Meet the Casanovas

38 1 0
                                    

Jane's POV

Ako si Jane Guazon isang anak ng baker, kada umaga nag dedeliver ako ng mga cupcakes sa mga suki namin mapa malayo o malapit man at ngayong araw oras na para magdeliver.

Nandito ako ngayon papasok sa SERPENT HIGH ang School ng mga mayayaman sa pilipinas, excited na sana akong pumasok ng biglang tanungin ako ng guard

" miss, sa'n ka pupunta?" Tanong niya

" ma-magdedeliver lang po kuya ng mga cupcakes." Sagot ko

" kanino!?" Pataray nyang tanong

" (aissh..) kay Lucas.. Lucas Martinez po."

" Sige ."

" pu-pwede.. Na po? Pwede ng pumasok" tanong ko na nagdadalawang isip

"Ayaw mo."

" ayy! Hindi! Hindi.. Papasok po ako .. Kailangan Kong ideliver to, salamat po"

Sa Loob ng school.

( wow..) Ang laki ng school parang isang mansyon na ginawang school at sa paglilibot napunta ako sa may malaking Canteen na ang nagseserve ay mga chef ng mga ibat ibang bansa na nagluluto ng pagkaing pang mayaman. Nang biglang may lalaking sumigaw

" Si Lucas!! Lucas! Martinez! Magpapakamatay!!"

"Ano seryoso ba yan??" Tanong ng isang babae habang ang iba ay nagkakagulo na at naguunahan

" Oo, nasa may rooftop siya"

Nang biglang sumagi sa isip ko na may idedeliver pa pala ako.. At kay mister " Lu-lucas?? Lucas!! Martinez " ( waaahh!! Hindi to pwede) dali-dali akong umakyat papuntang rooftop dala-dala ang four boxes of cupcakes at nakita ko sya, siya nga ba nakatalikod kasi siya at nasa O MY GOD!

" Eto ba ang gusto nyong makita?! Ang gusto nyong mangyari!! Pwes, eto na! Sawang sawa na din naman nako eii, hindi to eskwelahan!! isa tong impyerno sa ibabaw ng lupa!!" At nang magbalak na syang tumalon..

"Huuwaaag!!!" May bigla nalang sumigaw at tumulong sa lalake

Pakiramdam ko lahat ng tao nakatingin sakin hindi ko alam kung bakit pag dilat ko hawak ko si Lucas Martinez. Di Ko alam ang nangyari basta ang balita sikat na daw ako.

Pagkatapos ng nangyari inihatid nako sa labasan ni lucas saglit kaming nagusap at tinanong ko kung bakit nya nagawang magpakamatay..

" bakit ka nga pala magpapakamatay at bakit ka may sugat at pasa?" Tanong ko

" dahil ayoko ng mag-aral sa impyernong ito."

"Impyerno?" Tanong ko ulit

" Ang F4."

"Huh, F.. Ano?"

"F4, sila ang may gawa."

" eii bakit mo naman hinayaan?! Bat dika lumaban!?,ano kaba? Kung ako yun binugbog ko din sila, SILANG LAHAT!!"

" ( hahaha ) swerte ng mga kaibigan mo sayo, dahil anjan ka na pwedeng magtanggol sa kanila .. "

"Hehe, ganun talaga kailangan sa buhay ang pagiging matapang o siya, Sige na aalis nako medyo marami pa din kasi akong idedeliver eii, ingat ka palagi huh"

Brat Boys BeyondWhere stories live. Discover now