Falling in love with that boy is difficult. Why? Because he couldn't reciprocate my love for him. It's like having a balloon, you wanted to hold on to it forever, but you know you couldn't...
"Kate!" siniko ako ni Elma, ang seatmate ko. Napatitig ako sa kanya.
"Bakit?" inginuso niya si Mr. Laggui na nakatitig na pala sa akin. Napangiti ako... itinaas ko ng bahagya ang notebook ko upang iparating sa kanya na nagsusulat ako at sinusubukang i-solve ang problem na nasa pisara namin. Napanguso pa ako. ang hirap, hirap. Kahit kailan hindi ko naging favorite subject ang Math, pero hindi ko naman siya hate. I just dislike the subject. Pero nakakapasa naman ako.
"Ano ba iyang sinusulat mo?" bulong sa akin ni Elma. Tumingin ako sa kanya.
"Wala..." isinara ko ang likod ng notebook ko at nagpatuloy na sa pagsusulat ng mathematical problem sa harapan ko.
"Wala daw.... Nagpe-flames ka lang eh... Si Angelo na naman noh?" kahit ayoko ay napangiti ako nang bigkasin ni Elma ang pangaln ni Angelo, hindi ko tuloy mapigilan na mapatingin sa direksyon niya.
Angelo is the class nerd, he is also the class president, the president of the Math Club, and he is the school's in house geek...
I know, the popular guys, have already labeled him, pero wala namanang masama. I do not believe in labels. Bogus iyon... at saka isa pa... cute talaga si Angelo kaya hindi ko maiwasan na magka-crush sa kanya.
Namula ang mga pisngi ko nang mapansin kong nakatingin na rin pala siya sa aking direksyon. Hindi ko man lang namalayan na lumingon na pala siya. Nakakahiya, agad akong nagyuko nang ulo para hindi na niya ako matingnan.
"Ang cute talaga ng glasses niya..." natatawang sabi ko. Muli akong siniko ni Elma. Oo, bistado na niya ako, pero bakit ba...
Nagpatuloy na lang ako sa pagsusulat. Hindi ko talaga maintindihan ang dinidicuss ni Mr. Laggui, bigla ko tuloy naisip, ano bang kinalaman ng tangent lines at asymptote sa buhay ng tao?
Kapag ba nalaman ng tao na ang mga tangent lines ay ang mga lines na minsan lang nagme-meet pero pagkatpos noon hiwalay na sila forever?
Ano bang implikasyon noon sa buhay ko? Hindi naman ako kukuha ng kahit anong course na may koneksyon sa math kaya bakit kailangan pang ituro ang math sa high school?
Hay.... muli ay napatingin ako sa direksyon ni Angelo... hindi ko talaga maintindihan ang lesson namin ngayon kaya, mamaya pagkatapos ng klase, hihiramin ko na lang iyong notes niya o kaya man, itatanong ko kung pwede niya akong turuan sa vacant time.
Tapos... napangiti ako muli... magkakaroon na naman ako ng pagkakataon para makasama siya... hay ulit...
The bell rang, parang iyon lang ang hinihintay ng mga classmates ko, dahil pagkatapos na pagkatapos ng bell, agad silang nagtayuan, hindi man lang nila hinintay si Mr. Laggui na sabihin ang salitang "dismissed."
"Tara na, Kate..." yakag sa akin ni Elma... Ngumiti ako.
"Sige na, mauna ka na... may sasabayan akong iba..." wala pa man ay napapangiti na ako ng bonggang-bongga. Inayos ko ang mga gamit ko at kinuha ang bag ko. Dahan-dahan akong lumapit kay Angelo na nag-aayos na rin nang gamit noong mga oras na iyon.
"Hi, Angelo..." masayang bati ko. Nag-angat siya ng tingin, kumabog ng malakas ang puso ko. Nagkaroon bigla ang natural disaster sa loob ng katawan ko... nagulo ang blood circulation ko pati na rin ang respiratory system ko, bigla ay hindi ako makahinga...
"Bakit?" itinulak niya ang salamin niya, saka muling binalingan ang bag niya.
"Aum... ano.." bakit nauutal ako? "P-pwede bang pahiram ng notes mo sa Math? hindi ko kasi na-gets iyong turo ni Sir eh..."
"Paano mo maiintindihan kung sa iba ka nakatingin..." bumulong siya... iyon ang narinig ko. Kumunot ang noo ko.
"Ano?" nagtatakang tanong ko. Huminga siya ng malalim at sabay sabi ng:
"Wala..." kinuha niya ang Math notebook niya at saka ibinigay iyon sa akin. Parang namutla pa nga siya noon. Hindi ko alam kung bakit. Baka masama ang pakiramdam niya kasi talagang nawalan ng kulay ang mukha niya.
"Iyan... nasa l-likod i-iyong no-notes ngayon.. jut gi-give it back to m-me tomorrow..." he said... napangiti ako, nauutal din siya. Bakit kaya...
"Th-thank y-you, Angelo..." nakangiting sabi ko. Kinuha ko ang notebook mula sa kanya, hinatak ko pa iyon dahil ang higpit ng pagkakahawak niya.
"Akala ko ba ipapahiram mo eh bakit ayaw mong binitiwan?" biro ko sa kanya. Lumuwag ang pagkakahawak niya. Ngumiti ako. "Salamat talaga ha... teka, hindi ka pa ba aalis?"
"No.. uhm.. Kate..." he looked at me.. Kinabahan namana ko. Bakit kaya?
"Yes?" tanong ko..
"I'm just gonna stay here... five minutes..." na-wirduhan ako bigla sa kanya. Ganoon ba talaga, kapag matalino? Weird? Napangiti ako.
"Okay, aalis na ako. See you tomorrow..." mabilis na lumabas ako ng classroom. Napasandal pa ako sa pader dahil pakiramda ko talaga noon nanlalambot ang mga tuhod ko. Bakit ba sa tuwing kausap ko si Angelo, nanghihina ako? Parang nagiging jelly iyong knee caps ko?
Siguro ganoon ko siya ka-crush...
"Hay Angelo, para kang bato... ang manhid mo.." napapangiting bulong ko, pero bigla ko ring naalala iyong hitsura niya kanina.. para siyang may sakit, tinakasan ng kulay ang mukha niya, bakit kaya?
Palabas na ako ng 4th year department nang bigla kong maisip na buksan ang notebook no Angelo... sabi niya nasa likod daw iyong notes na sinulat niya kanina...
Bakit naman kaya? Dati tuwing hihiramin ko iyong notes niya sa harap siya nagsusulat, ngayon sa likod? Math notebook niya ba talaga ito?
Binuklat ko ang likod. Puro doodles... puro scratch. Nasaan iyong notes niya? Muli ay binuklat ko iyon... at halos lumabas na ang puso ko mula sa bibig ko nang maintidihan ko ang nakasulat
roon.
F.L.A.M.E.S.
Angelo Ken Deliarte - 12 - sweet
Katarina De Jesus - 12 - sweet
______________________
24 - sweet
Napangiti ako. Ang corny naman ni Angelo. Para siyang elementary, naniniwala pa siya sa flames? Bigla ay may kumuha ng notebook na iyon mula sa mga kamay ko.
"Bakit natatawa ka?" tanong niya sa akin. Lalong lumuwag ang pagkakangiti ko.
"Ang corny mo kasi, bakit nagpe-flames ka?" kunway tanong ko.
"Naiinip ako eh..." biglang sagot niya, nag-iwas siya sa akin ng tingin.
"Eh bakit pangalan ko iyang nakalagay diyan?" muling tanong ko sa kanya. He sighed, then he looked at me..
"Because I like you..." mahinang sagot niya. Kulang na lang ay magtatalon ako sa tuwa, he likes me... he likes me... he likes me daw oh... kinurot ko siya sa pisngi..
"Ayie... huwag kang mag-alala... Crush naman kita..." he looked at me...
"Really?" tumango ako, pagkatapos ay kinindatan ko siya. He took my hand and together, we walked towards the school gate... I was wrong, hindi pala bato si Angelo... akala ko lang iyon...
He said it already, he likes me...