Chapter Three

188 1 0
                                    

CHAPTER THREE- Transferee

Daenaryn's POV

"Ash! Babalik ako! Babalikan kita promise ko yan"

Sigaw ng isang bata na nakasakay sa isang papalayong sasakyan.

Wala kong nagawa kung hindi umiyak.

"Dae.. Dae.. Dae gising"

Nagising ako ng dahil sa yugyog ni Ella. Nakatulog pala ako sa kakaiyak.

"Nananaginip ka na naman. By the way ginising kita kasi uwian na. Hindi na kita ginising para sa last 2 subject natin."

"Ah ganun ba? Oh sige uwi na tayo"

Lumabas na kami ni Ella at habang naglalakad sa corridor...

(booogsh)

"ARGHHHHHH -!!!!"

Napatingin ang lahat ng tao sa piligid namin sa amin.

"What the- Nakita mo ginawa mo sa dress ko??"

Natapunan lang naman ng juice nung babae yung maganda kong dress.

"Sorry po.. naku hindi ko po sinasadya. Kung gusto niyo po ako na lang ang maglalaba niyan" sinasabi nung babae habang pinupunasan ng panyo niya yung dress ko.

"Can you stop doing that? You're irritating me. Can you please go now? Baka kung ano pa magawa ko sayo"

Agad agad kumaripas ng takbo yung babae.

"Nakakainis bhest. Nadumihan yung dress ko. Argh"

"Yaan mo na bhest. Madami ka namang dress eh. Nga pala tumawag si Tita Kaye kanina"

Biglang nawala yung inis ko. Alam ko na kapag tumawag si Tita Kaye ay tungkol kay Derick ang sasabihin.

"Anong sabi niya?? Bakit hindi mo ako ginising?" Inaalog alog ko siya habang sinasabi ko sa kanya yan.

"Teka bhest chillax"

Narealize ko naman na grabe pala yung pag-alog ko sa kanya. Tinigil ko ang pag-alog ko sa kanya.

"Hehe. Sorry alam mo naman ako pagdating kay Derick. Oh dali na ano ng sabi ni Tita?"

"Sabi niya tawagan mo daw siya paggising mo. Wag na daw kasi kita gisingin"

"Ow. Where's my phone?"

Pagkaabot na pagkaabot sakin ng cellphone ko tinawagan ko agad si Tita Kaye.

"Hello tita. Bakit po kayo napatawag kanina?"

"Oh. Hello Dae I just want you to know that Derick is transferring to Yoo International University. Actually andyan na siya kanina pa"

"WHAT?" shocked na tanong ko kay Tita.

"Yes Dae you heard me right. Andiyan siya ngayon. Puntahan mo na lang siya. Got to go Dae. Bye"

"Ella! Samahan mo ko sa Administration Office. Andoon ngayon si Derick my loves"

Patakbo kaming pumunta ni Ella.

"Gosh Dae ang daming tao."

"Problema ba yun? EVERYBODY! GET OUT OF MY WAY"

Lahat ng tao na nakaharaang sa pinto ng Admin Office ay nagsitabihan. Nakadaan naman kami ng matiwasay at nakapasok na pinto.

Pero laking gulat ko ng hindi lang si Derick ang nakita ko na nakaupo sa harap ng Admin namin.

"What are you doing here Mr. Matthew Chan?" -_^

"I am transferring here Ms. Yoo."

"Bakit dito pa!?"

"Kasi nandito ka?"

Argh. Bwisit talaga tong mayabang na pangit na to.

"ehem"

Oh. Nakalimutan ko na andito pala si Derick.

"Oh. Derick I'm sorry."

"It's okay Dae :) "

waaah. Ang kanyang nakakatunaw na ngiti.

"Well Miss Yoo pwede ko bang malaman kung ano ang purpose mo dito?"

"Ah kasi nandito si Derick. Bakit bawal na ba akong pumunta dito?"

"Ah hindi naman Miss Yoo. You can stay here whenever you want"

"Excuse me, can I go now?"

"Oh yes Mr. Chan. Thank you for choosing this school"

"My pleasure sir. Bye Miss Yoo" sabay wink sa akin.

Aish. Kahit kailan talaga hindi siya nabigong inisin ako.

"Sir, pwede po bang wag niyong tanggapin yung mayabang na lalaking yun dito sa school NAMIN?"

"Oh. I'm sorry Miss Yoo pero wala ka na pong magagawa. Enrolled na sila parehas ni Mr. Padua dito"

"Okay lang yan Dae. :) oh siya aalis na din ako. May shooting pa kasi ako"

"Oh sabay na tayo pumunta sa parking lot DJ."

Ayun sabay sabay kaming pumunta sa parking lot. Naghiwalay din kami kasi nga may shooting pa daw si DJ.

"BHEST!! ELLA!! KYAAAAH!! Everyday ko na makikita si DJ"

"Onga bhest, yun lang araw araw mo din makikita sa Matthew"

Nawala bigla yung ngiti ko. Oo araw araw ako sasaya dahil kay Derick pero araw araw din ako mabubwisit ni Matthew.

Haist. Ano ng gagawin ko? I'm dead :((

---author's note

Ayun dahil trip ko mag-update. inconsistent po ang pag-update ko. sorry...

ayun ang dami palang typo. Sorry di kasi ako sanay sa cp na gamit ko ngayon

Best Friend or Lover? (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon