Noong bata pa ako, favorite ko ang lollipop. Naalala ko pa n'on. Bungi bungi ang ngipin ko sa harap. At madalas ang tawag saakin ay 'Alice Bungisngis' pero pasalamat na lang talaga ako at tumubo pa ng maayos ang mga ngipin ko dahil kung mag kataon mag dudusa ako sa pustiso. Noong bata 'din ako mahilig kami sa mga manika na gawa sa papel or in short paper dolls. Yung tig pipiso ang presyo na may design na barbie, dora, o kaya kung ano ang uso na palabas noon. Nakikipag away pa ako n'on sa mga kaibigan ko pag nawawala ang damit ng paper doll ko. Natatawa na lang ako pag binabalikan ko ang alaala. Pero may isang bagay talaga na mula noon at hanggang ngayon ay hindi ko malilimutan. Ang tree house. D'un ang tambayan naming mag kakaibigan n'on. Pag 'di ka crush ng crush mo n'ong mga grade 3 ay big deal. Pagka napagalitan ka ng teacher mo, pag dika nakagawa ng assignments, at marami pa na iba. 'Yung tree house na y'un ay parang bahay na namin. D'un din kami nag s-sleep over pag bakasyon o kaya'y walang pasok. D'un kami dumidiretso pag napapagalitan o napapalo kami ng mga nanay at tatay namin sa puwit.
"Alice! Halika na!" Tawag saakin ni Joy. Isa sa mga kababata ko n'on at kaibigan ko padin hanggang ngayon. Isa siya saaming lima na mag ka-kaibigan. Isinuot ko ang bag pack ko at tumakbo papalapit sa direction niya. Pupunta kami ngayon sa tree house! Namiss ko y'un! Ilang taon na ba kami na hindi nakapunta d'un? Dalawang taon na ata n'ung huling beses na kami umakyat d'un. 4th year highschool pa ako n'on. Bago umalis si Kit, pero ngayon bumalik na siya galing amerika. Panigurado pumuti lalo yun! Ikaw ba naman ang laging naka-aircon. Si Kit ang pinakamayaman sa aming lima. Sa totoo lang ako ang pinaka mahirap.
"Ready kana ba makita si Kit? Dahil ako? Kanina pa!" Puno ng energy na sinabi ni Joy. Ngumiti ako at hinawakan ang kamay niya. Binitiwan ko ito at pinauna ko na siyang umakyat sa tree house. Sumunod na ako na umakyat sa kaniya. Matunog ang bawat pag hakbang namin. Halatang kumunat ang mga kahoy dahil sa tagal. Ang mga designs na nasa dingding ay nag fade na. Pero ang round table at five chairs ay buo at malinis na. Pero ang nakagugulantang sa lahat ay...
"Kit! Anong nangyari sayo?!" Bungad ko. Ibinagsak ko sa gilid ang bag pack ko at lumapit sa kaniya. Niyakap niya ako at humagulgol siya napaiyak na din ako. Lumapit si Joy at umupo sa upuan katabi ni Kit. "Kit.." Bulong ko. Hindi ko inaasahan na ganito ang Kit na bubungad saakin. Ang Kit na kilala ko n'on ay ganito na. Ganito ba ang plano ng kapalaran saakin? Saamin? Saaming mag kakaibigan?
"Bakit buntis ka? Gosh! Seventeen ka lang?!" Bulyaw ni Joy. Umiling ng umiling si Kit. Tumingin si Joy saakin. Halatang naiinis s'ya sa nakikita niya. Nabwibwisit siya dahil sa kapusukan ni Kit sa buhay. "Kaya ba umuwi? Kaya ka bumalik?" Tanong ko. Tumango siya. Tumulo na naman ang mga luha ko. Hindi pala para saamin ni Joy siya bumalik. Bumalik siya sa pinas dahil sa batang dinadala niya. Nalulungkot ako dahil napariwara siya. After two years ito ang ibabalandra niya saamin. Ang malaki n'yang tiyan na may lamang bata.
"Sino ang ama?" Matigas na tanong ni Joy. "Si Harry. 'Yung boyfriend ko sa states." Sagot naman ni Kit. Garalgal ang boses niya. Siguro ay nasa anim na buwan na ang bata sa tiyan niya. Sana umuwi siya para saamin. Hindi para lang sa bata. We expected na isang sexy na Kit ang bubungad saamin. Bago kasi siya umalis sa pinas ay isa siyang sikat na model pero ngayon? Sira na ang buhay niya, sirang sira. Tumayo si Joy. Sinamaan niya ng tingin si Kit at sinampal ito. Wala akong nagawa para kay Kit. Galit na galit si Joy at walang makapipigil sa kaniya.
"Sana bago ka lumandi, sana inisip mo ang edad mo. Ghad, kadiri ka! Alam mo? Isa kang pokpok. Wala kang ipinagkaiba sa mga babaeng hinuhusgahan mo n'on! I hate you! Ang landi mo!" Umalis si Joy. Bumaba na siya mula sa tree house. Dati rati ay lagi niyang hinuhusgahan ang mga babae na maagang nabubuntis. Kesho malandi daw, maagang nag pagalaw, walang guide ng parents, at mahirap. Dahil isa din ako na mahirap nasasaktan ako sa sinasabi niya n'on pero nasanay na din ako kalaunan.
"Sorry ah? Bye Kit. Take care. Susundan ko lang si Joy." Tumayo na ako at kinuha ang bag pack ko. Humahangos ako na bumaba ng tree house. Mas importante si Joy kaysa kay Kit ngayon. Si Joy lang ang taong kasama ko sa loob ng dalawang taon. Tinakbo ang distans'ya ng tree house papuntang play ground. 'Yun lang ang unang lugar na pwedeng puntahan ni Joy.
"Joy.. Joy... Asa'n kana ba?" Patuloy pa'din akong tumaktabo papuntang play ground sa village. Dumidilim na ang paligid. Sa tingin ko ay nasa 6pm na. Kailangan na namin umuwi ni Joy. "Joy! Grabe ah, ba't ka ba umalis?" Tinapik ko ang balikat niya. Humarap s'ya saakin. Mugto ang dalawang mata. "Ba't gan'on? Si Kit, bakit bumalik s'ya para sa bata at hindi para sa'tin? Sana 'di na lang s'ya bumalik." Niyakap ko si Joy.
Gan'on ba talaga kapusok ang mga kabataan na tulad ko? Napapariwara ang buhay dahil sa buhay na nakasanayan. Wala silang tamang pag iisip. Nakakalungkot man, pero ito ang totoo. Ito ang kinahaharap ng lipunan at early pregnancy. Sayang na sayang ang murang buhay nila. "Hindi naman n'ya ginusto 'yun eh." Bumitaw na sa pag kakayakap. Tumayo siya, tumayo na din ako. Hinawakan niya ang kamay ko at nag lakad na.
"Hindi ko maiwasang 'di magalit kay Kit." Naiintindihan ko s'ya. Kung may time machine lang ibabalik ko ang nakaraan. Hindi ko na s'ya hahayaang mag puntang amerika. Nakarating na kami sa bahay na tinitirhan namin ni Joy. "Nay, mano po." Nag mano ako kay nanay, binati ko na din ng magandang gabi ang nanay ni Joy. Si Mama Cy, sabi n'ya kasi parang mag kapatid na kami ni Joy kaya Mama Cy na lang daw ang itawag ko sa kan'ya. Katulong ang nanay ko sa bahay na 'to. Sila Mama Cy ang nag papaaral sa'kin kung s'an din nag aaral si Joy. Masuwerte kami na mabuting amo ang nakilala ni Nanay. May instant kapatid at best friend pa ako.
"Alam ko Joy nabalitaan n'yo na." Nandito kami ngayon sa hapag kainan at kumakain ng hapunan. Kahit na katulong kami, pamilya ang turing nila saamin. Umiwas ng tingin si Joy kay Mama Cy at humarap saakin si Mama Cy yumuko ako. "Buntis si Kit." Dadag naman ni Nanay. Sa kabilang street ang bahay ni Kit. Paniguradong kalat na ang balita. "Seven months na daw ang bata." Sabi naman ni Mama Cy. Akala ko six months lang ang bata pero hindi pala. Sana pagka tapos n'ya manganak ay makabalik ang dating Kit na nag mo-model na kilala namin at mag aaral ulit s'ya.
"Lagi daw nasa bar si Kit gabi gabi. Marami daw na inuuwing lalaki si Kit lingo lingo. Kundi sa bar ang punta n'ya sa bahay daw nila ginagawa ang party. Sayang si Kit. Wag kayo tutulad d'un huh? Naku, pag kukurutin ko ang singit n'yo pag nag kataon." Tumawa si Joy sa sinabi ng ina n'ya tumayo s'ya at niyakap ni Mama Cy. "Nako, My. May gurdian angel ako na laging nag babantay sa'kin sa school no! Andyan kaya si Alice!" Ngumiti ako. Tumayo na din ako para yakapin si Mama Cy.
"Syempre kapatid na kaya kita! Lagi ko pong babantayan 'tong makulit na baby sis' ko!" Tumawa si Mama Cy. Bumalik na kami sa upuan ni Joy. "Make sure. Hihilalin ko lahat ng buhok n'yo sa katawan. Ang bata bata n'yo pa." Hindi kami mapaririwara ni Joy. I promise, I will always watch over her. She is my little sister. Proprotektahan ko s'ya sa abot ng makakaya ko. 'Di ko pababayaan at lagi kong tutulungan. 1st year college si Joy while 2nd year naman ako. Parehas kami ng course na tourism.
"Alam mo, isang araw makikita natin na successful na tayo. May kan'ya kan'yang love life na!" Tumawa ako. Sawi kasi sa love life si Joy dahil fictional characters ang boyfriend niya. Pero walang aagaw kay Manu ko! Manu Rios saupaxtzcz naxxz bente uno mapagmahalxzcxs. Dahil sa kan'ya nahawa na ako. Pero loyal talaga ako kay Manu. S'ya lang ang lagi kong mamahalin lols. Ang kiri ko. Ibinalot ko ang sarili ko sa kumot. We share rooms. But seperated bed. Dati kasi sa isang king size bed kami pero lagi akong nalalaglag sa sahig dahil sa sobrang likot n'ya matulog. Kaya ayun! Sandamakmak na pasa at bukol ang bungad sa umaga. Tig isang king size bed kami. Pero nahuhulog padin s'ya. Poor Joy.
"Good night, Alice. Sweet dreams. Mag de-date pa kami ni Elijah!" Nag talukbong na s'ya ng kumot. Tumayo ako para sa switch ng ilaw. Sana bukas okay na ang lahat. Buo na ulit kaming lima. Walang problema at kami ulit ang mga batang babae na nag lalaro ng putik sa gitna ng ulan. Ang mga batang babae na bungal at nag aagawan sa kendi. Bukas kami ulit ang mga batang babae na masaya. Sana lang..
BINABASA MO ANG
The Tree House
Short StoryMasayang balikan ang mga pangyayari noong panahong bata ka pa. Masaya, walang problema, at puro laro lamang ang nasa isip. Ang mga kaibigan mo noon, ang paborito n'yong laruan. Sa pag lipas ba ang panahon ay ganoon pa'din?