?" Sabi niya.

Nagtaka naman ako. Ba't siya papasok? Anong gagawin niya dito?

Siguro napansin niyang nagtataka ako kaya nagsalita siya ulit.

"Don't worry, wala akong gagawin sayo. Magkikita kami dapat ni Jea. So, hihintayin ko na lang siya dito. Mamayang lunch kasi pauwi na siya, e."

Napatango tango na lang ako.

"Ah, sige. Pasok ka." Nakangiti kong sabi.

Nung makapasok na kami, naupo siya sa may sofa.

"Xyrix, gusto mo bang kumain?" Alok ko. Baka kasi di pa siya kumakain.

"Uhm, hindi na. Busog pa ko, e. May gagawin ka pa ba?"

"Wala na. Tapos na ko sa lahat." Sagot ko.

Lumakad ako at naupo sa harap niya.

"Ahh. Nasaan nga pala ang nga magulang mo? Kapatid?" Sabi ni Xyrix.

"Wa-wala na." Iyon na lang ang naisagot ko.

"Nasaan?" Tanong niya.

"Hindi ko alam. Ah, wait lang. Pupunta muna ako sa kusina, titignan ko kung anong pwedeng mailuto mamaya pagdating nila." Nawawalan tuloy ako ng gana.

Nakaka-ilang kasi kapag nagtatanong siya ng ganon. Wush! -_-

Lumakad na ako sa kusina.

Ano kayang lulutuin ko? Wala naman akong alam na lutuin. Ugh. -_-

Isip, Jea! Isip! Nabuhay ka nga sa isang taon nang mag isa, e. :3

Nag iisip ako nang may biglang pumasok sa isip ko..

*FLASHBACK*

"Anong lulutuin natin, Shai?"

"Adobo."

*END OF FLASHBACK*

"Adobo!"

Hinanda ko na lahat ng mga ingredients na gagamitin.

_            _           _            _

XYRIX'S POV

Tagal niya. Ano kayang niluluto nun?

Lumakad na ako at pumunta sa kitchen. I saw her na nag gagayat ng kung ano.

What is she cooking? -_-

"Hindi ko alam na marunong ka palang magluto." Nagulat ata siya.

"Awww!" Nakita ko na nahiwa ang daliri niya kaya nilapitan ko kaagad siya.

"Im sorry. Akin na." Nilapit ko sa lababo at hinugasan ang sugat niya.

Pagkatapos, ginamit ko iyon.

Yung mukha naman niya parang mangangain. Galit na galit. Napapatawa tuloy ako. Pero syempre, pinipigilan ko. Wahahaha!

"Sorry ha.." Sabi ko.

"Sa susunod, magpasabi ka na nandoon ka. Para di ako nabibigla sa biglaang pagdating mo! Oh, di kaya naman, wag ka nang sumulpot! Para di ako nagugulo!" Then she left.

Nabigla ako. What's with her? Parang iba na yung sinabi niya. Kaya sinundan ko siya.

"Ey, what do you mean?" Sabi ko habang habol habol ko siya.

"Nothing!" Hanggang sa nakarating kami sa kitchen.

"May problema ka ba sakin?"

Tumingin siya sakin.

Deretsong deretso.

Walang emosyon.

Napakalamig.

"Problema? Marami." Tapos umalis na siya.

FAY...

TFGAM 2: Five Gangster's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon