My First Horror Story... chuzzz..... :)
BTW, this story is about an island (hahaha... Island of no Return nga diba??? ahahaha... tanga- tangahan lang ang author.. Charot..) So, again... this story is about the groups of friends who came into the island called Island of No Return. People called that Island as an Island of No Return because some of the old people who lived in that island said that, people who came to visit the Island cannot return to their place anymore. But this group of friends doesn't believe that gossip and they still want to go to the Island that's why they came. Makabalik pa kaya sila??? hush hush kamusta naman ang english ko???... nose bleed ang peg :) Enjoy reading guys... :)
*****************************************
"Anna, sigurado ka bang may ka kilala ka sa Island na to huh?" Tanong ni Marlon kay Anna. Kakarating lang nila Anna mula sa lungsod kung saan sila sumakay ng bangka para makarating sa isla.
"Oo nga, ang kulit mo naman Marlon... ilang ulit ka na bang nag tanong?" Anna replied to Marlon feeling irritated.
"Sorry naman, naninigurado lang."
"Hoy, tumahimik na nga kayong dalawa. Lagi nalang kayong nagbabangayan. Ano nalang ang mangyayari sa pamilya niyo kung laging kayong ganyan hahaha." Saway ni John kay Marlon at Anna at nagtawanan ang lahat.
"Kyaaaa.. Manahimik ka nga kayo. John, isa ka pa ehh." sabi ni Anna kay John at nilapitan niya ang isang matandang lalaki na nakatayo malapit sa kanila. "Tay, pwede po bang mag tanong?" Anna asked the old man.
"Abay oo naman. Ano bang itatanong mo?" the old man answered to Anna.
"Saan po yung bahay nila Nanay Conchita Manalo?"
"Ahh, si Conching ba ang hanap niyo? Andun ang bahay nila sa may dulo. Pag may nakita kayong bahay doon na tatlong palapag, at may kulay bughaw na pintura, yun na yung bahay nila. Nag iisang bahay lang yun sa dulo kay makikita niyo agad yun."
"Ah sige, salamat po tay."
"Walang anuman."
Pagkatapos nilang magpasalamat sa matanda ay linagpasan na nila ito at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi pa man sila nakakalayop sa matanda ay naramdaman ni Anna na biglang nagsitayuan ang mga balahibo niya at dahan dahan niyang nilingon ang kinatatayuan ng matanda at laking gulat niya ng wala siyang makitang ni isang tao o bakas manlang na may tao kaya mas lalong nagsitayuan ang mga balahibo niya sa tindi narin ng kabang nararamdaman niya. Lumingon-lingon pa siya sa paligid ngunit wala talaga siyang makitang tao. Medyo may kadiliman narin kasi kaya siguro hindi niya na makita kung saan nagpunta ang matanda at yun na nga lang ang inisip niya at nagpatuloy na sa paglalakad kasabay ang lima pa niyang kasama. Mga ilang minuto lang naman silang nag lakad at narating na nga nila ang bahay ni nanay Conching. Agad silang pumasok sa gate at tinawag ito.
"Nay Conching, nay Conching." Tawag ni Anna dito at hindi naman nagtagal at may nagbukas ng pintuan.
"Sino yan?" tanong ng matandang nasa sixty plus na ata ang edad.
"Nanay, ako po ito si Anna. Yung anak po ni Antonio at Nita."
"Oh, Anna? ikaw na ba yan? Aba ang laki na nang pinagbago mo ahh! Kamusta kana?"
"Okay lang naman po ako Nay. Kayo po Kamusta po kayo?"
"Nako, okay na okay ako. Siya nga pala, sino ba itong mga kasama mo hah?"
"Ahh, nga po pala nay, sila po yung mga kaibigan ko, si Mark, si John, si Janneth, si Andrea at si Marlon. Magbabakasyon po sana kami dito ng mga ilang araw lang. Kung okay lang po sana sa inyo."
BINABASA MO ANG
Island of No Return (Completed)
HorrorAng kwentong ito ay pawang kathang isip lamang.. Ang lugar at mga pangyayari ay pawang hinugot lamang sa isipan ng may akda.