'shinsa sunyeo.. yeorobun~'
Nagising ako sa ingay ng alarm ko. ugh, nagiging ayaw ko na tuloy yung kanta. Favorite ko pa naman. Pinilit kong abutin yung cellphone ko na nagaalarm mula sa bedside table. Pinatay ko yung alarm ko bago ako napahikab at nagtanggal ng muta. 5 am palang pero babangon nalang ako. bumangon na ako at nagsimulang mag-ayos dahil may pasok kami ngayon.
Ako nga pala si Luna Poles. Hindi poles na poste, it is read as /po-les/. yep. Junior highschool palang ako at kakalipat ko lang sa Westlife Academe.
Simple lang ako, singkit at katamtaman lang ang kaputian. Hindi ako habulin, sa katunayan, ako ang naghahabol. ang baboy lang eh no? bat ba. cute naman ako eh. yolo.
ayun, sa totoo lang may crushy ako. pangalan nya ay, Sky, Skyler Rivera. pangalan pa lang yummy na. pano pa kaya pag nakita nyo na? jusko, pati laman loob ko nagpapalpitate sa kapogian nya. landi ko lang. kumbaga sa kpop kahawig nya si Jungkook ng BTS. nakakaiyak lang. samahan mo pa ng katalinuhan at talents nya. Jackpot na talaga!
Pagdating ko sa school, tahimik akong umupo sa place ko at nilabas ko ang mini notebook ko para mag-doodle. Oo, hindi ako sikat. Isa lang akong nobody. Makapal lang mukha ko sa harap ng kaibigan ko.. Si Skyler. Ang gulo diba?
Habang nagdodrawing at pinagpapantasyahan ko si Skyler biglang may nagtakip ng mga mata ko. "trip mo nanaman ako, Sky" tumawa ang tao sa likod ko bago nya tinanggal ang kanyang mga kamay mula sa pagkakatakip nito sa aking mata at umupo sa tabi ko. "Sup." si Sky nga. "wala naman." nagkibit-balikat ako at tinignan sya. sumandal lang sya sa upuan. "gisingin mo nalang ako pag tapos na Math." at saka sya pumikit. Ang pogi oh, ganda ng umaga ko. Napangiti ako sa kalokohan ko bago ko sya niyugyog. "Oy wag ka matulog! kailangan natin mag-aral para may ipapakain ka sakin pag mag-asawa na tayo!" gumusing sya at pinitik noo ko, hinawakan ko yung parteng pinitik nya at napasimangot nalang ako. "pupunta nga pala ako mamaya sa doctor. papacheck-up ulit." sabi ko. "samahan na kita. kasama si tita? papalibre ako ng dinner." saka sya tumawa ng parang may masamang balak dahilan para batukan ko sya at ako naman ang tumawa. "baliw ka talaga."
Hindi masyadong sikat si Sky pero marami akong karibal sa kanya. Miyembro kasi sya ng band sa school namin, sya ang vocalist at composer.
Kung paano kami naging magkaibigan. Ganto kasi yan,
Nung first day ng school syempre wala akong kaibigan pa. Umupo ako sa pinakalikod, nangangapa palang kasi ako ng pwedeng kaibiganin. Pero hindi maalis yung mata ko sa lalaking nakaupo sa bandang gilid na nakasalpak ang earphones sa tenga. Parang may kumakantang mga anghel habang nakatingin ako sakanya. Napatingin sya sakin at nginitian ako. MYGAS! Pwede na akong tumalon sa bintana! Mas maliwanag pa sa kinabukasan ko yung ngiti nya! Saka lang ako nagising sa katotohanan ng namalayan ko na magkatinginan parin kami, sya parang natatawa na at ako naman.. NAKANGANGA. Ang sarap ibaon sarili ko sa lupa! Anong ginagawa ko sa buhay ko. Umiwas ako ng tingin at sinampal sarili ko sa isipan ko. Nakakahiya ako, ano ba yan.
Pagdating ng lunch break, meron kaming 1 hour and 30 minutes. Ako lang naiwan sa classroom kasi may baon ako. Pagtapos kong kainin yung baon ko, biglang may bumulong sakin. "boom nganga." bahagya akong napatalon sa upuan ko at lumingon sa bumulong sakin. Kailan ba matatapos kahihiyan ko! Yung fafable kanina yung taong bumulong sakin at ngayon nakaupo na sya sa tabi ko. Hindi ko namalayan na nakatingin lang ako sa kanya. nanaman. "Ako nga pala si Sky." ngumiti sya at nilapit ang kamay nya para makipag-shake hands. Tumingin ako sa kamay nya tapos sa kanya tapos sa kamay nya ulit bago ko dahan dahang nilapit yung akin. "Lu-luna." nagshake hands kami. "Luna? Parang moon?" tumango lang ako at napa-oh nalang sya.
At yon, doon kami nagsimulang mag-usap. Basically, sya yung tanong ng tanong nung una hanggang sa nasanay na akong hindi kinakabahan sa harap nya at kumapal ng kumapal na mukha ko.
BINABASA MO ANG
Remembering Nobody
RomanceMahirap magmahal.. lalo na kapag alam mo na hindi rin kayo magkakatuluyan. Mahirap ipagpilitan.. kasi alam mong walang magbabago. Mahirap makipag-laro sa tadhana.. dahil hindi mo alam kung ano ang maaaring mangyari sa huli. a/n: hello ehe okay first...