Chapter 1 : Damn Package !?

19.4K 255 164
                                    

Secret 1

"Nice Shot! Now show me your most daring look darling!" utos nung director matapos ang ilang shots at pose na ginawa ko.

I shifted  my position. I looked at the camera seductively and shoved my hair.

Ganito ba ang gusto mo direk? Hnng. Kahit sinong makakita sa pose kong ito, maaakit panigurado. Sa loob loob ko nagmo-moan ako para kunwari damang dama ko yung pose. Oha! Feeling professional. Hihi.

"That's it! I love it! Good Job darling! " sabay clap ni direk na sign na break time! Woo. Salamat naman daw. Ang daming nanonood ng photoshoot. Pero yung iba panaka-naka lang ang pagsilip sa akin. Busy din sila sa pagaayos ng room pati pag-aayos ng mga artista. Make-up dun make-up dyan.

Halatang tuwang tuwa sa akin ang direktor. Pasimple kong hinawi ng payabang ang buhok ko. Walang palya ko kasing nagagawa ang mga gusto niyang pose na gawin ko. Napanuod ko kaya yung ganung pose sa err basta dun! maganda yun! Haha.

Habang nagreretouch ako, lumapit si direk.

"That's it for today darling, pwede ka ng umuwi. Tatawagan nalang kita sa mga susunod na araw pag may bago kang imomodel. Keep it up okay?" sabay tap niya sa ulo ko.

Napangiti ako ng malapad. Waaaaa maaga pala akong makakauwi ngayon! Makakapahinga at nood ako ng ihhh. Secret lang ah? Ehhh mamaya ko nalang sasabihin.

"What's up with your smile, darling?" nagtatakang tanong ni direk. Nakalimutan ko nasa harap ko pa pala siya! Nakita pa niya tuloy yung mala manyak kong ngiti Damn! Mabuti nalang ang shuding ‘to!

"Ay!” bulalas ko saka ako napatakip ng bibig. “W-wala po direk! Thank you po ng madami! Una na po ako!" ngiti at tango lang ang isinagot niya sakain kaya ngumiti nalang din ako tapos tumakbo na ako palabas ng studio. Phew!

Nakakahiya! Naku! Sa sobrang hiya ko, nakalimutan ko nang magpaalam sa mga tao sa studio. Gosh! Okay scratch that na! Excited nako umuwi! Since wala pa naman akong sasakyan, naglakad nalang ako  papunta sa pinakamalapit na waiting shed. Grabe ang init. Sana sa birthday ko regaluhan ako ng kotse! Or pag-uwi ko may kotse na ko!

Sobrang daming tao sa bus, siksikan. Buti may gentleman na pinaupo ako. Hay. Mga 30 minutes nasa bus stop na kami malapit sa building na tinitirhan ko. Buti nalang at hindi masyadong traffic!

Nginitian ako ng security sa lobby, “Gandang hapon po!” sigaw ko dun sa security. Medyo bingi na kasi si tatang eh.

“Kay gandang bata talaga! Ano nga bang pangalan mo ulit iha?” tanong niya sakin. Jusko may pagka ulyanin na din pala si tatang.

“Si Tatay Rey talaga. Emerald po! Baka nalimot niyo po ang edad ko? Mukha po akong baby at isip bata pero matured na po ako ha? Beynte anyos na po ako. Haha. Nag-aaral po ako sa St. Augustine, medyo late na po ano? Pero graduating na din po! Haha. Uhm ano pa ba, Business administration po ang course ko! Wag niyo po ako kalilimutan ha?”

Natawa naman sakin si Tatang kasi sobrang daldal ko at ang bilis ko magsalita. Halos araw araw kasi nalilimot niya eh “Oo naman iha, tatandaan ko na iyan! Sige na, pumasok ka na at mainit.

Halos lahat ng nakasalubong ko binati ko na. Hihi pampagood vibes lang. Kahit ang mga staff na kasabay ko ngayon sa elevator binati ko na din. Nagkakwentuhan pa kami bago nakarating sa 4th floor kung nasaan ang unit ko. I swiped my card sa susyal na door at pumasok sa loob. Pahinga!

Maiba tayo, gusto niyo ba malaman ang sikreto ko kung bakit ang galing kong magpose-pose lalo pag sexy look ang kailangan? Simple lang! Napapanuod ko sa mga X-Rated Videos HIHIHI. Ang halay ko ‘no?  Ehhh. Hindi naman, eh! Ah! Mahilig din pala ako sa anime! Kayo ba? Haha ang daldal ko!

My Secret Love Master (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon