Nanatili kami ni Denise na parang aso at pusa hanggang narating namin ang KShelyn Academy.....
Chapter 2:First Day"Whooooaaaaah ! "
Isang malaking building ang sumalubong sa akin na para bang palasyo sa laki nito,
Malapad na Open ground, atNapapaligiran ito ng mga halaman na tila mahihimatay ka sa ganda.
Merong gumamela, Santan, Rose, Palmera plant at marami pa.
SPEAKING OF HIMATAY,
"Denise! ! Denise !! anong nangyari sayo? ! "
Sa pagsigaw ko ng malakas, nagtaka ang mga tao at nagkalat sa paligid namin.
Uminit ang paligid at hindi ko na alam ang gagawin ko kay Denise.
"Ewwwww, Newbies" sabi ng isang mataas na babae na nakagreen,
"Mukhang nanggaling sila sa public schools"
"Obviously, tignan mo ang itsura nila"
"Tara na girls, Nagsasayang lang kayo ng oras dyan"
Hindi na ako nakinig sa kanila , dapat madala ko si Denise sa Clinic.
"teka , teka, Sa'n yung Clinic dito?" .
Itinaas ko ng konti si Denise at naagpatuloy sa paglalakad. Bitbit ko siya tulad ng isang towel na nakapatong sa balikat ko.
Naikot ko na ang buong paligid ng paaralan at hindi ko pa talaga mahanap ang clinic hanggang may nakasalubong ako.
"Bago kayo dito?"
"Oo, san yung clinic ?"
"Doon sa gitna ng Main building, ano ang nangyari sa kanya?"
Hindi ko na siya sinagot at tumakbo ng mabilis na mabilis.
*knock* *knock*
walang sumagot.
*knock* *knock*
......................
*KNOCK* *KNOCK* *KNOCK*
"SIR !" Wika ng lalaki na may dalang walis.
"AYH KALABAW! Ginulat mo naman ako."
."Patawad po sir"
"Bakit ayaw magbukas ng pinto?"
"Siguro po bago pa kayo dito no?, Kailangan mong kumatok ng tatlong beses para magbukas ang pinto. "
"ANO BA NAMAN ITO. Kailangan pa talaga magbilang ????"
Sinunod ko ang sabi ng Janitor at nakapasok kami agad Clinic. Ang buong silid ang malamig. Mayroong mga higaan, medisina, weighing scale at marami pa. Umupo muna ako sa upuan na nasa tabi ng kinatatayuan ko ngayon.
Lumabas ang doctor at sinabi na ang maaaring dahilan ng pagkahimatay ni Denise ay ang kakulangan sa pagkain ng gulay. Mas gusto niya kasi kumain ng karne.
Habang naghihintay na gumising si Denise, ako ay nakatulog na rin sa tabi niya.
*Krinnnngggg!!!!* tunog ng bell.
"Kuya? , nasaan tayo?"
"OKay kana ba? May masakit ba sa katawan mo ? Kaya mu na ba tumayo?"
"Maayos na ang pakiramdam ko kuya."
"Sige umayos ka na dahil papasok pa tayo mamaya"
Lumabas na kami sa Clinic at nung matapos ang Lunch Time, pumasok na ako sa room ko. Lahat sila ay nakatingin lang sa akin. Siguro dahil wala ako sa klase kaninang umaga. Ang sama ng tingin nila. Hindi ko pa nasabi sa inyo, 3rd year High School na pala ako habang si Denise ay nasa 1st year high school pa. Hindi ko na sila pinansin at ibinaba ko nalang ang ulo ko.
"Good Afternoon Class ! , I am Melanie Perez. I will be handling Science Class......"
"Good Afternoon ma'am !"
Ganun lang sa lahat ng subjects, pakilala doon, pakilala dito... Nasanay na ako .
Natapos na ang klase pero walang ni isa man ang nakipag usap sa akin. Hindi ba friendly ang mga tao dito ? . di bale nalang, Baka bukas makakahanap rin ako ng kaibigan ko.