Part 3.

51 0 0
                                    

Ang experience na ito ay kwento sakin ng isa sa malapit na kaibigan ni papa. Tawagin nalang natin siyang si Bong.

Fiesta sa kalapit na barangay noon. At dahil malapit lang naman at marami siyang kaibigan sa lugar na iyon. Pumunta siya, at don na kumain ng pananghalian syempre tuwing may mga salo-salo hindi talaga maiwasan ang mag inuman pagsapit ng hapon.

Haka-haka na sa amin na mga kalapit baryo ng lugar na halos kalahati ng populasyon ng barangay ay mga Aswang.

Ngunit hindi ito nakaapekto kay Bong upang hindi pumunta. May tiwala din naman siya sa bahay ng kaibigan na pupuntahan.

Hapon na ng magsimula silang mag-inuman napasarap sila ng kwentuhan at tagay ng mga kaibigan niya hanggang sumapit na ang gabi.

Mag hahatinggabi na siguro ng umuwi si Bong. Dala ng kalasingan pasuray-suray ang lakad nito. Kahit lasing ay napansin niyang parang may sumusunod sa kanya. At parang biglang nagtindigan ang buhok niya sa ulo ramdam niya ang presensya ng nilalang.

Nang makalapit na sa bahay nila ay bigla siyang sinunggaban nito. At hindi siya nagkamali inaatake siya ng isang Aswang. Bigla nawala ang espiritu ng alak dahil sa sobrang takot niya dito.

Mahaba ang buhok na magulo, nanlilisik ang nagbabagang mga mata nito at may madulas na katawan.

Sinikap niyang makalapit sa kanilang bintana dahil mayroon siyang pang karet sa palay doon.(garab in ilonggo).

Nang makuha niya ito ay hiniwa niya ang mapangahas na Aswang sa leeg. Labis itong nasaktan at tumakbo na papalayo.

Kinaumagahan may narinig nalang si Bong na balita na may namatay na babae sa kalapit na barangay kung saan naganap ang fiesta kahapon. At alam ni Bong na iyon ang Aswang na nakasagupa niya ng gabi ring iyon.

Hanggang sa ngayon kilala pa rin ang Baryong ito na baryo ng mga Aswang. Kaya nga tuwing fiesta hindi kami pumupunta doon. Huwag kayong basta-basta magtiwala at sumama agad sa bagong kilalang kaibigan. Malay niyo doon pala nakatira ito. Ingat!.

Mga Totoong Kwento Ng KababalaghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon