Seven Point One *7.1

33 1 0
                                    

Kinabukasan ......

"Good Morning!"

Masiglang bati sakin ni Josh. Anong ginagawa nya dito? Ang aga naman nyang mambulabog.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Masama bang sunduin ka pre?"

HAHA na lang, nakaTrip nga sya! =)))

"Inayos mo na ba yung mga gamit mo hijo?"

Sabi ni Nanay Stella habang inaayos ang hapag-kainan para sa agahan namin.

"Bakit po Nay? Para saan po yun?"

"Inosente effect ka pa. Uy kain na tayo! Gutom na ko eh."

Sabay hila ni Josh sa upuan para kumain na.

"Ano nga yon?"

"Diba hijo mangungupahan kayo ni Josh?"

Biglang sabi ni Nanay sakin habang inaabot kay Josh ang punduhan ng kanin.

"Ahh?? Yun po? Ay oo nga po pala. Nawala sa isip ko eh. Sige teka lang at mag iimpake na ko."

"Sige bilisan mo para makasabay kana sa amin."

"Opo Nay."

Bago ako umalis patungo sa kwarto ko ibinaling ko muna ang tingin ko kay Josh. Ang busy nyang kumakain puno pa ang bibig nya ng kanin.

NagSmile na lang ako at biglang umalis kahit mejo naweirdohan si Nanay Stella sakin.

"Ano pa bang kulang? Wala na ata. Pwede na to."

Tapos na kong nag alsabalutan kaya bumaba na ko para makasabay sakanila.

"Halika na dito hijo."

Yaya sakin ni Nanay. Walang pakelam si Josh sa usapan namin ni Nanay, mahilig kasi syang sumabat kaya nanibago ako sa kilos nya. Kumakain parin sya at napakaFocus nya. Haha! =D

"Osige po Nanay ni Derc mauna na po kami. SALAMAT po."

"Walang anuman basta mag-iingat kayo ha? Oh ikaw naman Deric umuwi ka tuwing sabado't linggo."

"Opo Nay. Mag-iingat din po kayo dito."

"Tara na Derc?"

"Mauna na po kami Nay."

Nagmano na kami ni Josh at saka umalis. Hindi naman karamihan ang dinala naming mga damit ni Josh kaya hindi kami mukhang luluwas ng probinsya.

"Sure ka ba talaga pare na pumayag na si Tita Olivia na tumira tayo sa bahay nyo dun?"

Si Tita Olivia ang Nanay ni Josh. Mabait naman kaso may pagkaPrangka lang. Naalala ko tuloy nung Grade4 kami ni Josh may bumu-Bully sakanya, kaya nung nagsumbong si Josh kay Tita Olivia sumugod ito at nagIskandalo sa principal office. Talagang pinoprotektahan niya ang anak nya kaya naman mahirap awayin si Josh dahil si Tita Olivia ang makakaharap mo =)))) Dahil nga naging Close at MagBest Friend kami ni Josh naging malapit na rin ako kay Tita.

"Oo naman no! Malakas ako dun eh."

Biglang sagot nya sa tanong ko kaya bumalik ang isip ko sa pag-uusap namin.

"Adik syempre Nanay mo yun."

"Ba lahat ba nang magNanay close?"

"Sabagay."

Sumakay na kami sa Bus ni Josh, Lumiliwanag na ang paligid. Naisipan ko munang matulog para may lakas ako mamaya.

MEANT TO BE (On Hold♥)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon