Chapter 7 - Claire's Pov

8.3K 190 4
                                    

Chapter 7 – Claire's Pov

'Manong pasensya na po kulang ako ng sampung piso. Sorry po talaga pero ayaw niyo po ba talaga mag antay saglit para makuha ko sa taas yung kulang ko ayan naman na po yung bahay ko eh. Dadalhan pa kita ng juice!" alok ko sa mamang taxi driver na mabait dahil ayaw ng ipabayad yung kulang kong 10 piso.

Well kulang yung perang dala ko at hmm, medyo zero balance nanaman kasi ang load ng phone ko kahit pa ipinangako ko na kay kuya na lagi akong maglalagay ng balance. Well promises are maid to be broken nga siguro talaga.

"ano ka ba iha ayos lang yon" tawa ni manong taxi driver. I pursed my lips in uncertainty "seryoso okay lang yon anak, napasaya mo naman ako sa mga kwento mo eh. Una na ako mag-iingat ka" tumango nalang ako at ngumiti sa mabait na manong.

"paki kamusta nalang po ako kay misis at sa mga anak niyo" kumaway na lang ako ng masigla sa kaniya habang nire-reverse na niya yung taix niya.

I smiled at the teens na bumabati sakin habang papasok ako sa bar, buhay na buhay na yung bar and the dj is already playing a remix of a love song, Tuesday is a non-stop remix lovesong day. Yun yung kanta na may masiglang beat na remix sa mga sikat na all time lovesongs.

Bago pa ako dumugin ng mga fans ng Cry I sneak back at nagmamadaling umakyat sa kwarto. Ini-imagine ko palang ang beastmode na si Ynna napapa ngiwi na ako eh. Lagot ako dun late na ako ng 30 mins.

"Claire Alvarez!!" biglang may sumigaw ng pangalan ko habang dahan dahan kong binubuksan yung pinto ng kwarto. Napapikit ako at napakagat ng labi. Nako naman.

Exhaling humarap ako kay kay Ynna at ngumiti ng malaki "he-hello Ynna! Eto na magbibihis na ako sige bye bye!"at bago pa siya maka salita agad akong pumasok sa kwarto isnarado yung pinto at nilock.

"hoy! Buksan mo to! Walang hiya ka mag papaliwanag ka pa sakin kung san ka nang galing ayaw umamin ng dalawa nating kuya tinatago nila sakin ang totoo kaya ikaw ang magsabi sakin, sino ka date mong loka ka! Hoy magsabi ka sa sister slash Cousin slash bestfriend mo!"

"argh Ynna wala akong ka date okay? Wala ngang boyfriend ka date pa kaya? Musta naman yon? hintayin mo nalang ako sa labas sabihin mo sa kanila lalabas na ako within 15 minutes okay?" I told her and hwne I saw an outfit na nakalagay na sa kama nagpahabol ako ng "Thank you!" na sigaw sa papaalis na si Ynna.

Immediately changing to the ripped jeans na halos mabuhol buhol pa yung daliri ko sa paa na paulit ulit sumabit sa ripped parts. Naknampudge. Then I pulled in the the long sleeve blouse na hanggang midrift ko lang at labas na labas ang belly ko. Long sleeves to at contrary sa itim na ripped jeans ko kulay puti ang long sleeve blouse ko.

I put a minimal make up with a winged eyeliner and a dark red lipstick. kagaya kahapon hinayaan ko lang na nakalugay yung blonde kong buhok. Mabilis ko ring sinuot yung black heels na hinanda sakin ni Ynna at nagmamadaling bumaba at tumakbo sa already set ng stage.

Binati ko si dj Arlo at hinalikan ako ni Kuya Robert at kuya Jovert sa noo bago tuluyang humarap sa aming audience.

"hello pals" bati ko ng hinanaan na ni dj Arlo yung background song.nag reply ang audience with loud hoots and shouts.

"I'm sorry late ako ng 5 minut—" dina nila pinatapos ang sasabihin ko dahil bigla silang nag sigawan ng "45 minutes!!" and I laughed alongside my cousins.

"Oo nga 45 minutes nga sabi ko. Kaya naman oh, everyone ready to start techno-Tuesday?" I asked the audience.

Nagchant naman sila ng "Cleng! Cleng!" in reply at yung iba eh "Cry! Cry!"

The Hidden Princess ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon