Chapter Five

541 10 1
                                    

MALAYO na si Ike sa entertainment room ay hindi pa rin maalis sa isip niya ang sinabi ni Jeremy kay Marione. Lingid sa kaalaman ng mga ito ay hindi muna siya umalis nang mapadaan siya kanina doon kaya narinig niya ang pinag-uusapan ng mga ito. Nababagabag siya sa sinabi ni Jeremy na kapag hindi niya pinansin si Marione ay liligawan nito ang dalaga. Yeah. So what?

Naiinis siya sa sarili niya dahil kahit hindi dapat, parang apektado siya sa sinabi ni Jeremy. Alam niyang wala siyang karapatan pero ayaw niya ang ideyang liligawan ng pinsan niya si Marione. Somehow, he felt possessive of her. Naiinis siya kapag nakikita niyang magkasama ito at si Jeremy.

Kagaya nalang kanina, masayang nagsasayawan ang mga ito. Kung siya ang kasama ni Marione noon, hindi siya makaka-relate sa mga ginagawa ng dalaga. Naiinis din siya kay Jeremy. Or mas tamang sabihing naiinggit siya dito dahil sa closeness nito kay Marione. In short, nagseselos siya.

Hindi niya alam kung kailan nag-iba ang nararamdaman niya para kay Marione. She had been special to him since the first time she met him. Ang akala niya noong una ay dahil lang iyon sa kamukha nito si Kathreen. Pero nalaman niyang iba pala ang nararamdaman niya para kay Marione nang makausap niya ito kahapon. When he talked to her the other night, he could feel that he was alive again.

Sa loob ng dalawang taon ay kahapon nalang niya uli nagawang tumawa. And it was all because of Marione. The sweet but crazy Marione.

Napadaan siya sa mga trabahador ng tiyahin niya na nag-iinuman. Mukhang magkakasiyahan ang mga ito. May mga nag-gigitara pa. Nang mapansin siya nang mga ito ay kinawayan siya ng mga ito.

“Sir Ike, tagay po tayo!”

Lumapit siya sa mga ito. Lambanog pala ang tinitira ng mga ito. Hindi niya pa nasusubukang uminom ng lambanog pero pinaunlakan niya ang mga ito.

“Sir, akala po namin, hindi niyo kami papansinin.”

He smiled at the good old men. Sandaling nanahimik ang mga ito. Mukhang hindi makapaniwala sa mga nakikita. “Bakit naman po?”

“Mukha po kasi kayong masungit, eh.”

“Ganoon ba?” he really needed to change his attitude. He had to smile more frequently.

“Bossing, alam mo bang ngayon ka lang namin nakitang ngumiti?” sabi ng nasa harapan niya.

“Boss, dahil ba 'yan doon sa magandang babaeng dumating dito kasama niyo?” Tanong ng may hawak na gitara. “Nakita ko po kasi kayo kagabi---” natutop nito ang bibig. Huli na ng mapansin nito ang sinasabi nito. Mukhang medyo may tama na ito kaya hindi na nito makontrol ang dila.

Nang maalala niya ang nangyari kagabi ay napangiti siya. Last night was the best night in his entire existence. Kagabi niya lang naranasang maging ganoon kasaya. At dahil lang iyon sa isang yakap ni Marione. Para siyang biglang naging ibang tao pagkatapos niyang mayakap si Marione. What was with her that made him fall hard for her just because of a hug? 

Nakailang shots na siya. Medyo nararamdaman niya na ang pagkahilo. Nakita niyang napadaan si Jeremy. Tinawag niya ito. “Jeremy, tumagay ka rin.” Aniya.

“Sure.” Umupo si Jeremy sa tabi niya.

Nakailang shots na ito at medyo hilo na rin. Hindi kasi sila sanay na uminom ng lambanog. Naging maingay na sila. Kung anu-ano na ang pinag-uusapan nila. Maya-maya ay napagtripan niyang makipagpaligasahan kay Jeremy.

“Jeremy, patibayan tayo. Patagalan na matumba. Kapag ikaw ang unang sumuko, bawal mong ligawan si Marione. Maliwanag?” sabi niya. Ewan niya ba kung anong espiritu ang sumapi sa kanya at nagiging madaldal na rin siya ngayon. Nakita niyang napangisi si Jeremy.

Journey To Your Heart [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon