CHAPTER 4- "Hero?"

17 2 0
                                    

Apple's POV


                Bakla naman pala ang lalaki na'to eh, ipinasok ko siya sa loob ng CR ng mga babae ini-lock ko muna yung pinto para walang makapasok.


"Hoy, gising!"



"Hoy!" ayaw paring magising.



"Hay naku onyok ng probinsyano, alam mo gwapo ka sana e kaso parang bakla ka naman."


                Kausap ko yung lalaking tulog, hinimatay kasi akala niya ay multo ako. Pero infairness ang gwapo niya talagang tingnan habang natutulog. 


                Napatingin ako dun sa ID nya , iba yung ID niya "St. John University?" so galing siya ng St. John, transferee student siguro to.


"Xyle Gonzales."  wow infairness ang gwapo niya sa ID nya ha, para siyang korean.


              Napatitig ulit ako sa kanya. Wow naman, emo yung buhok nya na may pagkacolor red at ang tangos ng ilong niya, at napaka-kissable ng lips niya.


            Hay naku, Crush ko na yata siya. Sana lang e di niya kaugali yung Light Chris Sanchez na yun. Aishh! nababadmood ako sa tuwing naaalala ko yung bakulaw na yun!




                Bago pa magising ang  lalaking to at mapagkamalan akong multo ay naghilamos muna ako. tinanggal ko yung salamin ko sa mata at nagsimula ng tanggalin yung makeup ko. Naalala ko tuloy yung ginawa ng tatlong babae kanina . Nilagyan kasi nila ako ng makeup akalain niyo gawin ba naman akong clown?


"Para na talaga akong clown sa itsura kon 'to."  kausap ko ang sarili ko sa salamin. 



"Ay...... hahay.... mmm....."   Napalingon ako dun sa bagong gising. Nang makita niya ako ay nanalaki ang mga mata niya.


"Sino ka?"


"Ako yung napagkamalan mong multo kanina."


"Teka, di ka ba talaga totoong multo?"


"Hindi nga ako multo!"


"E bakit mo ako hinawakan kanina at bakit ba ang lamig kanina ng kamay mo at tsaka bakit ganun nag itsura mo?" 


                        Hay naku onyok,  anong uunahin ko sa pagsagot?  Grabe naman kung makatanong to kailangan ba talagang saby-sabay?



"Okay, iisahin ko nalang sa pagsagot ang dami kasi ng tanong mo!"

The nerd become a princessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon