<5>

5.6K 31 6
                                    

VOTE | LIKE | COMMENT | SHARE | TWEET | PIN IT | BE A FAN/FRIEND TALK TO MEH :-) 

==========================================================

TAMMY'S POV 

Sabado. Ngayon. Nganga. Weekend.

Dapat kasi ngayon nag sasaya ako,  natutulog o iinom ng milk tea at manunuod ng movie. Pero eto ako ngayon, gising na gising at naka higa sa sahig ng kwarto ko. Ang lambot talaga nitong carpet nato. Gusto kong matulog, pero hindi talaga kami magkasundo ng katawan at utak ko. 

Gusto kong lumabas. Okay. 

| Create New Message | 

Hello Ella, Patrick, Tikoy at Britney. Hello. Tara't gumala. Tara. Oo? Walang hi-hindi alam kong mayayaman kayo kaya 'di kayo tatanggi. Mabuti? Mabuti. 

Sending. Sending. Bakit ba ang bagal nito?  Sending. Sending. Sent!  

Baka naman makaka tulog na ako sa pag hihintay sa text nila ano? Pa-VIP din tong mga 'to eh. Pero syempre, 'di ata nila ako papatulugin, sunod sunod sila e. 

New Message Recieved

From : Ella <3

Sige, sige. Bluegre ha, 2PM! 

From : Patrick  

Sure, Bluegre katulad ng sabi ni Ella. ;D

From : Tikoy 

Yes ma'am! Mangungutang nalang muna ako. Bluegre daw, sabi ni Ella eh. 

From: Britney

Hay salamat naman at may magagawa! Sa'n tayo meet up? :) 

Unfair people are unfair. Si Patrick at Tikoy alam na agad kung anong tinext ni Ella? Tapos si Britney walang ka malay malay? Hahaha. Loko, may naaamoy ako. 

New Message Received

From: Britney

Ah okay okay ako lang ata walang alam nito. Haha, See you sa Bluegre! :) 

 

So nag reply ako ng "Sige, kayo po ang masusunod. Bluegre. See you. xx" Tinatamad naman akong tumayo para mag shower. Hay nako, lubayan mo ako katamaran, mapanukso ka. 

Quarter to one ko nahila ang sarili kong katawan para tumayo at itulak ang sarili sa loob ng CR. Leche, ito talaga ang mahirap pag tinatamaan ako ng katamaran. Napaka lala. I mean, having a lazy ass doesn't make me feel right as a girl. 


Natapos ang misyon ko sa CR ng walang ka buhay buhay. Bumaba ako para kumain, ang saya naman kumain ng mag isa. Ayos yon. (Sarcasm included o well) Bumalik ako sa kwarto para mag hanap ng masusuot, ay nako, perks of being a girl. We do always have the confusion in deciding what to wear. Kahit simpleng lakad, dapat ganito ganyan. Nasa dugo ata namin 'yan, nakakainis rin paminsan eh. 

BAKIT BA AKO NAIINIS SA PAGIGING BABAE KO. Actually all I want to say ay nag palit na ako ng panlakad nang nag text si Tikoy na papunta na siya. Ang dami kong satsat. 

 

PATRICK'S POV

Bakit ba ang mga babae pinag hihintay nila ang mga lalake? Ganun ba talaga dapat? Pag may lakad may karapatan na silang mag tagal at kaming mga lalake walang karapatan na mahuli, at kailangan talagang kami ang mauuna sa lugar kung sa'n mag kikita-kita? Oo, pati si Tikoy. Leche, parang babae din 'yun, ang tagal tagal. Kanina pa yun nag text na papunta na siya ah. 

You're the ONLY ONE (KathNiel ) -HIATUS-Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang