*Tsk tsk tsk Boys...*
Sophie
Another day nanaman sana naman hindi na ko makasalubong ng clown sa corridoor ng ganto kaaga nakakasira lang kasi ng araw eh. Saan kaya makapunta???
"Sophie!" may biglang sumigaw.
Hinanap ko lingon ako ng lingon kung saan nagaling yung sigaw...
"Sa likod mo" may bigla namang bumulong sakin.
Pagharap ko si-si-si Ian?
"Tinakot mo ko dun ah. Kala ko minumulto na ko! Whoo! Teka bakit mo nga pala ko tinawag?" tanong ko sa kanya.
"Nagkita ba kayo ni Carl kahapon?" tanong nya naman sakin.
"Oo bakit mo naman natanong?" tanong ko ulit.
"May sinabi ba sya sayo?" tanong nya ulit.
"Ahm oo may naitanong nga sya sakin eh" sagot ko habang naglalakad kami.
"Ano kung pwede nya daw ba kong makasabay na ku-" hindi ko na naituloy yung sinasabi ko kasi biglang may umakbay sakin.
"Hi Sope" sabi nya habang nakaakbay sakin.
"Matt anong ginagawa mo dito?" cold na tanong ni Ian.
"Bro ala napadaan lang ako dito" sagot nya habang nakaakbay pa rin sakin.
"Ganun ba nasaan yung iba?" tanong naman ni Ian.
"Andun sila sa tambayan natin" sagot nya.
"Maiba ko bakit kayo magkasama? Nagdedate kayo noh? Kayo ha hindi nyo man lang kami sinabihan ng nakapag han-" kinut na sya ni Ian.
"Matt... hindi kami nagdedate walang namamagitan samin magkaibigan lang kami" sabi ni Ian.
"PERIOD!" dagdag ko.
"Okay okay" sabi nya sabay taas ng dalawang kamay.
"Tara na nandito na lang din tayong tatlo dumiretso na tayo sa tambayan" cold na sabi ni Ian ulit.
Nakakapika naman kasi tong si Matt eh bigla bigla na lang mag sasalita ng mga imposibleng salita.
Ian
Talaga namam oh! Kahit kailan talaga laging may hadlang! Malalaman ko na ba naman kung ano yung tinanong ni Carl kay Sophie eh. Tsk pambihira kasing Matt na to eh!
Nagtataka siguro kayo kung bakit ko gustong malaman noh? Kasi pinapatanong ni Rae kung dumadamoves na si Carl kasi type din ni Rae si Sophie torpe lang kaya ayaw magtapat. Pati nga si Gelo type nya rin si Sophie hayy hindi ko nga alam kung anong gagawin ko eh mga katropa ko pa man din sila kaya lang hindi ko naman alam kung sino sa kanila ang susuportahan ko lahat naman sila best friend ko. Buti nga si Matt hindi nya type si Sophie eh ay may nakalimutan pa pala ko pati pala si vic type nya rin si Sophie. Grabe ang lakas ng tama nila kay Sophie! Kaya lang hindi naman nila alam kung sinong type ni Sophie. Maski si Matt na lagi nyang kasama hindi rin alam kung sino ba gusto nung si Sophie tanging si Natalie lang ang nakakaalam.
Carl
Ano ba yan nasaan na kaya si Sophie? Sabi ko sabay kaming magmemeryenda eh pumayag naman sya pero bakit wala pa sya? To namang mga tropa ko eto nakatanga nainip na siguro yung isa lumayas na eh. Teka bakit si Brian wala pa? Dapat kanina pa andito yun ah. Saan naman kaya nagpunta yun? Eh wala naman syang ibang kasama? Eh si Matt kaya nasaan naman kaya yung loko na yun? Kung sabagay kahit saan makarating yun basta may manglilibre sa kanya no problem.
BINABASA MO ANG
The Heart Breakers and I
FantasyMy isang babaeng simple, bookworm, walang hilig sa fashion kahit nga mag ayos ng buhok ayaw eh basta natural lang. Sya si Sophie isang babaeng nangarap na maging isang professional balang araw. Hanggang sa nakilala nya ang sikat na sikat na grupo ng...