LyxenNaabutan ko si Papa na nagbabasa ng dyaryo samantalang nagluluto naman si Mama ng almusal sa may kusina.
"Tawagin mo na si Tri sa kabilang bahay ng sabay-sabay na tayong kumain. Gigisingin ko na si Lyndon." sabi ni Mama habang naghahain sya ng almusal sa lamesa.
"Wag na, Ma. Nagmamadali din poko ngayon eh. Marami pa po kaming tatapusin sa school. Bukas na po kasi yung school festival eh." Humalik na ako sa pisngi ni Mama para magpaalam.
"Sabay ba kayo ni Tri?" Tanong ni Papa, ang mga mata nya ay hindi pa rin umaalis sa binabasa.
"Opo, Papa." Sagot ko bago ko sya hinalikan sa pisngi.
"Mabuti naman. Di pa kami nag-uusap ni Tri ulit. Kailangang bantayan ka nyang maige at baka may makalagpas sa akin na manliligaw mo." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Papa, di ko pa nasasabi sa kanila ang pag-amin sakin ni Tri kahapon. At hindi ko alam kung kaya ko bang sabihin yon.
"Basta kung may manliligaw sayo, anak, sana kagaya ni Tri ang piliin mo. Yung mabait saka yung responsable." sagot ni mama na parang nangangarap pa.
"Kahit na. Dadaan muna sa butas ng karayom ang magiging boyfriend ng anak mo. Kahit sino pa syang poncio pilato."
Sasagot pa sana si mama ng narinig naming umingit ang gate namin na naging dahilan para kumabog ng husto ang puso ko.
May kumatok sa pintuan bago iniluwa non ang nakangiting si Tri.
"Good morning po, Tito! Good morning po, Tita!" masayang bati ni Tri sa mga magulang ko. At ng napatingin sya sa akin, tila ba lalong tumamis ang pagkakangiti nya.
Para bang lalong gumwapo sa paningin ko si Tri.
"Anong nangyari sa inyong dalawa? Nahipan ba kayo ng hangin?" Nagulat ako ng niyugyog ni mama ang balikat ko. Nakatulala pala kami ni Tri sa isa't isa.
"Sabi na nga ba eh! Kakapalipas nyo yan eh! Hala, maaga pa naman saka dala naman ni Tri yung sasakyan nya kaya mag-almusal muna kayo." sabi ni Papa.
"Di na Papa! Mahuhuli na kami. May gagawin pa po kami." Tinulak ko si Tri palabas ng bahay at kumaway na lang kina Mama at Papa. Mahirap na, siguradong mabubuko kami nina Mama kapag nagtagal pa kami.
"Hey. It's still early. Gusto mo drive-thru muna tayo? Ilang araw ka ng di kumakain on time." sita sa akin ni Tri ng nasa loob na kami ng sasakyan nya na lihim kong ikinatuwa ngunit mas nanaig na wag kong ipahalata.
"Okay." Tipid kong salita.
Nagdrive sya sa isang drive-thru ng fastfood chain at umorder ng pagkain. Inabot nya sakin yung mga pagkain at kumuha ako ng fries para subuan sya. No ketchup sa fries ang rule ni Tri di gaya ko na di makakain ng fries kapag walang ketchup.
Kinuha ni Tri yung shades nya sa dashboard dahil nasisinagan sya ng araw sa mata habang nagdadrive. Omg. Ngayon ko nakita na ang pogi pogi pogi ng kaibigan ko. Ooooppps, manliligaw na nga pala. Di ko namalayan na nakatitig na pala ako sa mukha nya.
"Quit staring at me. I might melt."
"Di ah. Sa bintana ako nakatingin." Defensive kong sagot.
"You're a bad liar, Lyx. Tumataas boses mo at lumalaki mata mo once na nag aalibi ka."
Mahirap magtago kay Dimitri Marius kapag ako ang concern. Kilalang kilala nya ako na para bang nakatingin sya Dali-dali kong ibinaling ang tingin ko sa paper bag na naglalaman ng mga inorder namin kanina. Kumuha ako ng fries at sinubuan sya tutal sya naman ang nagdadrive.
Nagulat na lang ako ng biglang kinagat ng pabiro ni Tri ang fries kasama ang daliri ko. Pinagpapalo ko sya sa sobrang gulat na naging dahilan para tumawa sya ng tumawa. Naiinis kong binigay sa kanya ng burger nya.

BINABASA MO ANG
My Best Friend's Girl (JaDine)
FanfictionMula sa simpleng paboritong kulay hanggang sa mga pinaka personal na problema, halos kilala at memoryado na nila ang isa't isa, kaya ng magsimulang magkaron ng pagbabago sa pagkakaibigan nila ni Tri, sinubukan lahat ni Lyx para pigilan ang nararamda...