WALA PA AKONG MAISIP :D

143 1 1
                                    

*Try lang to ah, sorry kung pangit pa. haha Promise sinubukan kong wag masyadong laliman yung tagalog para sa mga estudyante kong nangungulit na magpost ako ng gawa ko rito.

----------------------------------------------------------------

“Simula, Gitna, Wakas” alam ko namang alam nating lahat na kailangan ang tatlong yan sa pagsulat ng kwento. Paniguradong kapag nabasa ito ng guro niyo sa Filipino ay mapapagalitan ako dahil ang kwento kong ito ay walang simula… (marahil ay tila pag-ibig may mga pagkakataong alam nalang nating nangyayari na, pero ‘di natin alam kung paano nga ba nagsimula)

“Minsan, sa kagustuhan ng tao na mahawakan ang kanyang mahal ay lalo niya itong itinutulak palayo.” – Desaparesidos ni Lualhati Bautista, “Me quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig, isa lang ang magiging maligaya. Ang iba, iibig sa ‘di sila iniibig o iibig nang ‘di natututo. O iibig sa wala. O ‘di iibig kailanman.” –Para Kay B ni Ricky Lee, “Ang taos at tunay na pagmamahal ay hindi natatapos sa kabila ng pagtatalusira. Manapa’y lalong tumitingkad iyon. Lalong umuunawa’t sa pagkaunawa’y ipinagpapatuloy ang pagmamahal. Ngunit sa lalo sigurong malawak na kahulugan nito.. pagmamahal na walang pag-iimbot, pagnanasa; pagmamahal na wala sa pagtanggap kundi nasa pagbibigay.” – Ang Tundo Man May Langit Din ni Andres Cristobal Cruz.

Medyo naiinis na ako dahil halos 30 minutes na akong nakaupo rito sa compshop, ‘yang introduction palang ng talambuhay ko ang nagagawa ko. Kung bakit ba naman kasi ngayon pa nasira yung laptop ko eh! Isa pa naman sa pinakaayaw kong bagay sa mundo ay ang magtype sa isang computer shop dahil nabubwisit ako sa mga lalakeng ‘di ko alam kung talaga bang masaya sa paglalaro ng DOTA pero puro naman pagmumura ang ginagawa, alam mo yung parang bawat click o bawat move ng character nila eh nagmumura sila? Nga pala “trashtalk” daw ang tawag nila run. Kaunting-kaunti na nga lang ang pasensyang natitira sa pagkatao ko nang may pumasok pang maingay na ate. Todo ang bati niya sa mga naglalarong boys. Syempre dahil nga abala ako sa isang importanteng bagay, palihim ko na silang sinisigawan sa isip ko nang bigla kong marinig ang pinag-uusapan nila (na parang sinasadya naman nilang iparinig sa iba, tsk!).

Boy1: Oy, alam mo bang may crush yang kaibigan mo rito? Ngingisi-ngising sambit nung kuyang nagbabantay sa compshop. Impeyrnes! Cute nga siya.. kaya naku pag nakikita siya nung kaibigan ko inihahanda ko na ang sarili ko mula sa pangungurot niya dahil sa kilig.

Girl (na maingay at ‘di ko sure kung dapat ko bang tawaging malandi. HARHAR!): Oh talaga? Sino diyan? Sino?  Maarteng sabi nitong si ate habang dumidikit-dikit dun sa kuyang inaasar ni Boy1. ‘Di ko gaanong makita yung mukha niya, nakatalikod kasi siya sa’kin. Sayang! Gusto ko pa namang makita yung reaksyon niya. ‘Di naman sa feeling ko ako yung crush niya noh! Gusto ko lang makita kung namumula ba siya o nahihiya kasi kapag ganun aba sureness na may gusto nga siya run sa babaeng sinasabi nila.

Boy2 (si kuyang may crush ^__^) : Pst! Oy pare, ingay mo naman eh! Chill niyang sabi. Dinig ko naman sa tono ng pananalita niya na ‘di siya napipikon sa pang-aasar sa kanya ng mga DOTA boys. Mmm, parang ang ganda ng likod ni kuya…napansin ko lang naman. Sana humarap siya para makita ko naman yung mukha niya. ‘Di ko namalayang pati ako ay naging interesado na rin sa kung sino nga ba yung crush niya. :)))))

Hay nako Sam, sige ngayon mo paandarin yang pagkachismosa mo para ‘di mo talaga matapos yang ginagawa mo at mamulubi ka dahil sa babayaran mong oras sa computer shop! Umm, ‘di yung nanay ko ang nagsabi niyan, mula yan sa ever helpful at mataray kong subconscious. Bongga niya noh? Minsan nga lang nakakairita! Promise magpapatuloy na dapat ako sa pagtatype nang bigla kong marinig yung sinabi nilang ayan oh, yang babaeng nakawhite shirt”. Alam ko namang maganda talaga ako pag bagong gising sa gabi eh. HAHAHA Pero as in seryoso sila? Ako ba talaga yung crush ni Kuya? Naka white shirt kaya ako, pero siguro naman ‘di lang ako yung nakaputi diba? Gulay! Buti nalang at nakatalikod ako sa kanila dahil paniguradong mamumula ako (kahit ‘di naman mahahalata sa kulay ko).

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 07, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WALA PA AKONG MAISIP :DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon