Lakbay.
Hindi ko na kaya ang lamig, sa patuloy na pagpatak ng ulan, masiyado nang malalim. Kailan nga ba nagsimula ito? Nakalimutan ko na.Pinipilit kong matanggal ang lamig na aking nararamdaman, nagsindi ng apoy, nakailang beses na nga, nagsuot na rin ako ng makakapal na damit pero wala, hindi gumana, malamig pa rin. Bakit ba ganito?
Siyam na buwan.
Naalala ko na, nagsimula ito nang may mawala sa akin, isang importanteng bagay, isang mataas, manipis, at matibay na kawayan. Oo. Isang kawayan, ewan ko ba, basta ang alam ko importante ang kawayan na iyon kaya ayokong mawala ito. Iningatan kong mabuti ang kawayan. Bitbit ko lagi kung saan man ako magpunta, sa palaruan man, sa pag-uwi, sa pagpasok ng eskuwelahan, pati sa pagkain. Habang tumatagal mas nagiging importante sa akin ang kawayan. Dumami ang bitbit ko, nagdala ako ng inumin, nagsama rin ng aso. Kawayan sa kanang kamay at inumin naman sa kaliwa habang nasa gilid ko yung aso. Masaya. Maraming natutunan bitbit ang mga ito kaagapay ang aso. Sa mga panahong iyon tirik ang araw, walang lamig kang mararamdaman. Tahimik. Hanggang isang araw, sa aking paggising nawala ang kawayan. Hindi ko alam kung papaano, maraming tanong sa aking isip.
Lumamig. Nagsimula nang lumamig ang aking pakiramdam, sa isang banda unti-unti na rin palang nauubos ang aking inumin. Nawala na rin ang aso na kaagapay ko. Naglaho parang bula. Nagsimula nang umulan. Naghintay ako, baka kasi bumalik ang aso bitbit ang kawayan, kaso wala. Kaya naman ako'y naglakbay, hinanap ko ito, kahit walang tigil ang malakas na buhos ng ulan patuloy pa rin ako sa paghahanap. Sa aking paghahanap, nagbitbit ako ng Tsokolate at Baynilya. Nakapulot din ako ng mga perlas, iba't-ibang kulay at laki, sa paniniwala ko suwerte to, kahit ayon sa karamihan walang suwerte sa mundo, ginawa ko tong kwintas. Nagpatuloy ako sa paglalakbay. Iniisip ko na mahahanap ko ang kawayan.
Sa patuloy kong paglalakbay bitbit ang Tsokolate, Banilya at ang kwintas gawa sa perlas, humina ang ulan. Humina ito na kung tawagin natin ay ambon. Hindi na rin madilim, may sikat na nang araw akong natatanaw. Sa kabilang dako, ang lamig na aking nararamdaman ay nabawasan. Tuloy lang ako, pinaniniwalaan kong babalik rin ang mga ito, ang aking kaagapay at mga bitbit ko sa ulan.
Note: Wala kwenta no?! HAHAHHAH XD
BINABASA MO ANG
Bitbit Sa Ulan
RandomWell Sanaysay ko ito nung Grade 10 kami, at sabi sa akin ng kaklase ko ay i-post ko raw so ito ginagawa ko XD. Wala akong talent sa mga ganitong klaseng bagay basta ito basahin niyo na lang. :D