Halloween Special: Horror Love

5.2K 161 21
                                    

MissyMarie: Hey guys :) Namiss ko ang love story ni Angelica pati Mycko eh kaya magpaparamdam muna sila ha. Sorry nga pala if hindi natuloy ang book 2 kasi this story is so special to me at if may book 2 ay baka mawawala yun kasi baka matatagalan akong magupdate at mawalan ng gana at ayaw kong mangyari yun. Okay na to na hanggang book 1 lang :)

Hope you enjoy my Halloween special. Di naman to katakutan eh. Medyo cheesy nga at romantic to. Basta, basahin niyo na lang. Thank You!!!

I dedicate this Special Chapter to my favorite author. Kahit kathniel author ako ay love na love na love ko talaga stories ni Ate Jade. :*

SORRY IF LATE KO TO NAUPLOAD. NABUSY KAHAPON EH.

================================================================== 

Mycko's Pov

"Wifey, date tayooooo~" sabi ko habang niyayakap si Angelica sa likod.

Nagluluto ang sweetie ko. Ang sarap! Kasi ang bango bango kahit popcorn lang ang niluluto niya.

"Mycko Ko, ano ba! Mamaya ka na maglambing okay? Nagluluto ako dito oh." sabi niya.

Kumalas naman ako sa yakap at pinisil ang pisngi niya.

"Naku, kahit kailan talaga ang cute cute mo!" sabi ko at tumawa.

"Tigilan mo nga ako. Puro lambing ka dyan. Dun ka na nga at iready mo na ang panonoorin natin." sabi niya naman.

Oo nga pala. Magm-movie Marathon pala kami ni Angelica dito sa condo. Halloween kasi eh.

"Okay fine." sabi ko.

Dumaretso naman ako sa sala at pumili na ng panonoorin namin. Hmm, siguro ito na lang The Conjuring ang panunuorin namin. Sabi kasi ng barkada ko nakakatakot daw to.

"Oh? Nakahanda na ba?" tanong sa akin ni Angelica na may dalang popcorn.

Tumango naman ako. Umupo naman siya sa sofa at ako naman ay plinay na ang dvd player.

"The Conjuring? Nakakaakot ba yan?"

"Oo noh!" sabi ko.

Takte, background music pa nga lang ang naririnig ko nagulat na ako eh paano kung makita ko na yung mga multo sa palabas?

"Di naman siguro. Hahahaha, baka natatakot ka Mycko Ko, sabihin mo lang." sabi ko.

Nanlaki naman ang mata ko. Ako matatakot sa horror movies?

"Dear Fiancée, hindi mo ba alam na ako si Mycko Dela Cruz? I am not afraid of------AHHHH!!!"

My Fallen Angel [End.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon